9-First day of new School

Magsimula sa umpisa
                                    

"PWEDE KA BANG MAKAUSAP?" Tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya.

"NAG-UUSAP NA TAYO" Aniya. Napanguso ako. Ang sungit naman!

"HMM..GUSTO KO LANG MAG SORRY SA GINAWA NAMIN PAG TROLL SA INYO." Sabi ko. Tinitigan niya ako saglit at saka ngumiti na kinagulat ko.

"OKAY " Aniya.

What the!? Ang ganda niya pala ngumiti. Shit lang! Sana naka ngiti na lang siya palagi mas bagay sa kanya.

[Flashback end]

Simula nung ngumiti siya naiilang na ako s kanya. Kaya tuwing napapatingin ako sa kanya umiiwas ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit.

Joannie POV

"NAKAKARINDI" Naiiritang sabi ko. Nakakarindi kasi yung mga babaeng estudyante dito. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo!

Tiningan ko ang paligid saktong nag katinginan kami ni Baekla! Bigla siya umiwas ng tingin. Aba?! Mag sosorry tapos iiwas din pala! At isa pa, ano meron sa mukha ko kung makaiwas siya wagas?

"SAAN NA SILA JENN?" Tanong ni Angelika na tumingin tongin sa paligid.

"BAKA NASA ROOM NA SILA. HINDI NAMAN MAWAWALA YUN, KASAMA NAMAN SI YEOL!" Sagot ni Sehun.

Umirap si Angelika.

"BAKA KUNG SAAN NA NIYA DINALA ANG KAPATID KO!?" Kumunot ang nuo ni Sehun sa sinabi ni Angelika.

"ANO AKALA MO SA KAIBIGAN NAMIN? MANYAK?" Iritableng sagot ni Sehun

"HINDI. PERO IKAW MUKHANG MANYAK!"

"ABA! AT SINO NAMAN MAMANYAKIN KO IKAW? WAG NA LANG OY!" Natatawang sabi ni Sehun na lalong kinainis ni Angelika.

Nagtitigan sila na parang sasakalin ang isat isa. Grabe ang dalawang to. Hindi yata mapag-sama sa luob ng isang araw mga to. Baka magpatayan lang sila!

"ABAT--" Hinila ni Nicole si Angelika para matigil siya sa sasabihin niya.

"TAMA NA YAN! TARA NA!" Awat ni Nicole

Lerma POV

Kasabay naming naglalakad yung mga lalake sa hallway ng school. Malamang hindi pa namin alam ang daan papunta sa magiging classroom namin. Lahat kami mag classmate. Malamang kagustuhan na naman ng magulang namin.

Habang naglalakad kami sa hallway hindi pa din nawawala ung tilian at bulungan ng mga estudyante. Ano ba klaseng school to, yung mga babaeng estudyante parang baliw lang sa kakatili!

Tiningnan ko ang kasama naming mga lalake. Lahat sila mukhang walang pakialam sa paligid o tilian.

Sanay na siguro sila.

Nagkatinginan kami ni Luhan the Hello Kitty lover kaya umiwas agad ako.

"WAAA, MHAY! ANG SAMA NG TINGIN SAKEN NG ISANG BABAE OH! HUHUH" Sabi ni Shaira na kumapit sa braso ni Mhay. Katabi ko silang dalawa sa paglalakad kaya rinig na rinig ko ang sinabi ni Shaira.

12Boys-12Girls ONE HOUSE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon