Chapter 1

32 3 0
                                        


Panay ang click dito at click doon ang ang ginagawa ko ng may marinig akong katok sa pintuan ng kuwarto ko.


"Gabi na ah? sino naman kaya 'to?" bulong ko sa sarili.


Nang buksan ko ang pintuan ay 'di ko mapigilang magulat. Ba't nandito ang babaeng 'to? atsaka pano siya nakapasok eh sarado na ang appartment? Nanliit ang mga mata ko. Hmmm...


"Anong ginagawa mo dito? Gabi na. Wala bang may nakakita sayo dito? At pano ka nakapasok ha?" galit na turan ko sa kaniya ngunit hininaan ko lang ang boses ko.


Mahina siyang tumawa. At marunong ka pang tumawa? Ang sarap hampasin! Kainis!


"Hay.Silly, Friend may ipapakita lang naman ako sayo! Nu ka ba? haha Nahanap ko na si Francis!" sigaw nito.


"Shhhsshh! Pwede ba hinaan mo nang konte ang boses mo? May natutulog na oh?" natatarantang bulong ko.


"Ayy. oo nga pala hehe sorry." nagpeace sign ang bruha. tss.

I rolled my eyes. Kng hindi ko lang to kaibigan, kanina ko pa to nasakal.


"Oh? Nasan na?" sabi ko.


Pumasok siya sa loob at isinara ko naman ang pintuan. Nung tumalikod na ako para tingna kung anong ginagawa niya, Ayy Aba kala mo Reyna?


Umirap na lang ako sa hangin. Ge magpakasaya ka!


"Heto nga pala." sabi niya sabay pakita sakin ng pic.

"Eto Friend! Meron siya ditong mga pics at kung ano ano pa tungkol sa kaniya. 'Di mo man lang sinabi na ang gwapo at ang talented pala ng Future Husband mo! Ang hot ah? Pero teka, paano kayo nagkakakilala? Eh halata namang ang layo ng estadong pamilya niyo sa kanila." sunod sunod niyang tanong.


"Long story Friend...At ayoko ring sabihin sayo. KAPAGOD." diing sabi ko.


Totoo naman kase. Napapagod akong isipin ulit yung mga nangyari ng kahapon ayoko ng balikan yun ang gusto ko lang ay kung paano ko uli siya makikita, MAGKALINAWAN.


"Haysstt. O sige na nga 'di nako magtatanong. Oh eto! tingnan mo! Ang daming informations tungkol sa kaniya. Atsaka Friend magco-concert siya dito sa Pilipinas! OH MY! Parang gusto kong pumunta sa concert haha.!" tawa nito.


Inirapan ko siya." As if may pera ka para makapasok dun. Tanga." irap ko.


"Uyy! sakit mo namang magsalita! Teka nga? 'Di ba may kapatid tong SO HOT AND GORGEOUS BOYFIE mo? Ano ngang pangalan nun? Iiion? Ieon?" tanong nito.


Ngumuso ako."Tss. Hmm...Ian ang pangalan niya. Okay? Isa pang tanong masasakal na talaga kita." matalim na sabi ko sa kaniya.


"Hmp! Grabe ka!  ang harsh mo naman. Oh siya! 'Di na po ako magtatanong mahal na reyna. Sige patuloy kalang diyan at ako'y matutulog muna." sabi nito pero 'di ko na siya pinansin dahil natuon ang atensiyon ko sa lalakeng nakangiti sa cp ng bruha.


Nagbago na nga talaga siya. Mas lalo siyang gumwapo.


Nung pinagpatuloy ko lang ang pagtingin, scroll, click sa cp nito ay natulog na talaga ang bruha. Psh! Hanggang ngayon 'di pa rin nagbabago. Umiling iling na lang ako sa kaibigan kong tulog na at tuloy ulit sa ginagawa ko.


Mga ilang minuto o oras siguro, marami akong  nalaman sa kaniya, Tulad ng pagsikat niya sa Music Industry. Ang daming nagbago, pati na rin ang love life nito. Meron na itong ibang mahal. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit. Parang sinakluban ako ng langit at lupa nung nalaman kong may minamahal na siyang iba. 

Mukhang wala akong maihaharap sa kaniya pag nagkita kami uli...Nakakalungkot lang isipin na ako lang magisa ang naghanap sa kaniya ni hindi man lamg siya nagbigay ng kahit ano pag alis niya tapos ngayon...Ayoko mang isipin pero parang...'di ko na kaya.




Missy's Note: Announcement everyone! haha sorry for the wrong typos ha? New version po ito ng Finding you. Inulit ko po ito simula sa una kaya pls...Be with me po haha. BTW, HAPPY VALENTINES MY FELLOW SWAGGER'S! HOPE YOU ENJOY THE STORY. SORRY KUNG MATAGAL AKONG MAGUPDATE pero gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang kayo sa story na ginagawa ko. Lastly, Pls don't forget to vote and comment. Thanks Guys!




Finding You (Finding Series #1) - (Under-Editing)Where stories live. Discover now