Chapter 1

23 0 0
                                    

ELIZABETH didn't really have an idea where she was going.

May dala siyang mapa. But id didn't help much. Noon lang kasi siya nakarating sa lugar na 'yon sa Laguna.

She's an artist. And she often paints portraits of the rich and famous.

Namana niya ang kanyang galing sa pagpinta sa kanyang ama na isa ring  magaling na portrait artist. Pero paglipas ng panahon, she has develope her own style distinct from that of her father. Kaya unti-unti na rin siyang nakilala sa larangang 'yon.

Ngayon nga ay papunta siya sa Salonga Farm to immortalize on canvas three of the Salonga heirs.

Mula SM Calamba, dumaan siya sa isang secondary highway leading from the city on the east. Walang gaanong sasakyang dumaraan doon. Kaya puwede sana siyang magpatakbo nang mabilis. Pero baka malampasan niya ang dapat niyang likuan. Kaya hinay-hinay lang siya sa pagpapatakbo.

Palibhasa summer, the day was oppressively warm. Nagkataon pang sira ang aircon ng kanyang sasakyan. Kaya naman nakababa ang mga bintana 'non allowing self-generated wind to blow her face. Still, she could feel the excruciating heat of the sun. Kaya naman sumusumpong na naman ang kanyang migraine.

Sugar cane plantation ang kanyang nadaraanan.  May mga matatayog na tubo na lampasan pa ang taas sa sasakyan niya. May mga maliliit din na 'di pa umaabot sa bintana niya. Paminsan-minsan, may mga nadaraanan siyang mangilan-ngilang bahay.

Pag may natatanaw siyang malaking bahay, she would slow down, staring to see that might identify it as Salonga Farm. But she was always disapointed.

When the sugar fields gave way to ti trees, nabuhayan siya ng loob. She had always associated trees with dwellings. Pero kakatwang there was still no sign of life nor of the Salonga Farm.

A few more feet and the swamp gave way to pasture land. May mga natanawan siyang mga baka na nanginginain sa damuhan. Pero nasaan ang mga nagpapastol?

When she made a gentle curve around the pasture, may namataan siyang ilog. Nanggagaling ang tubig 'non sa isang talon. Mababaw lang 'yon. Napakalinaw ng tubig noon na halos kita na ang mga puting bato sa ilalim.

Naengganyo siyang itigil ang sasakyan sa isang tabi. Bumaba siya, deciding it would be worth it to have a look at the tranquilizing scene. Tinungo niya ang tabing-ilog.

The place looked like a paradise. Gandang-ganda siya sa tanawin. Kumukuti-kutitap ang mga munting alon kapag tinatamaan ng sinang ng araw. Naglipana ang mga ibon. And butterflies were fluttering their wings nearby.

Nanghinayang siya at hindi siya landscape artist. She could have painted the view right there and then. Pero malay niya, darating ang panahon na mag-shift siya from being a portrait artist to landscape artist. She vowed na kapag nangyari 'yon, babalikan niya ang lugar na 'yon para ipinta ang view doon.

Natukso siyang hubarin ang kanyang sapatos.  Pagkatapos ay lumusong siya sa tubig. Naka-shorts siya kaya hindi siya mababasa. Naginhawaan ang mga paa niya pagsayad sa tubig.

Dumukwang siya sa batis at naghilamos. Preskung-presko siya. Kay linaw ng tubig at kay lamig. Aninang niya ang sarili niyang repleksyon sa tubig.

Tumingin siya sa paligid. Wala talagang katau-tao roon.

Instinctively, balik siya sa pampang at isa-isa, niyang tinanggal ang mga damit. At ipinatong 'yon sa isang malaking tipak na bato.

Muling lumusong siya sa tubig at naglunoy. Instantly, nawala ang migraine niya. Skinny dipping is no big deal to her. She had done it a thousand times abroad at sa ilang private beaches here in the Philippines.

How To Trap A MillionaireWhere stories live. Discover now