At habang tumatagal lalo akong nahihirapan huminga. Mommy? Daddy? 

Maya-maya pa narinig ko ang sigaw ni Tita. Magulang nina Criszette at Ursula.

"Ohmygash Stacey, what the hell is happening on you iha? Namumutla ka." nag-aalalang sambit ni Tita at tsaka nanakbo palapit samin at tsaka napabaling ng tingin kay Criszette na hanggang ngayon ay di pa idin nagigising. Pero tuloy-tuloy ang pagbabago ng kulay ng buhok, mata, at maging kuko niya na naging Violet.

"Anong nangyari kay Criszette?" natatarantang sambit ni Tita at bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Bigla ko nalang naramdaman ang sarili ko na naghahabol na ng hininga.

"Damn this nag-iilaw ka Stacey. Your Mafi is being activated also now." sabi ni Ursula at patuloy pa din inaalalayan ako. Unti-unti ng nanghihina katawan ko, at anumang oras ay alam kong bibigay na ko.

Ano ba kasing nangyayari sakin?

"Eto na ang tamang pagkakataon para magising ang mga Mafi nila Ma,dumating na ang takdang panahon." sabi ni Ursula kay Tita.

"Malapit na kasi sila tumungtong sa edad na 18 kaya siguro nangyayari eto. Kaya ikaw na bahala kay Stacey, ako na bahala kay Criszette" sambit at utos ni Tita at talagang naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.

Mafi? What the hell is that? Is that drugs? Hanggang sa unti-unting manlabo ang paningin at tuluyan ng lumabo ang paningin hanggang sa..

Everything went black.


CRISZETTE

"Princess Jewel, my princess welcome back." sabi ng isang babae na di ko maaninag ang mukha. Niyakap niya ko ng mahigpit. Sino to at nasaan ako?

Princess Jewel?

"Di po ako si Princess Jewel. I'm Criszette Unique baka nagkakamali lang po kayo." sabi ko tsaka ningitian siya pero bakit ganun di ko maaninag mukha niya. 

"Ikaw ang anak ko di ako pwedeng magkamali." sagot niya sakin at tsaka niyakap muli ako ng mahigpit. Nasaan ba kasi ako?

Kuya?

Mommy?

Stacey?

Nasaan kayo? Naiiyak nako sa takot. Nasaan ba ko? Bat ako napagkakamalang anak nitong di ko maaninag ang mukha. Sino siya? Itinulak ko siya tsaka nanakbo paalis hanggang nilamon ako ng dilim.

"Princess Jewel nakabalik ka na pala?" sino ba kasi si Princess Jewel at inis na nilingon ko sa  likod ko kung may iba pa bang nilalang sa likod ko na tinatawag niyang Princess Jewel? Ako lang naman tao dito tsaka siya. Ang pangit niya

"Di nga ho kasi ako si Princess Jewel ano ba sakalin kaya kita." badtrip na sabi ko. Gantong di ko alam kung nasaan ako eh? Wag niya ko inisin lalo, masisipa ko siya.

"Hahahaha you're so funny mahal na prinsesa. Mukhang madali nalang pala kita matatapos." tumatawang sagot niya kaya napairap ako sa ere. Ang pangit talaga niya! 

"Ano ako labahan? Gawaing bahay na kailangan mong tapusin, duh tigilan mo ako tanda ang pangit-pangit mo." sabi ko tsaka inirapan siya at binigyan ng matalim na tingin tsaka umalis na. Walang kwenta kausap yun, parang nakadrugs.

Kala mo naman talaga matatakot niya ko? Makita ko lang yang Princess Jewel na yan. Patay siya sakin ako tuloy yung naano dito. Nanahimik ako eh.

"Criszette wake up."

Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw.

"Ang haba ng tulog mo ah. Parehas kayo ni Stacey." natatawang sambit ni Kuya na bumungad sakin pagmulat ko. Anong parehas kami ni Stacey?

"Bakit anyare sakanya?" nakakunot na noong tanong ko tsaka bumangon na at bumanat agad ng irap sakanya. Isa pang pangit to eh!

"Secret. Kamusta na pakiramdam mo?" nag-aalalang sambit niya.

"I'll guess I'm fine now dahil dun sa bwisit na tanda na sobrang pangit na nakijoin sa panaginip ko." nakabusangot na sagot ko sakanya, tanging siya lang malinaw na mukha na nakita ko kaya nasabi ko ang pangit niya.

"HAHAHA gaano ba kapangit yan sis?" natatawang tawa at tanong ni Kuya sakin.

"Yung tipong pag nakita mo siya masusuka ka sa sobrang pangit." naiinis na sambit ko.

'Hindi ako pangit uy humanda ka sakin pag nagkita tayo'

Nagulat ako sa narinig ko. Grr ginising nako lahat lahat nanggugulo pa din siya.

"Btw bumangon ka na diyan? At maya-maya lang aalis na tayo malayo-layo pa ang biyahe." sabi ni Kuya kaya tumayo na ko nakita ko si Stacey na hanggang ngayon tulog pa. Napansin ko ang kulay ng kanyang buhok.

It's Red?

Ganun din ang kuko niya.

Wala akong naalalang nagpakulay ng buhok to kahapon.

Ipinasawalang-bahala konalang yun tsaka ako umakyat sa kwarto ko pagdating ko dun nakita ko sa kama ko naka-prepare na yung mga dadalhin ko.

Wala na talagang pipigil?

Nababaliw na ba sila ganda na nga ng buhay ko sa school ngayon eh tapos aalis lang ako, let we set a side yung mga may sapak na estudyante dun. Bwisit na buhay to ayoko pa naman sa lahat pagnag-tatransfer ang introduce yourself. Napakahaba kaya ng pangalan ko, kakapikon.

Lumapit ako sa salamin at magsusuklay sana ako ng mapansin ko ang kulay ng buhok ko. Ha? Kailan ako nagpakulay?

Bakit violet to? Ganun din ang kuko ko? Pero dahil favorite ko violet hinayaan ko nalang. Tatanong ko nalang kay Kuya kung siya may gawa nito.

At kung siya nga aba pa- fiesta ako matagal ko na gusto magpakulay ng buhok di lang ako makahanap ng free time. Nasa ganun akong sitwasyon ng bigla kong marinig ang sigaw ni Stacey.

"What the hell happened to my hair?" rinig kong sigaw niya kaya napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagsusuklay.

For sure gigiyerahin na naman ni Stacey si Kuya. Di na talaga nagkasundo eh, lagi nalang sila may sariling gulo. Kaya minsan naiinis talaga ako pag nag-aaway sila eh. Nakakarindi sila.

"CHRISTIAN URSULA." rinig kong palahaw ni Stacey.

The war freak was awake.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora