Chapter 1: Notifications

29 0 0
                                        

"Grr ang init naman sa Philippines! Pwede na yata ako mag prito ng itlog sa bubong namin eh" sigaw ng maarte kong kapatid, si Xia.
Paano ba naman bigla bigla nalang nag brownout. Hay naku 3p.m. pa babalik yung kuryente dito sa amin. 30 mins. nalang naman at babalik na rin yung kuryente. Sana all bumabalik! Joke ang sawi mo naman self eh wala ka namang jowa AHAHA!
Magbabasa nalang nga ako ng manga hihi. Galeng talaga ni Soma Yukihira mag luto ng pagkain wahh òwó.
Magkakampe sila ni Erina sa isang shokugeki, kalaban nila ang magagaling na estudyante na kabilang sa Elite 10.
Ang gagaleng nila, pero mas magaleng si Soma at Erina! Nagugutom tuloy ako kakabasa hihi paano ba naman puro pagkain tong binabasa ko hehe. Mapunta ngang kusina.

Ayun oh! Cookies hehe saktong sakto at nagccrave ako ngayon ng sweets. Hmm dito nalang nga ako magbabasa ng manga. Para habang nagbabasa kumakain ako hehe. Baka magkalat pa ako sa kwarto at langgamin pa ako >.<
Ayan na! Kinakain na ng judge yung hinandang pagkain ng kalaban! Theme kasi nila is Appetizer and Main dish. Ang confident ng papa ni Erina na matatalo ng kalaban sila Soma at Erina. Grrr! Kagigil ren tong papa niya eh. Infernes ang sarap ng food na kalaban ha parang gusto ko ren kumain nyan hehe. Loko loko naman tong dalawa, hanggang ngayon nag aaway sa kung ano ba talaga lulutoin nila oh no! And another oh no, naubos ko na yung cookies HAHA!

"HAY SA WAKAS MAY KURYENTE NA! MAKAKALARO NA AKO NG ML" ingay talaga ng kapatid ko. Kailangan pa talagang e sigaw eh. Inom muna ako tubig bago ako bumalik sa pagbabasa, nauhaw ako kakakain at kakabasa HAHA!
"owow!" Ay akala ko kung ano na "ikaw pala yan shung hehe, gusto mo treat?"
"owowow!" hay nako tong aso ko lagi nalang kain ng kain, buti nalang d siya gaanong tumataba HAHA! "Here, be a good girl shung, balik na ako sa room" iniwan ko nalang si shung, magbabasa na ule ako hehe. "HOY! XIRINA!" jusko uso mag ATE noh, walang manners tong kapatid ko Grrr bahala ka jan di kita papansinin,may ipapagawa nanaman ito eh. "XIRINA ARILYN, TINATAWAG KITA! BINGI KA BA?" "Ano ba? Kailangan sumigaw? At uso mag Ate noh! Kala mo naman masbata kausap mo" sabi ko sa kapatid kong magaleng. "Hehe sorry na Ate. eh pa ano sana, pagawa yung assignment ko, drawing kasi. Eh busy pa ako mag rank up, pwede ba?" sabi ko na nga ba. "Pwede naman" "talaga!? Ito yung gamit ate hehe yung the-" " Pero may kapalit." nag simangot si Xia AHAHAHA ang ewan ng itsura niya. "Ano? Magpapagawa ka pa ba o hindi na?" "Sige na nga, ano ba?" Ayun oh AHAHAHA "paki laro nalang ml ko hanggang sa maka mythic ako ha, alam mo naman na acc ko eh geh na!" napakamot nalang siya tapos binigay sa akin yung materials niya "sige na nga! Basta gawin mo yan ha, mag drawing ka ng mga ways na panliligaw dati" tapos bumalik siya sa kwarto niya at sabay kalabog sa pintuan. HAHA bait ko talagang ate eh. Pumasok na ako sa kwarto ko , hayst akala ko pa naman matatapos ko na tong manga na toh ngayon. Ito talaga ayaw ko eh basta pag arts pinaguusapan ako agad takbo ng pamilya ko. Eh ito lang naman tanging talent ko, pagddrawing. I play instruments naman pero hindi naman yung kasing galeng ng mga bands na kilala ngayon. Simulan ko na nga toh para makapag basa na ako pagkatapos. Theme? Panliligaw..drinawing ko isang lalakeng naghaharana sa harapan ng babae tapos nilibot ko dun mga hand written letters ng mag kasintahan. Eh quite easy to do naman.
Napaisip tuloy ako, ano feeling na hinaharanahan ka ng lalake? Like sa labas ng bahay mo tapos kakantahan ka ng mga sweet na songs. Tsaka ano ba feeling na sinusulatan ka ng mga letters, well love letters..Saya yata noh? Wah parang ang sarap sa feeling na may nanliligaw sayo Waaahhh >.<
Nagiimagine nanaman ako!
Kukulayan ko na nga tong drawing na ito mayghad. Love lifw tuloy iniisip ko. Palibhasa wala akong ganun tsk. Nangangarap nalang ako na magkakaroon ako ng isang Ginoo na mamahalin ako ng tunay kahit na mukha akong nerd ~.~

5 p.m. na pala, ngayon ko lang natapos ginawa ko. Dami ko pa kasing iniisip haystt pero yes! Magbabasa na ako! Balik na sa tahimik kong buhay! Sakto ren nagluluto na si mama, naririnig ko yung mga kaldero HAHA! Balik ko muna tong materials ng kapatid ko at yung pinapagawa niya.

