Natahimik ang kabahayan. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. Ang dami niyang iniisip.

“I’ll be staying here. Where’s my room?” Anito at tumayo na.

“Our guest room is ready. Doon po kayo.” Sagot niya at kinuha ang bag nito at naunang naglakad patungo sa second floor kung nasaan ang guest room.

Sumunod naman ito sa kanya. “Our guest room.” Ulit nito sa sinabi niya. “Silly.”

Ramdam niyang may alam ito na kung ano pero hindi nito sinasabi sa kanya. The way she stared and talked to her, she can feel something’s up, but she has no idea about what it could be. She felt like she’s left in the darkness.

Iginiya niya ito papasok sa guest room at inilagay ang bag nito doon.
“If you need something po, tell me. I’ll be in our room.”

Tinaasan lang siya nito ng kilay kaya iniwan na niya ito doon at pumasok na sa kwarto nila.

Naabutan niya ang anak na nakaupo lang sa kama at parang may iniisip.

“Sabi ko matulog ka na di ba? Bakit gising ka pa?” Aniya at tumabi ng upo sa anak.

“Nay, di ba sabi ni Tatay bibisitahin niya ang lola ko? Eh bakit po nandito si lola?” Puno din ng pagtataka ang mukha nito.

Nakangiti lang ito kanina dahil baka ayaw din nitong mahalata ng lola nito na nagulat din ito sa mga nangyayari. Isa ‘yan sa katangian ng anak na gusto niya. Marunong itong tumimbang sa mga bagay- bagay at hindi taklesa.

Niyakap niya ang anak. “Hindi ko rin alam, anak.”

“Nagsisinungaling po sa atin si tatay… nagsinungaling siya sa inyo, Nay.” Her daughter sounds disappointed.

Sinapo niya ang mukha nito. “Huwag mong isipin yan. May dahilan ang tatay mo kung bakit, at hindi pa natin alam kung ano ‘yon. Pero kailangan nating pagkatiwalaan ang desisyon ng tatay mo. Maliwanag ba?”

Tinitigan lang siya ng anak. Disappointment is visible in her eyes. Ayaw niyang masira ang tingin nito kay Keith.

Kahit nasasaktan siya dahil sa ginawa ni Keith, hindi niya iyon gagawing dahilan para masira ang tingin ng anak nila rito.

“Matulog ka na. I’m sure may mabuting dahilan ang tatay mo. Mahal niya tayo di ba? Kaya hindi siya gagawa ng mga bagay na makakasakit satin. Kaya huwag ka ng mag- alala, matulog ka na.” Hinalikan niya ito sa noo.

Tumango lang ito at nahiga na para matulog. Tumabi din siya sa anak habang nakatitig lang sa kisame.

Yumakap sa kanya ang anak. “Mahal na mahal ko po kayo, Nay. Sobra po.”

Napangiti siya habang pinipigilang mamalisbis ang mga luha niya. Mukhang ramdam ng anak niya na nasasaktan siya.  “Mahal din kita anak.”

Hindi mawala sa isip niya ang pagsisinungaling ni Keith. At may tinatago ito sa kanya. Parang tinutusok ng paulit- ulit ang puso niya.

“Nay?” Kapagkuwan ay tawag sa kanya ng anak.

“Hmm?”

“Kapag po tumawag si tatay at tulog na po ako, huwag niyo na po akong gigisingin ha?”

Nakunot ang noo niya. “Bakit? Ayaw mo bang makausap ang tatay mo?”

Umiling ito. “Kayo na lang po ang mag-usap.” Humigpit ang yakap nito sa kanya at natulog na.

Mukhang nagtatampo ito kay Keith. Ipinikit na lang din niya ang mga mata at pinilit na matulog. Pero hindi pa lumalalim ang tulog niya, tumunog naman ang cellphone niya.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