Chapter Thirteen

15 2 0
                                        

Christmas is the season of giving. December twenty three night, after gathering, I and my family went to manila to buy something for our or might say, my parent's little christmas present to the people of Isabela. I have bought presents for my cousins too, para kina Mommy at Daddy, kay Manang Arlene, to Gab, of course and even Neon. I wan't to get close to her. Hindi lang dahil crush ko ang Kuya niya, but I want to be like my friends closeness to her. Well, given na, na they were cousins but even my cousins were close to her.

It was Christmas day and I am so excited to give Gab my present for her. Maaga akong naligo at nagbihis para makapunta sa kaniya. Mommy and Daddy were already out. Gusto nila akong sumama para raw makilala ako ng mga tao. But my schedule is fixed and hindi naman at wala naman akong balak sundin ang yapak ni Daddy kaya nagpaiwan nalang ako.
I bought rolex for Gab. Hindi naman masama ito because I used my savings from my allowance.

Abala ako sa magsusuklay ng buhok ko sa harap ng salamin. Naglagay ako ng kaonting liptint at nagpulbo. Nagspray din ako ng strawberry and champagne ng victoria's secret. Inayos ko ang sintas ng aking puting sneakers na pinares ko sa isang itim na leggings and button down na string sandong croptop na color mustard yellow. Kinuha ko na ang bilog kong sling bag na gawa sa ratan. Ito naman ang naging gift ko para sa sarili ko. Pinulot ko iyong box ng rolex ni Gab bago ako lumabas ng kwarto ko.

I am so excited about this. Makikita ko ulit si Gab plus, I have my christmas gift. Medyo matagal na rin kasi akong hindi bumibisita sa kaniya magmula ng Christmas break. Siguro, tatlo or apat na beses lang bago ako tumigil.

I am on my way at nakikita ko na ang kahoy na gate ni Gab. And as usual, nakita kong bukas ito kaya tumuloy nalang ako. Ganoon din ang pintuan ng mismong bahay kaya pumasok nalang ako.

"Gab. I'm here. I have something for you."

Sabi ko ng makapasok sa bahay. Tumuloy ako sa sala at umupo sa sofa. There something new here in Gab's house. Sinala ko iyon at napansin ang amoy ng pabango. Is he with someone?

"Gab?"

Tawag ko. Nakarinig ako ng bagay na nahulog. Tumayo ako para silipin kung ano iyon. Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ni Gab when someone went out from that door.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang babae. I opened my mouth but I can't say something. Napansin ko rin ang pamumutla ng babae.

"Who are you? A-anong ginagawa mo sa kwarto ni Gab? Nasaan siya?"

I think, the girl were about to answer me pero lumabas si Gab sa kwarto niya and he was topless! Nahulog ko ang hawak-hawak kong karton na may lamang relo niya at napatakip sa bibig ko. I saw Gab's jaw clenched.

"I told you to knock first, Syd."

Matigas ang pagkakasabi ni Gab sa mga salitang iyon. I even saw anger on his eyes. What now? For how many days I am doing this thing, ngayon mo lang ako sisitahin!? Because what Gab? Because you did something with your girl?

Gustong gusto kong magtanong. I had a lot of questions that I want to ask but I cant even move a muscle! Even that I reallt don't have the right to.  Humakbang si Gab but I stepped backwards. Isa pang hakbang ay tumakbo na ako papa-alis.

Mali ba ako ng akala? Hindi ko ba talaga ganoon kakilala si Gab para isiping hindi siya katulad ng ibang lalaki? What did they do? May nangyari ba? Why is Gab topless? Mag-ano ba sila?

Mabilis akong naglakad pauwi at ng makarating ako sa bahay ay dire-diretso ako sa loob ng kwarto ko. Agad kong kinuha ang macbook ko para i-video call si Calli. I am already crying when Calli answered my call.

"Whay happened?"

May pag-aalala sa boses ni Calli ng magpakita siya sa monitor. I wiped my tears at humagulgol pa ng ma-alala ulit ang nakita ko. I don't why I'm crying right now. Is it because I was hurt? I don't know! Wala naman kaming relasyon ni Gab but I felt like I was betrayed.

"I-I saw Gab."

Nakita kong tumutok si Calli sa monitor and I covered my whole face and peaking on my fingers. Nahihiya ako kay Calli because I was so certain that my face was red and my eyes and lips were sucks!

"And? What about Gabin, Syd? Is he the reason why you're crying?"

Calli stay calm while I was in the middle of crying and screaming because of what I am feeling. Tumango lang ako bilang sagot kay Calli.

"What did he do to you?"

What did he do to me though? Wala naman diba? You just saw him with a girl and, and that was just right? Right because wala naman kayong relasyon. Then why you are crying Syd like you were his girlfriend and saw him cheating on you? Walang dahilan para umiyak because you don't have the right.

"Sydney Eunice. Kapag hindi ka pa magsasalita susugod ako diyaan sa bahay niyo at kakaladkarin kita papunta sa kung saan ang bahay ni Gabin at tatanungin ko kung ano ang nangyari. Gusto mo ba 'yon?"

Medyo nataranta ako sa sinabi ni Calli kaya inalis ko ang kamay kong nakatakip sa mukha ko. I calmed myself bago sumagot kay Calli.

"I saw him."

"Gabin Zeke? Uhuh? And then, Sydney Eunice?"

Ngumuso ako kasi na-realize ko sa sarili ko mismo na wala akong dapat i-iyak. But, I know, Calli would understand, alam niya kung gaano ko ka-gusto ang pinsan niya.

"With a girl."

Hinawakan ni Calli ang baba niya na parang nag-iisip at tumatango-tango sa screen habang hinihintay ay katuloy ng sasabihin ko.

"He is"

Kumagat ako sa labi ko at na-alala ulit ang mga nangyari kanina.

"He is what, Syd! Ang tagal mo! Gusto mo sabihin ko ito kina Ethan, Mav, Sena and Axel para kaming apat pa ang mag-interrogate sayo or-"

"He is topless!"

Pagkatapos kong masabi ng pasigaw iyong huli kong sentence ay bumalik ulit saakin ang mga nakita ko't nagsimula ulit umiyak.

"Awwww. Poor Sydney. Pinsan ko lang pala ang iniiyakan kasi may nakitang kasamang babae. How hurt you are darling?"

Tumigil ako sa pag-iyak at tiningnan ng masama si Calli.

"Are you mocking me, Calliope?"

"Why such a cry baby, Sydney? Kayo ba ni Gabin at ganyan ka maka-iyak?"

Pinagtaasan niya pa ako ng kilay. Meyo na-offend ako kaya sinara ko ng padabog iyong macbook ko.

Hindi ako lumabas maghapon at nagmukmok lang sa kwarto ko. Alas sinko ng katukin ako ni Manang Arlene. Palabas na rin sana ako para mangabayo ng kumatok siya.

"Eunice, may bisita ka."

Pinihit ko ang doorknob at tumambad sa akin si Manang Arlene na naka-ngiti. I smiled too pero agad din iyong napawi. I am not in the mood.

"Sino po?"

"Bumaba ka nalang para malaman mo kung sino at ipaghahanda ko kayo ng makakain niyo."

Tumango ako kay Manang Arlene. Nauna na siyang bumaba at unti-unting na rin akong bumaba sa hagdan. Sa baba, mayroong lalaking naka-upo. Naka-parte ang dalawang hita. Nakatukod doon ang mga siko habang nakasaklop ang mga palad sa harapan niya. Shit. Bakit siya nandito?! Babalik na sana ako ng tawagin ni Manang Arlene ang pansin niya.

"O! Hayan na pala si Eunce, hijo. Maiwan ko muna kayo ha at ipaghahanda ko kayo ng makakain."

Hindi ako sumagot at ganoon din si Gab na ngayon ay nakatayo na at naka-tingin sa akin. Bigla akong ginapangan ng hiya dahil sa mga nangyari kanina. Hindi ko matagalan ang mga titig niya at ibinaling sa kung saan saan ang tingin ko. Bumaba ako ng mabilisan at umupo ng padabog sa isa pang sofa na katabi ng inuupuan niya. Dito ko gusto para mabilis lang iwasan ang mga tingin ni Gab.

Naka-upo na ako pero nasa akin parin ang mga tingin niya. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya ng umupo rin siya sa sofa na inuupuan niya.

"Why you're here?"

UnconditionalWhere stories live. Discover now