1 Week Later

129 12 15
                                    

'Kung yung formula ng Mass Number ay, Atomic Mass + Neutron, Edi yung formula ng Neutron ay Mass Number - Atomic Mass.. Tama.'

Tumango ako sa sarili ko at pumindot ng kung anu-ano sa calculator ko, bago ko sinagutan yung mga tanong na nakasulat sa may papel na nakalatag sa lamesa ko. Science time kasi yung una kong subject kaya naman heto ako ngayon, busy sa kakapindot at kakasulat ng mga sagot sa papel.

Bigla kong nabitawan yung ball pen sa kamay ko, at ito ay bumagsak sa malamig na marble tiles bago ito gumulong-gulong sa isang lugar. Hay, buti pa yung ball pen, walang gagawin kundi tulungan lang ako. T_T

Ito rin isa sa mga nakakapang-wala ng energy eh. Yung late ka nang mag take ng mga quizzes at long tests, AT pati narin yung quarterly tests, dahil late ka nang pumasok. August na kaya! At ang dami ko pang incomplete requirements! Huhuhu. Ayaw ko na. Gusto ko ng magkulong sa kwarto ko at kumain ng lasagna. Nakakagutom naman.

Dahil nga sa iniisip ko yung lasagna, nakaramdam tuloy ako ng gutom at ng pag-angil ng tyan ko. Huhuhu. Gutom na'ko. Makasagot na nga lang.

Nang sasagot sana ko, napansin ko na, nawawala pala yung ball pen ko. Bigla naman akong nagpanic, dahil bigla kong nabato sa hangin yung papel na sinasagutan ko, para tignan Kung nasa ilalim Lang yung ball pen ko, kaya naman biglang napatingin sa'kin si Sir Santos.

"Ms. Eclipse," tawag sa'kin ni sir; agad akong napatingin sa kanya, kahit nakaluhod na'ko sa sahig, sa may ilalim ng upuan ko, hinahanap yung ball pen kong nagtatago. Kumunot yung noo niya, nang mapansin niya yung papel ko, lumilipad malapit sa bintana. Hala! Sana Hindi tumakas yang papel na yan! T_T

"What are you doing?"

"S-sir!" Agitit ko, at napaupo ng ng Mabilis at diretso, nang mauntog sa upuan ko. Napahawak agad ako sa ulo at minasahe ito. Ajujuju, naman. Hansaket! T-T

Napatingin Ako sa papel ko at humangil, nang bigla itong lumabas sa bintana. Pero, nung pumasok ulit yung papel ko sa loob ng classroom, napahinga Ako ng malalim. Walanjo naman si Mr. Wind. Pinapatakot niya 'ko. Hay.

FWOOSH!

Waah! Yung papel ko lumipad sa Labas ng bintana! T_T

Agad naman Akong gumalaw para makuha yung papel ko sa labas, pero dahil sa pagka-clumsiness ko, nauntog na naman Ako sa ilalim ng upuan. Napaupo agad Ako sa sahig at minasahe yung ulo ko. Ajujuju naman. Siguro Marami na 'kong bukol sa ulo. T_T

"Ms. Eclipse..?" Pagtatanong ni Sir Santos, habang Ako ay nakaupo parin sa may sahig. Tinaas niya yung hintuturo niya sa may bintana, sabay sinabing,

"Weren't you going to catch your paper?"

"HALA! OO NGA PALA!" Agad Akong tumayo, tumakbo at nagpasalamat at nagpaalam Kay Sir, bago lumabas sa classroom. At dahil nga sa sobrang panic ko, muntik na'kong madapa, pero agad ko namang na-compose yung sarili ko.

Tumakbo Ako sa mga hallways at pagkaliwa ko, nakasalubong ko ang mga estudyante sa hallways. Since Marami sila at nakaharang sa daan ko at imposibleng makalusot sa loob, nag-isip Ako ng paraan, para makuha yung attention nila. Nang makaisip na ako at habang malayo pa sila sa akin, sumigaw Ako sa kanila.

"STEP ASIDE! A BULL IS COMING ON YOUR WAY!"

Napatingin naman yung mga estudyante sa'kin ng sandali, bago inalis yung attention nila sa akin. Holo! Pano na yan? Isip ka Luna! Isip!

Aha!

I ruffled my hair, to make me look like a lunatic, who just gotten out of the asylum. And without further ado, I sneered; my voice once full of life and cheer was now full of pride, malice and sinisterness.

"I REPEAT, THIS IS NOT THE REAL LUNA YOU KNOW."

Tumingin ulit yung mga estudyante sa akin at nagsibulungan, habang sinisiko yung mga kasama nila at tinuturo Ako. I laughed, like a lunatic will do. Bagay na bagay sa akin yung pangalan ko. Luna. Wahahaha! :D

"DON'T MAKE ME REPEAT THIS TIME."

Hahaha. Ayaw nilang gumalaw. Tatakutin ko na lang sila.

Without warning, tumakbo Ako sa daan nila sumisigaw ng - "the lunatic has taken control of me!"

Ayun, tumabi sila at sumandal sa mga lockers, habang Ako ay sumisigaw ng Kung anu-ano. Nang makita ko yung malaking pintuan, agad kong Binilisan yung takbo ko at binuksan ka'gad ito nang makarating Ako dito, sabay lumabas. Pagkalabas na Labas ko, agad Akong umikot-ikot, habang tumatawa.

Yes! Mission accomplished!

"What the hell are you doing here?"

Maybe not.

Tumalikod Ako ng mabagal, habang nakangiti at yung mga kamay ko ay nasa itaas. Nang makaharap ko na yung tao, sobrang nagulat Ako, kasi...

Si kuya Hugh ang nasa harap ko.

At....

At...

May PAGKAIN siyang dala! Ba't may pagkain siyang dala? Di pa naman lunch time ah? Hindi ko alam Kung anong nangyari, pero ang alam ko, yung background ay may sparkles and bubbles. At sa Oras na yun, nakaramdam na naman Ako ng gutom! T^T

"-n classes?"

"Waah...." Hindi ko narinig yung sinabi niya, dahil sa sobrang focus ko sa pagkaing dala niya.

"Are you listening to me?" May narinig akong inis na boses sa harapan ko, kaya bigla naman akong nagising sa fantasy world ko.

"Hah?" Walang sa sarili kong tanong.

Binigyan Ako ni kuya Hugh ng malamig na Tingin, sabay sinabing, "Why are you here?"

Kumirap Ako. "Um... Lumipad kasi yung pa- YUNG PAPEL KO NGA PALA!" Agad Akong tumakbo Kung saan-saan. Sa puno, sa shrubs, sa benches- basta Kahit anong makita kong gamit, basta mahanap Lang yung papel na yun!

"Hala! Nasan na yun?" Pagbubulong ko, habang sumusulyap sa langit, just in case na, lumilipad Lang yung sa taas.

"Lunatic," Hugh called.

Kumirap Ako. Lunatic? Ba't lunatic?

"You mean this?"

Sumulyap Ako Kay kuya Hugh at biglang nanlaki yung mata ko, nang makita ko ang nakatakas kong papel sa kamay ni kuya Hugh. Tumango Ako ng mabilis at lumapit sa kanya.

"Waah! Nakita mo yung papel ko po!" Agad kong kinuha yung papel ko sa hawak niya at nagpasalamat.

"Whatever." He narrowed his eyes at me, before turning around and walked away. I smiled widely and shouted at him cheerfully.

"Thank you kuya Hugh!"

He did not respond.

Oh well, at least nakuha ko na yung - THE AWESOME PAPER KO! Hihihi.

And also, I swore not to make the wind angry again..

..~*~..

A/N:

Hi guys! Long time no see - for a month or two? Hehehe. Tama nga yung hinala ko sa "Explore". Siguro mga 2 months pa Ako mag-u-update and- TAMA nga Ako! Hahaha!

Sorry guys Kung di na'ko masyadong nagpaparamdam. Medyo busy Ako sa mg school works ko eh, kaya pagpasensyahan niya na 'ko. :)

Thank you for your consideration!

Ja ne~

Melting My Cold Heart (MMCH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon