Chapter 7: Seriously?

Magsimula sa umpisa
                                    

“Alam mo naman na dito muna ako pansamantala kaya baki---“

“Hindi ka nauutal kapag hindi mo ako tinititigan, ano?” Halatang nagulat siya sa tanong ko kaya naman natawa nalang ako nang bahagya. “Anyway, tinignan ko lang kung totoo ang sinabi mo kanina. May mga gamit ka nga rito.” Lumabas na ako pagkatapos.

“Ah-ah! Ikaw Jeling ah! Bakit ka nandoon sa kwarto ni Carding?” Kahit kailan ang cute talaga ng lola ko. Kung anu-ano ang naiisip.

“Wala naman! Tinignan ko lang naman kung totoong may mga gamit nga siya rito.” Sagot ko kay lola.

“Ikaw bata ka! Kapag nakita kong muli na pumapasok ka sa kwarto ng lalaki!”

“Lola naman! Makapagbawal ka naman. Hindi ko siya type kaya huwag kayong mag-alala! Naiisip ko palang ‘yung pera na ninakaw kanina sumasakit na ang ulo ko! Wala na akong pambili ng bago kong laptop!” Gee! Manghingi kaya ako ng pera kina Mariano nang may silbi naman ang pagiging mabait ko noong panahong naiwan siyang mag-isa.

Umiiling-iling akong pumasok sa sarili kong kwarto at saka hinarap ang grades ng mga bata. Wala naman na akong magagawa sa nanakaw saamin. Unless, bukas ay maibalik iyon nang buo.

***

“Sabay nalang kayong pumasok sa trabaho.” Pareho naming tiningnan si lola. Hindi ako makapaniwala sa suhestiyon niya ngayon-ngayon lang! Kagabi, kulang nalang ay ilayo niya ako kay Damian. Ngayon naman gusto niya kaming magsabay? Grabe! Baka naman buntis ang lola ko? Grabe sa mood swing!

“No.” Sabi ko saka ipinagpatuloy ang pagkain sa cereal.

“Pwede rin naman. Dala ko naman ang sasakyan ko.” Pinandilatan ko siya dahil sa pag-agree pa niya sa idea ni lola.

“Ayoko! Susunduin ako ni Erick.” Totoo ito. Hindi ko alam ang trip ni Erick ngayon pero pumayag nalang din naman ako kanina. Nakakagulat nga dahil maaga siyang nagising ngayon.

“Erick? Sino naman ‘yon?” Tanong pa ni lola. Ngayon, parang hindi na siya makapag-concentrate sa pagkain.

“Boyfriend po niya.”

“Carding! What the hell?! Erick is my friend.” Pumikit ako nang mariin dahil natawag ko siyang Carding. Susme! Ang pangalan na nga lang niya ang nagpapabango sakanya tapos natawag ko pa siya sa palayaw niya.

“Kita mo lola! Guilty siya!” Sabi pa nito. What the hell talaga? “Pero lola saan mo naman balak pumunta? Hindi naman pwedeng wala kang kasama.” Tuluyan na nga akong natigil sa pagkain ko. Hindi ko na nasundan kasi ang sinabi nito.

“Anong pinag-uusapan niyo?” Napatingin saakin sina Lola, Damian at pati na rin si Hazel. Natural lang naman siguro na magtanong ako dahil wala naman silang nabanggit saakin na aalis si lola at kung sino ang makakasama niya.

“Pupuntahan ko ang tita mo. Hindi ko na sinabi saiyo dahil baka magpumilit kang sumama. May trabaho ka pa naman.” Paliwanag ni lola saka muling kumain.

“La naman! Dapat sinabi niyo pa rin saakin.”

“kasama ko naman si Hazel.”

“Fine, fine.” I finally said in defeat. “Kailan kayo aalis? Para kahit papaano naman ay mahatid ko kayo kahit sa sakayan lang.” Uminom muna kao ng tubig habnag hinihintay ang sagot saakin ni lola.

“Mamaya. Kaya hindi mo na kami mahahatid. Si Carding na muna ang makakasama mo rito sa bahay.”

“WHAT?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lola.

“Huwag mo akong pinagtataasan ng boses! Naririnig ko! Ang sabi ko si Carding na muna ang makakasama mo habang wala kami! Napagnakawan tayo kaya huwag kang maarte. Mahirap kung wala kang kasama.” Pagkasabi niya niyon ay tumayo na siya.

Nakasimangot akong tumingin kay Damian. Seriously?

“Seryoso ba si lola?” Tanong ko kay Damian. Hindi pa siya nakakaligo at mas okay siyang nakapambahay. Swear! As in! Kahit maisumpa pa siya forever!

“Oo. Seryoso siya.”Sagot niya saakin nang hindi nakatingin.

“As in?” Hindi makapaniwalang tanong ko! “So ibig sabihin? Dalawa lang tayong maiiwan?”

“Ganun na nga.”

“Aish!” Tumayo na ako at saka ko siya iniwan. “LOLA! BAKIT MO NAMAN AKO IIWANAN NA MAY KASAMANG LALAKi?” Sigaw ko dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Gees! Like seriously?

“Ah-ah! Itong batang ‘to! Hindi ka gagalawin ni Carding. Mas maarte pa siya sa’yo!”

Sa sinabing iyon ni lola ay mukhang wala na talaga akong magagawa. “one week ako sa tita mo.” Pahabol pa nito saka ako iniwan kaya hindi na ulit ako nakapagreklamo pa.

ONE WEEK IS TOO FCKING LONG!

Hindi naman ako magre-react ng ganito kung close pa kami. Kaso hindi na talaga!  

-------

A/N: mwehehehe Carding beybeeeh! Anyway, ipa-plug ko na rito! Bumili kayo ng PICTURE OF YOU! Tapos ang Sadist Lover book 3 ay lalabas sa MIBF (kung di niyo alam ang mibf search niyo nalang sa google kekeke~) Tapos like niyo ang page ko "www.facebook.com/arildainepage"

follow niyo ko sa twitter @aril_daine tapos may page din ang NSBND www.facebook.com/NotSoBoyNextDoor.

PS: Kapag natuwa ako sa comment, sakanya ko idededic! XD

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon