Prologue

62 0 0
                                    

As usual, nakatutok na naman si Elizabeth sa The Layla Sierra Show. It's not really her favorite show. But she had been watching it regularly magmula noong nag-volunteer siya sa nasabing show para subukan ang libro ni Janna Patricia.

She had watched in awe nang bumalik sa show si Charmainge, ang unang naka-trap ng milyonaryo. Pagkatapos ay sumunod na sina Angelica at Arianne. May pang-apat na kaya?

Sa unang pagkakataon, ginanap ang The Layla Sierra Show outdoors. The show is being telecast live from the Quirino Grandstand in Manila.

"And now, let's welcome the fourth volunteer na nakatrap ng millionaire," Layla announced, ".....Miss Dhanna Miler Tamara."

Meron na ngang pang-apat, bulalas ng loob niya

Mula backstage, Dhanna was escorted by two male dancers. Naka-blindfold ito. Iniupo ito ng mga dancers sa couch, katabi ni Layla.

"Boys, pakitanggal ang blindfold niya," Layla requested.

"But don't open your eyes yet," she instructed Dhanna.

Tinanggalang ang blindfold nito. Then the dancers promptly glided to the exit.

"Now, slowly, Dhanna. Open your eyes," utos ni Layla. Dahan-dahang dumilat si Dhanna.

"Surprise!" ani Layla.

"What's this?" Dhanna was genuinely surprised. " Bakit nandito tayo? Saka bakit nasa gilid ang mga audience? Ang luwang naman dito sa gitna."

"You'll soon find out," nangingiting sabi ni Layla.

"Nasaan pala si Edgar? " tanong ni Dhanna na nilinga ang paligid.

"There he is!" turo ni Layla sa langit

Napatingala si Dhanna at nakita nito ang eroplano.

"Oh, my God!" bulalas nito at napatayo. "I knew it!"

"Relax! Umupo ka nga. Hintayin natin ang pagdating ng iyong Prince Charming," ani Layla. "Ayun na siya,madlang pipol. Ang millionaire ni Dhanna, si Edgar Tibayan," she announced.

As if on cue, tumalon si Edgar mula sa eroplano.

"Oh, my God! I don't want to see," Dhanna cried. Tinakpan nito ng mga mata.

Natawa ang audience sa nakitang reaksyon nito.

"Ayan na siya madlang pipol," ani Layla nang nakita nitong bumuka na ang parachute ni Edgar.

Hiyawan at palakpakan ang audience. Everybody was staring at the sky.

"Dhanna, look!" she prodded. Kasabay kasi ng pagbuka ng parachute ni Edgar ay may iniladlad ito na banner. There in bold letters, nakasulat ang mga katagang 'I Love You Dhanna'.

Dhanna peepded. "Oh!" bulalas nito na mangiyak-iyak nang nabasa nito ang nakasulat.

"Isn't he sweet?" bulalas ni Layla. "Sana, ako rin, ganyan," parang naiinggit na sabi nito.

Ilang sandali pa, lumapag ang mga paa ni Edgar sa lupa. Doon sa mismong pinakagitna ng grandstand. Muling nagpalakpakan ang audience.

"Edgar, halika. Bilis!" tawag ni Layla.

Edgar came running to them. He gave Dhanna a kiss.

"Mmm!" kinurot ito ng pinun

-pino ni Dhanna. "Promises are really made to be broken. "Di ba nangako ka na hindi ka na tatalon?" pag-uusig nito.

"I lied," Edgar grinned.

"Naku, ha! Parang narinig ko na ang linyang 'yan," Layla teased. "Para kang Senator Santiago."

"I really can't fight the urge to sky dive. It's what I love most. Of course, next to Dhanna," buwelo nito.

"O, ayan, Dhanna, ha! Mas mahal ka ni Edgar kaysa sa parachute. Kaya huwag ka nang magselos. Huwag ka nang magalit."

"Sige, hindi ako magagalit," Dhanna told Edgar. "But promise me one thing."

"Anything," he answered as he groped her finger

and looked into Dhanna's eyes.

"Sa honeymoon natin, gusto ko, dalawa tayong tatalon."

"You're on!" And Edgar kissed her.

Kinilig si Elizabeth. Somehow, nainggit siya kay Dhanna. Pero palagi na lang ba siyang kikiligin at maiingit? Kailan naman siya magpapakilig at kaiinggitan?

Kailan siya makakabingwit ng milyonaryo?

Paano naman siya makakabingwit ng milyonaryo? Busy siya lagi sa trabaho niya. She's an artist. And she often paints portraits of the rich and famous. Heto nga't she has been commissioned to paint the Salonga children. And their uncle, Brian Salonga, is anxious to get the work done bago matapos ang bakasyon ng mga bata sa school.

Brian Salonga? Hindi ba isa itong millionaire bachelor? He could be a perfect target.

Why not? hiyaw ng loob niya. She felt the blood singging in her veins. This is it! This is her chance to trap a millionaire. She'll be shooting two birds in one stone. Ipipinta niya ang portraits ng mga bata. At susubukan niya ang nilalaman na libro ni Janna Patricia kay Brian Salonga. Epektibo nga ba ang isinulat nito sa libro nito?

Who knows? She will be the fifth volunteer to trap a millionaire.

Humanda ka sa akin, Brian Salonga!

How To Trap A MillionaireWhere stories live. Discover now