Oh bakit ang tahimik ng babae na ito? In game yata..
"Oh, tapos na. Musta naman rank ko?" Nilagay ko lang sa gilid ng higaan niya baka makaistorbo pa ako at matalo pa siya HAHAHA.
Hindi talaga niya sinagot tanong ko eh, focus na focus sa laro. Maka balik na nga ng kwarto para umpisahan yung manga hehe! Pagka pasok ko ng kwarto sabay talon ako papuntang higaan *plop* haystt sa wakas! I'm excited...

*messenger notification*

ay si Jayla nag chat, hayst maya nalang nga yung manga ,potek naman. Ano kaya kailangan niya.

Jayla "MABAIT"

[Hoy Xirina! mag open ka ng twitter! may ni retweet ako bago lang, baka magustuhan mo hehe]

[Jusko! Akala ko naman kung ano na]
[Sige na nga titingnan ko, wait lang]

[Dalian mo! Puro ka manga eh HAHAHAHA panuorin mo yun at pagtutunan mo! Gagawin natin yung for the auditions sa club!]

Nag open ako twitter, akala ko naman may assignment o ano man. Hayst sabi ko na nga sa kanya na sa Arts Club ako eh o sa Library Helpers nalang ako >.< pinipilit talaga ako eh, hayst. Ano kaya toh? Lalake? Nag gigitara. AY INFERNES ANG GALENG NIYA! Pero huhu kaya ko ba tong gayahin? Eh ang club auditions next week na. Nagpapanic na ako jusko..sino ba tong gitarista na toh, "Alex" hmm ma tingin nga ng account niya. Hindi naman siya kagwapuhan well medyo cute HAHA. Daming followers sumusuporta sa pagccover niya. Hindi manlang niya kinakanta or pinakita face niya sa videos. Tingnan ko nga yung ibang videos hehe. AY huhu galeng talaga. Cinover niya yung mga songs ng December Avenue tapos yung solo sa kantang 'MUNDO' ng IVOS. Hala ka fall naman yung talent niya. AY hindi pwede, hindi ko yun kilala AHAHAHA follow ko nga..

[following Alex..]

Hmm ang layo naman niya pero dito ren sa Pilipinas nakatira. Oh sa Marikina pala siya, makipag meet up kaya ako para matulungan niya ako sa pag gigitara AHAHA laking challenge naman binigay sa akin ng kibigan ko huhu. Matingin nga pictures hehe, nagsasalamin ren pala siya kagaya ko AHAHA, mahilig ba toh mag basa hmmm.. parang maganda makipag kaibagan dito hehe, baka magkasunduan kami nito...

*messenger notification*

Ay hala kanina pa pala akong nagsstalk hindi ko manlang pinansin yung chat ni Jayla.

Jayla "MABAIT"

[Napanuod mo na?]
[Kaya mo? Kaya yan sus!]
[Hoy! Asan ka na?!]
[Xirina??]
[Hoy! Babae!! Napanuod mo ba o nagbabasa ka nanaman?!]
[XIRINA!!!!!]

[AYYY SORRY HAHA]
[Oo, nakita ko na. Mukhang mahirap huhu. Sabi ko sayo eh sa ibang club nalang ako]

[Ano ka ba, kaya mo yan. Nag ggitara ka ren naman eh! Search mo na lang sa youtube yung tutorial ng kanta nayun.]

[Haystt, sige na nga! Search ko nalang mamaya.]

[AYUN OH! sige sige bukas ha! Practice tayong dalawa]
[Hindi kasi naten makakasama muna si Leyna eh, hindi nanaman siya pinayagan. you know naman her parents eh napaka strict]

[Ay anubayan, papasahan ko pa naman sana siya ng "chuunibyou demo koi ga shita" haystt]

[Ewan ko ren sa inyo hilig niyo sa anime HAHAHA geh na nga, byeee see you tomorrow!]

[Geh geh, see you!]

hayst, magppractice pa ako sa pag ggitara. Akala ko naman makakpagbasa na ako huhu! Ma search nalang nga. Okay ang hirap AHAHAHA daming chords pre hindi ko keri lol ang OA ko. Yung nakita kasi ni Jayla na cover is kanta nga December Avenue // Dahan. Hindi naman siya mahirap kung magaleng lang talaga ako mag gitara, dapat talaga pinagpatuloy ko guitar lessons ko. Hayst the things I do for my friends >.< kayanin ko dapat toh, baka mapahiya pa ako sa harapan ng buong school lalo na kay John, crush ko. Kakahiya, tingin na nga sa akin nun eh school nerd tapos ipapahiya ko pa self ko sa pag ggitara. Wahh pag mangyare man yun mag iipon na ako at magppaplastick surgery, Papalitan ko name ko. New me, new life ganun AHAHA. Pero sana hindi ako mapahiya huhu. Hayst, ma start na nga. Okay, first chord..


*twitter notification*

Ayah! Nubayan nagppractice na nga ako eh, ano nanaman toh!? Baka may tinag sa akin si Jayla hayst, hilig talaga nun mag twitter ampochi. O kaya ito namang si Leyna may pa spoil nanaman sa akin wahh d pwedee!May galet na yata saken yung mundo kaya patong patong nanaman gawain ko haystt, Matingin na nga...

[Alex followed you back..]

Dare Lang Ba?Where stories live. Discover now