Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)

Começar do início
                                    

Nagpasalamat lang ako at ngumiti. “Ken?”

 

“O?”

 

“Sorry nga pala,”

 

“Saan?”

 

“Sa…sa nangyari sa atin dati. Sorry at nasaktan kita,”

 

Kita ko naman na hindi siya nagbibiro sa mga sinasabi niya. Mabuti na din siguro na mag-kaayos ayos na kami, wala naman na akong sama ng loob sa dalawang ‘to.  “Its okay, Jesse... Sige una na ako,”

 

Matapos akong makapag-paalam ng maayos ay dumeretso ako na ako sa garden.

Hindi ko naman inaasahan ang tumambad pagkarating na pagkarating ko palang doon sa garden nila.

Sht! Fck Shit!

Ilang beses pa ako napamura habang naglalakad papalapit sa tatlong taong naka-upo sa may table sa dulo.  Hindi ko pa din mapaniwalaan kung anong nakikita ako.

Naka-upo sa may table ay hindi lang ang dad ni Leo na si Tito Bien at siya.

Nandun din ang isang babaeng hindi ko akalaing makikita ko pa ulit. Sht!

Anong kagaguhan ‘to?

Tumingin ako kay Leo, napatayo lang siya at mukhang wala lang sa kanya ang mga nangyayari.  Pareho lang sila nang ama niya. Walang kibo. Habang yung babae, napaharap sa akin at napatayo din at umambang lalapitan niya ako. Sht!

Hindi  talaga ma-ikakaila na mas may kaya na siya ngayon kaysa dati na simple lang pamumuhay namin sa probinsya. Sandamak-mak na perlas ang nakasabit sa leeg niya at mga ginto sa mga daliri niya. Sht! Yun ba? Yung ba ang ipinagpalit niya sa amin ni Kuya? Yung kayamanan niya ngayon?

.“Mama?”

Hindi ko maintindihan. Bakit nandito siya?  At bakit kasama niya si Tito at si Leo?

“Ken, anak.”

Napaatras ako nang subukan niyang abutin ang braso ko. Hinanap ko ang galit sa akin. Dapat ngayon ay nagwawala na ako. Dapat ay sinusumbatan ko na siya sa pang-iiwan sa aming magkapatid.

Pinaghandaan ko ‘to. Pinaghandaan ko ang sasabihin ko sa kanya. Pero biglang na-blanko ang isip ko at napa-atras ang dila ko. Fck! Para akong bumalik sa pagkabata. Parang nagbalik ulit sa akin ang lahat ng naalala ko sa mama ko.

 “A-anong ibig sabihin nito? Leo? Akala ko…akala ko ba may gustong kumausap sa akin?”

 

“Oo nga si mama,”

 

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Onde histórias criam vida. Descubra agora