PAPER PLANE. (OneShotStory.) 1

20 3 0
                                    

A/N: The story begins on..

_______________________









Summer. ( 2002-2008 )
            Ishy- 7yrs. old.




* Tok! tok! tok! *



Nakarinig ako ng tatlong pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya, dali-dali akong bumalik sa kama at nahiga. Yakap ko ngayon ang paborito kong blanket at katabi ang teddy bear kong bigay sa akin ni mommy bago siya namatay. Nang magbukas ang pinto ay ipinikit ko ang dalawa kong mata at nagkunwaring natutulog. Nakarinig naman ako ng marahang yabag papalapit sa akin.

" Darling, Daddy will go now. Be kind my little princess, I love you." malambing na sabi ni Daddy at kiniss ako sa noo.

Nang maramdaman ko na ang impit na pagsara ng pinto ay napangiti ako. Napakasweet ni Daddy, kahit pa wala na siyang gaanong time sa akin ay nagagawa niya paring bisitahin ako dito sa kwarto bago siya umalis.

Sa tuwing alam kong aalis na naman si Daddy dahil sa trabaho, nagkukunwari akong tulog para lang marinig ang mga sasabihin niya sa akin bago siya magpaalam. 6:00 A.M pa lang, masyado pang maaga para sa akin magising. Kapag nalaman ni Daddy na gising na ako ng ganitong kaaga, siguradong papagalitan niya ako. Strict kasi ang daddy ko. Simula ng malaman niya na may sakit ako ay marami na siyang ipinagbawal sa akin.

Muli ay bumangon ako bitbit-bitbit si Milo, pangalan ng teddy bear ko. Sinigurado ko munang nakalocked na ang pinto ng kwarto ko bago naupo sa study table ko at nagsulat sa cute kong diary. Nakaugalian ko ng magsulat dito tutal naman ay bukod sa pagbabasa ng libro, pagguguhit at pagpipinta ay wala na akong iba pang pag-kakaabalahan.

" Yan! Ang ganda! Wow! Hihihi! Oww! Lagyan ko nga ng  sticker banda dito." pinili ko yung pulang heart at idinikit banda sa pangalan ni Daddy.

"Ayan! Mas lalong gumanda! Waahh!" niyakap ko ng madiin itong diary ko at parang kinikilig akong umaksyon. " Maganda right, Milo?" nakangiti kong baling kay Milo na nasa ibabaw ng mga libro ko. Si Milo lang ang itunuring kong tunay na kaibigan.

Hehehe.. Bukod sa kaniya wala na akong ibang kaibigan pa.

Masaya kong binuksan ang nasa kanan kong bintana, upang makalanghap ng sariwang hangin. Ang sarap talaga ng hangin tuwing mag-uumaga, nakakarelax. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at inayos naman ang kama ko bago muling umupo na nakaharap na sa bintana.

" Hey, Milo. Look! Isn't that bird looks cute? Kyaahh! I want to hug it." manghang-mangha kong tinititigan ang maliit na ibong sinusubukang lumipad habang humuhuni. 

Wow.. Nagawa niyang lumipad..

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Puro puno at bulaklak lang ang nakikita ko. Gusto ko sanang lumabas pero malamang sa malamang hindi nila ako papayagan. Hayy.. Napakaganda ng damuhan na parang gusto kong mahiga roon at pagmasdan ang maaliwalas na langit. Nakakabighani.

PAPER PLANE. (OneShotStory.)Where stories live. Discover now