0:49

1K 83 110
                                    

Third Person's Point of View

Sumasabay sa lakas ng ulan ang luhang bumubuhos sa mata ni Aika habang inilalagay nya ang mga gamit nya sa kanyang bag. Nakapagdesisyon na syang aalis na sya sa bahay na 'to ngayong araw.

Pagkatapos nyang magimpake ay pinagmasdan nyang muli ang maliit na kwartong kanyang tinutuluyan. Dalawang taon din nyang tinuring na bahay 'to.

Pinunasan nya na ang kanyang luha at lumabas na ng kanyang silid. Subalit mas lalo syang naiyak nang makalabas sya dahil bumabalik ang mga masasayang araw nya dito. Sa loob ng dalawang taong paninilbihan, hindi nya akalaing ito na pala ang huli.

Napatingin sya sa kwarto ni Haruto at pilit na ngumiti, "Mamimiss kita, ser." Wika nya.

Nagsimula na syang maglakad papalabas ngunit isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa kanya.

"So, aalis ka talaga? Iiwan mo 'ko?" Sambit ng lalaki.

Napapikit na lamang sya habang pinipigilan ang luha nya na bumuhos pa lalo.

"Hindi ka naniniwala sakin diba? magnanakaw ako dib—" Agad syang napatigil dahil sa pagback-hug sa kanya ni Haruto.

"Silly. Ofcourse, paniniwalaan kita. Kahit sabihin pa ng lahat ng tao dito sa mundo na magnanakaw ka, hindi ako makikinig sa kanila kasi sinabi mong hindi ka magnanakaw. Ikaw at ikaw pa rin ang paniniwalaan ko."

Hindi na napigilan ni Aika ang mga luha nya dahil sa sinabi ni Haruto.

"Huwag kang aalis, please."

Mas lalo pang hinigpitan ni Haruto ang pagkakayakap kay Aika. Ngunit lumuwag ang yakap dahil sa mga salitang nanggaling sa bibig ni Aika.

"Aalis na ako, Se— Haruto. Hindi mo na ako kailangan dito."

Tuluyan nang lumabas si Aika. Hindi nya na hinintay na makapagsalita pa si Haruto. Hindi nya rin pinansin ang malakas na ulan sa labas.

"AIKA!"

Hindi sya lumingon at patuloy lang sya sa pagtakbo.

"MAGKAKASAKIT KA! TANGINA. ANG BOBO MO TALAGA KAHIT KELAN!"

Hindi sya nagpatinag dahil patuloy lang sya sa ginagawa nya. Hanggang sa naabutan sya ni Haruto.

"Ano bang ginagawa mo? Bumalik na tayo bahay." Hinawakan sya ni Haruto sa braso at pilit na hini-hila.

"HARUTO ANO BA?! SINABI KO NAMAN SA'YO NA HINDI MO NA AKO KAILANGAN DIBA?! MALAKI KA NA. KAYA MO NA SARILI MO! HINDI MO NA KAILANGAN NG KATULONG!"

"HINDI KO KAILANGAN NG KATULONG KASI IKAW ANG KAILANGAN KO, AIKA. NAIINTINDIHAN MO BA YUN?!"

Napatigil sya ng saglit dahil sa sinabi ni Haruto. Kinalma ang sarili at nagsalita muli. "Haruto naman eh. Ayoko na nga! Ayoko na maging katulong nyo. Pagod na ako."

"Then, hindi kita ituturing na katulong! Tapos ang problema. Kaya tara na."

"Hindi mo ba naiintindihan yun, Haruto?! Hindi lang isang amo ang tingin ko sa'yo at hindi na rin isang katulong ang tingin mo sakin. Hindi dapat maging ganun yun. Hindi dapat kita pwedeng magustuhan at hindi ka pwedeng magkagusto sakin."

"Batas ba yun? Tangina bakit bawal?"

"Haruto, hindi mo ba talaga naiintindihan?! Mayaman ka, mahirap ako. Amo kita, katulong lang ako. Langit ka, lupa ako. Ano pa bang gusto mo?! Oh ayan, matangkad ka, maliit ako. Hindi tayo bagay! Ano nalang ang sasabihin ng iba?"

"Eh bakit sila mangingialam? Gusto kita, gusto mo 'ko. Hindi ba yan pwedeng maging dahilan para maging bagay tayo?"

"Haruto, tama na. Bumalik ka na dun, please." Pagmamakaawa ni Aika.

Parehas na silang basang basa sa ulan at walang masisilungan— jk.

"Aalis na ako. Alagaan mo lagi ang sarili mo, ser."

"No. Walang aalis." Pagpupumilit nya ngunit naglakad na papalayo si Aika.

"AIKA! DUGYOT! WALANG AALIS! UTOS KO YUN."

Agad na pumasok si Aika sa loob ng taxi na huminto sa harap nya. Sunod sunod na tumulo ang luha nya dahil hinahabol ni Haruto ang sinasakyan nya ngayon.

"Sorry, ser. Sorry.."

Biglang umilaw ang cellphone nya at nang mabasa nya ang message mula sa mama ni haruto ay mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam.

MADAM
Hi aika. Napadala ko na yung last sweldo mo ha. Sorry ulit kung kailangan ko 'tong gawin ha. Alam kong nalapit na ang loob mo kay Haruto pero isasama ko na sya sa Japan at dun na kami titira. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko ha? Mag-iingat ka lagi.

——————

xori kung l8 & xori kung ang corny huhu

ser  | haruto watanabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon