Chapter 4:

8.5K 279 7
                                    




Nagpatiuna na siyang pumasok sa bahay nina Maricar. Agad namang sumunod ang dalawa at hindi pa rin matapos-tapos ang pang-uusisa ng mga ito tungkol kay Liam.

"How old is he?" Tanong pa ni Angela. "Baka pwedeng gawing fafa. Aahhhh," kilig nito.

"Malay ko, late twenties na ata! Ewan," aniya dahil hindi naman natanong rito. Saka tumahimik. Napansin agad iyon ni Maricar lalo pa nang bumuntong hininga siya. Sa loob ay naroroon sina Marigold at Cecille na kasama sa kanilang defense. Inaayos ng mga ito ang kanilang mga data sa laptop para maayos ang pagkakasunod ng kanilang ipapakita sa projector nila bukas.

"Anong kaguluhan iyan?" Agad na bungad ni Cecille ng makitang tila aligaga sina Maricar at Angela.

"Ito kasing celebrity natin eh hinatid ng handsome, yummy and hot na direktor. Aahhhhh," sabayang tili pa nina Angela at Maricar.

Napapailing na lamang si Dani. "Talaga?" Tila tuluyang naintrigang turan ng dalawa pang kasama.

"Yes, as in. Ampogi!" Ani ni Angela na tila nagkikita pa sa balintataw ang mukha ni Liam. Kung bakit pa kasi binaba nito ang bintana, 'di sana hindi na ganito nagkakagulo ang mga ito.

"Hay naku! Nandito po tayo para gumawa ng presentation at tayo na po ang magdedefense bukas," aniya sa mga ito para matigil na. At nang tila bumalik na sa isipan ang totoong pakay ay natigil na at lahat ay naging seryoso.

Sa ang unang magsasalita. Pakay ng defense nila ay hindi lamang good performance kundi entertaining also. Ayaw niyang ma-boring ang kanilang mga panel of judges kaya may mga line na silang ipupukol. Pati mga isusuot nila ay maayos na. Look like a dignified working business woman.

"Good morning ladies and gentlemen. I am Danielle Santibañez, an accountancy student. We are here today as we present to you our company annual report." Panimula niya. Very striking ang personality niya na dapat iportray. Siguro ay blessing in disgust sa kaniya ang pagiging artista niya at nagagamit niya iyon kahit sa ganoong paraan.

Ang nabigay kasi sa kanila ay ang anual income ng isang construction firm sa Makati. They work for three month as an OJT na rin at pinag-aralan ang lahat.

"As you can see in our draft. The anual report," aniya sabay turo sa figures na lumabas sa kanilang projector. Naroroon ang lahat ng sales, tax reduction, consumption, etc. "My groupmates will explain to you the further details by month for you to fully understand," aniya pa saka tumingin sa mga kasama na tila ang mga ito ang kanilang panel of judges.

Pumalakpak ang mga kasama. "Sana ay maging maayos ang lahat. I'm nervous," turan ni Maricar.

"Kaya natin ito. We will hit that 100 grade for this!" Aniya na buo ang loob.

"Yes! Para sa mataas na grades," sigaw ni Marigold na tila si Gabriela Silang.

"Para sa mataas na grades," sigaw nilang lahat saka nagtawanan.

Nagsimula na ring sumalang ang iba. Paminsan-minsang nagtatawanan. At nagkukulitan lalo na kapag may nagba-buckle pero hopefully ay mairaos nila.

Matapos iwan ni Liam si Dani sa bahay ng kaibigan nito ay naisipan niyang dumaan sa mall upang bilhan ng regalo ang ina at bulaklak na rin. Since matagal na 'di nakakauwi ng Pinas ay sa bahay pa nila siya nakatira. May balak siyang kumuha ng condo malapit sa TV station na pinapasukan kapag nagsimula na siyang mag-taping. Pagpasok sa mall ay napangiti siya. Matagal-tagal na hindi nakakapunta sa mall na iyon. Patingin-tingin sa paligid. Hindi pa niya kasi alam kung ano ang ireregalo sa ina.

Mahilig ang ina sa magagandang figurine na pwedeng ipang display. Hindi kasi siya nakahanap ng pagkakataong makabili ng regalo sa Amerika. Sa department store siya nagtungo. Ikot-ikot lang siya at nang walang magustuhan ay sa ibang shop siya naghanap.

Montecalvo Siblings: The Director Love Affair(Completed)Where stories live. Discover now