Maraming mga kwento sa mundong ito.
Baka nga ang iba ay hindi totoo;
Pero may kwento ako para sa iyo,
Tungkol sa isang magandang paraiso.
Ito'y punong-puno ng yakap ng hangin,
Sinag ng araw at liwanag ng bitwin.
Ang patak ng ulan ay patak ng saya,
Ang bawat araw ay puno ng ligaya.
Sabi ng tao, ang paraisong ito
Ay binuo lamang ng dalwang tao.
Kahit sila'y nasa hirap o ginhawa,
'Di nila iiwanan ang isa't-isa.
Ang pag-ibig nila'y walang katapusan,
Ang pangako nila'y hanggang kamatayan,
Pangakong hindi sila maghihiwalay,
Pangakong panghahawakan habangbuhay.
Isang maliit na piraso ng langit,
Sinalo ng lupa't naging panaginip.
Isang paniginip ma naging paraiso,
Paraisong gawa ng 'ikaw at ako'.
---
Hi gais.
This is one of the first peoms I ever wrote. It was actually a school homework, but I thought I'd share it xD.
Hope you guys like it uwu~
YOU ARE READING
Literary Archive
PoetryPoems, songs and little things I write for fun. Both in English and Tagalog/Taglish. Hope you like it~ <3
