CHAPTER 1 Helena

9.5K 94 0
                                    

           Kasabay ng pagtunog ng alam clock ay ang mabilis na pagbangon ni Helena. Bago tumayo ay nag-alay siya ng tahimik na panalangin.Sabay bati sa kanyang sarili maligayang kaarawan Helena.Dise-otso ka na isang ganap na dalaga.Dise-otso anyos na din siyang namumuhay ng may lungkot nagtatanong kung bakit nandito siya sa ampunan at hindi kapiling ang kanyang mga magulang nasaan ka na inay?itay? Mayroon ba siyang pamilya at nasaan kaya ang mga ito?

           

           O baka naman wala siya ng mga yon.Isang malaking katanungan sa kanyang isip.Na wala ding kasagutan wala ding may alam sa mga madre ng ampunan na siyang namamahala dito.Ang sabi ni mother superior ay nakita na lang daw siya na nakasilid sa isang basket at may sulat na nagsasabing alagaan siyang mabuti at babalik daw siya.Pero 18 years na ang nakakalipas at walang nangyari. Dapat na ba siyang sumuko?Hindi,hinding hindi siya susuko.Malungkot siyang bumangon at inayos ang kanyang higaan ngayon din ay ang huling araw ng sa bahay ampunan.May patakaran kasi na hanggang dise-otso lang ang pagtira sa bahay ampunan.Ngayon ay makikita na din niya ang iba pang gamit na nasa pag-iingat ng mga madre kasama niya ang mga iyon na nakalagay sa basket ng araw na dalhin siya sa bahay ampunan.

            ''Maligayang kaarawan Lena'' bati sa kanya ng madre superiora

            ''Salamat po mother sa lahat, malungkot po ako dahil hindi na tayo magkikita araw araw.''

              Pinahid nito ang mga luhang pumatak galing sa kanyang mga mata

               ''Ke aga aga ay umiiyak ka birthday mo pa naman,bukas pa rin ang ampunan sa iyong pagdalaw,Lena.''

Tumayo ito at inabot sa kanya ang isang baby basket.

        Kaagad niya itong inabot.Nagpaalam na din siya dahil darating na si Ingrid para sunduin siya.Nagpasalamat siya sa lahat ng mga madre sa buong pusong pagmamahal at pagkalinga sa kanya bago siya umalis ay may munting salo-salo para sa kanyang kaarawan.Nangako siyang dadalaw pag hindi siya abala sa school at trabaho.Malungkot na sinulyapan niya ang lugar bago siya lumisan.Marami siyang masaya at malungkot na ala-ala sa lugar na ito

Author's note

          Finally natapos din.First timer po.Sorry sa mga errors.Salamat sa mga nagbasa.

Cast

Helena Contreras_Violante Placido

Joe Manganiello_Juan Manuel La Vista

Amber Heard_Minerva Ingrid La Vista

Rene Russo_Minerva La Vista

Dennis Quaid_Jose Manuel La Vista

Tom Welling_Jose Miguel La Vista

Isabella Rossellini_Contessa Maria 

Francesca Campagnielli

               

All My LifeWhere stories live. Discover now