Chapter 18 (Undercover)

Start from the beginning
                                    

"Besty mag-iingat ka ah, huwag mong pababayaan yang sarili mo. Mamimiss kita." naluluhang sabi ni Mandy habang nakayakap sakin.

"Oo na, kaya kong protektahan ang sarili ko." nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

"Besty naman eh, ang hirap kayang magsuklay." reklamo niya habang inaayos ang kanyang buhok.

"Josephine let's go." pagtawag sakin ni Richard.

"Aalis na kami, mag-iingat ka dito....besty."

Pagkasabing pagkasabi ko ng besty ay nagsituluan ang mga luha sa mga mata ni Mandy.

"Besty naman eh, ngayon mo lang ako sinabihan ng besty ngayong mawawala ka ng isang buwan. Lalo tuloy kitang mamimiss." sabi niya habang umiiyak. Niyakap ko ulit siya bago sumama kay Richard papunta sa karwahe.

"Mandy really loves you." nakangiting sabi sakin ni Richard.

"Yeah, she really do." sagot ko sakanya ng nakangiti habang nakatingin sa labas ng karwahe.

"See, you look beautiful Miss Get Lost when you smile." biglang singit ni Jester sa usapan namin.

Hindi ko pa pala nababanggit na kasama namin si Jester papunta sa Peculiar Academy, natapos na raw niya ang gawain niya sa Winterhold kaya babalik na siya. Ang ibig sabihin lang ay makakasama ko parin siya ng isang buwan. Isang buwan nanaman akong maiirita dahil sa magkapatid na Ortiz na yan.

Buti na lang at magkatabi kami ni Richard ang kaso nasa harap ko naman ang parehong mokong.

"How long will it take for us to get there?" pag-iiba ni Tober sa usapan namin. Tinignan ko siya pero inirapan niya lang ako kaya inirapan ko rin siya, ibig sabihin nag-irapan kaming dalawa.

Tsk! Childish.

"It will take us 2 days since Peculiar is in Margu which is the floating island. We'll ride on the thunderbird for us to get there." sagot ni Jester.

Wala na muling nagsalita sa amin at tahimik lang kami buong byahe hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako dahil sa labas ng karwahe. Nasa gitna na kami ng gubat,at wala na ang mga kasama ko sa loob, sumilip ako sa bintana at nakitang nasa labas sila kaharap ang mga ilang taong may hawak na makakapal na kahoy.

"If you are here to steal, sorry but we don't have anything here either." matapang na sabi ni Richard.

Lumabas ako ng karwahe at hinarap sila, inobserabahan ko ng maigi ang mga ito.

Mundanes? They're here to steal?

Napaatras ako agad nang may sumugod sa akin na isa sa kanila pero agad ring naharangan ng tatlong kasama ko.

"Are you alright?" sabay sabay nilang tanong.

"Y-yes." sagot ko.

"Don't you dare hurt her!" sigaw ni Jester sakanila at susugod na sana pero pinigilan ko.

"Don't!" pagpigil ko sakanya.

"What are you doing Josephine? They're going to kill us." inis na sabi ni Richard sakin.

"Richard's right Miracle." pagsang-ayon ni Tober.

"They can't kill us, can't you see they're just mundanes, they are no match for us." paliwanag ko sakanila. "Look, they are holding those sticks but they are scared." sabi ko habang nakaturo sa mga mundanes sa harap namin.

Pinagmasdan nila ang mga ito sumang ayon sa sinabi ko.

"See? Let's just give them foods. I know they're hungry." sabi ko at pumunta sa loob ng karwahe para makakuha ng konting pagkain para sakanila.

Inabot ko ito sakanila, sa una ay nagdadalawang isip pa sila pero inabot parin nila ito.

"S-salamat at p-pasensya na rin kung muntik ka na naming nasaktan." sabi ng lalaki sakin habang nakayuko.

"Wala lang po yun, huwag niyo na lang pong ulitin." sagot ko habang nakangiti.

Naisipan naming sabay sabay ng kumain upang may makasama kami kahit papano.

Di rin nagtagal ay nagpaalam na kami sakanila at nagpatuloy na ulit sa paglalakbay.

"You really are a good person Josephine." nakangitin sabi sakin ni Jester.

"I'm not that good, it's just that I saw fear in their eyes." sagot ko sakanya.

"Jesters's right, you're still a good person Josephine, whether you admit it or not." pagsang-ayon ni Richard kay Jester.

Hindi na ko sumagot at sinulyapan si Tober sa harap ko, tahimik lang itong nakatingin sakin pero nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay inirapan niya ko.

Hmm, snob.

Dahil sa sobrang tagal ng byahe ay nakatulog ulit ako.

I woke up in a forest full of different kinds of magical plants.

"Where am I? What is this place? It's so beautiful." Namangha ako sa kagandahan ng kagubatan, ang mga halaman na makukulay at mga punong matatayog. Pero wala na yung mga kasama ko, pati ang karwahe wala rin.

Tumayo na ako at naisipang maglakad lakad, baka sakaling makita ko sila.

"Where are they?"

"Tober!"

"Richard!"

"Jester!"

Halos mapaos na ko kakatawag sa pangalan nila.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa paglalakad pero sa kasamaang palad hindi ko parin sila makita.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa may kumikinang sa likod ng waterfalls.

"What's inside that?"

Dahil sa curiosity ay pinasok ko ito kahit na alam kong mababasa ako.

Kweba ang nasa likod ng waterfall na kung saan may maliit na bato na kulay asul.

Namangha ako sa kagandahan nito, hahawakan ko na sana ito nang makaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Kasabay nito ay ang pag liwanag ng bato sa harap ko.

"What's happening to me?"

---

Abangan ang susunod na mangyayari sa chapter 20.
Hope you like it.

(Sorry na agad kung may typo o wrong grammar, di ako perpektong writer.)

Note: Don't forget to vote and comment.

KillerKnight

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now