"I'll try hard to stop myself, Lyse. Iiwas ako, alright? So stop being so paranoid."

Tumikhim siya na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. At alam ko rin naman na kahit anong gawin ko ay hindi na rin ulit ako tatanggapin ni Noah. Hindi siya tanga. Hindi siya baliw para sumugal sa akin.

Ilang taon na rin ang nakalipas. Iyong mga pangarap niya ay unti unti ng natutupad. Iyong pangarap niyang alam ko. Malayo na ang narating niya. Hindi mahirap makahanap ng iba lalo na pag isa kang Noah Reigan Elizalde, ang gwapo at seryosong lead ng isang sikat na banda sa Pilipinas.

Kahit noong hindi pa siya sikat, habulin na siya ng mga babae. Isa ako sa kanila. Mahirap ang ganon. Pakiramdam mo ay wala kang halaga. Pakiramdam mo ay katulad ka lang ng ibang babae niya. Ni hindi niya matingnan sa mga mata. Hindi niya napapansin.

Tuwing nakikita ko siya sa corridor kasama ang mga kabanda niya noon ay halos mangatog ang binti ko. He's that typical popular high school boy who came from a rich family, suplado, malakas ang dating, tahimik, at misteryoso. Girls would die for their group. And I would die for Noah.

Araw araw ay nilalagyan ko ng sulat ang kanyang locker. Kasama ko pa ang pinsan ko. Siya ang look out ko. Pareho kaming naka kulay navy blue na uniporme at nanginginig sa takot. Ayaw naming mabuking.

"Lyse tapos na!" Sabi ko pagkatapos kong ihulog iyon.

"Bilis na! Magtago tayo! Parating na sila!" Sabi niya sabay takbo ko patungo sa kanya.

Mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o excitement. Hindi ito ang unang pagkakataon na naghulog ako ng sulat doon pero ngayon, mas espesyal ang sulat kong iyon. I confessed my love for him. Madalas kasi pangungumusta lang ang nilalagay ko, pero ngayon buong puso ko na ang ibinuhos ko doon.

Nakangiti ako nang lumiko si Noah sa locker room. Magkahawak kamay kami ni Everlyse habang sinisilip ang pag bukas ni Noah sa kanyang locker. Bumuhos ang lahat ng sulat galing sa loob.

"Ang dami..." Bulong ni Everlyse sa akin nang halos naging bukid ng papel at envelope ang sahig.

Pinasadahan ni Noah ng palad ang kanyang buhok at dinungaw ang mga sulat. Nagtaas siya ng kilay at halos matunaw ako.

"Relax, Meg!" Sabi ni Everlyse nang naramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Halos mapaluhod ako doon habang nagtatago kami.

Lahat yata ng ikinikilos ni Noah ay nakakapanghina. Kaya kong manood sa kanya sa kahit anong ginagawa niya araw-araw! Kahit na maligo siya sa harap ko, ayos lang! Sobrang okay! Halos matawa ako sa aking iniisip.

Nag squat si Noah sa sahig para tingnan ang mga envelope. May biglang pumasok sa locker room. Iyong mga kabanda niya pala. Umingay ito at mas lalo kaming nagtago. Mabuti na lang at madilim ang parteng pinagtataguan namin kaya hindi kami nakikita.

"Baka makita tayo ng kapatid ko, pagalitan pa tayo." Sabi ni Everlyse.

"Hindi tayo makikita ni Stan. Nag uusap sila, o." Bulong ko, nakatitig parin kay Noah.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon