[Chapter 1]: Welcome To Devin High

4.6K 86 13
                                    

^Dedicate to Miss Filipina *u* I'm not really fond of reading gangster stories pero sinubukan kong basahin yung IDTIP and sobrang nagustuhan ko siya <3

GOCHA FOREEEVVVERR! XD <3

[Chapter 1]: Welcome To Devin High

"Tangina pre. Pinagpalit ko yung mga chicks ko at yung image ko dun sa Sherlock Academy para lang sa mission mo na yan?" Sabi ni Dark habang naglalakad kami papunta sa main gate ng Devin High.

Bawal pumasok ang sasakyan sa tapat mismo ng main gate. May gate naman sa pinakalabas at hanggang dun lang hinahayaan ng mga guards ang mga sasakyan. Pinalilibutan ng mga puno ang magkabilang dulo ng malawak na pathway kung saan kami naglalakad ngayon. Sa labas palang ay kitang kita na malaki ang school na to.

Tiningnan ko lang ng masama si Dark. "Hoy Dark Ace Felton. Kung ayaw mo dito, feel free to back out." Pero sa loob ko, nagpapasalamat ako sakanila na sinamahan nila ako dito kahit hindi naman kailangan.

Tumawa naman siya at inakbayan ako. "De biro lang. Sasamahan kita sa lahat ng mga missions mo. Walang iwanan! Road to forever to!"

Kumunot noo ko at binatukan siya. "Bading!"

"Ay Fafa!" biro niya at kumapit siya sa braso ni Blood.

Nainis naman si Blood at tinulak ng malakas si Dark. "Get off me."

Natawa kami ni Dark sa pagiging pikon ni Blood.

"You guys ready?" tanong ko sakanila dalawa.

"Naman!" sabay nilang sabi.

Tiningnan ko ang aming uniform. It's a white polo shirt with black coat, black pants and black necktie.

Pinalitan namin tatlo ang aming usual style at look sa sherlock academy. I had a blonde hair, Blood had dark red hair while Dark had ash hair. Ngayon, lahat kami ay itim na ang buhok at ang hairstyle ay pang matinong estudyante. We also didn't wear our ear piercings. Blood removed his tongue piercing.

All of us are wearing eyeglasses. Trip ko lang talaga nung una pero nakisabay din tong dalawang mokong. I'm really determined to have that 'nice guy and normal' image. Gusto ko ng tahimik na buhay dito habang isinasagawa ang misyon ko. I don't wanna gain attention from other students.

Malapit na kami sa main gate at nakikita na namin ang malaking school sa likod nito.

"I hope this school won't suck." Blood said.

Pinagmasdan namin ang malaking school. It has a castle-like structure. Sa labas, halatang pang mayaman ang school na ito. It's kind of similar to Sherlock high.

So the so called red angel is from here huh?

Pagkapasok ng main gate ay may nag assist samin papunta assembly hall na nasa main building since we're new students. Pagkarating namin sa assembly hall ay madami ng students sa loob at may nagsasalita na estudyante sa stage.

"Congratulations to all the first years and new transfer students who successfully entered this academy. I hope that you'll enjoy this school year and the rest of your stay here. It's already my last year in this academy and i'm telling you, i had the best memories in this school and i'll forever cherish it. I hope everyone will feel the same. Welcome to Devin High!"

Nagpalakpakan ang mga students sa welcome message nya. Nalaman namin na ito pala ang president ng student council.

Inikot ko ang tingin ko sa loob ng assembly hall. Napatigil ako nung may naaninag akong babae sa pinakamalayong gilid sa may unahan ko. She has long white and wavy hair. Di ko masyado nakikita kung ano itsura niya pero umagaw ng pansin ko ang kulay ng kanyang buhok dahil halos lahat naman ng students dito ay puro itim ang buhok.

Dineretso ko nalang ulit ang tingin ko habang nakikinig sa mga rules ng school na ina-announce ngayon ng principal. This school has its own dormitories for their students. Required sa lahat ng students na mag dorm dito. May town naman kung saan pwede bumili ng mga pangangailangan at pwedeng mamasyal. Sinabi din na 11 pm ang oras ng curfew.

Pagkatapos ng assembly, tumayo na kami at pumunta sa aming mga classroom na nasa building ng mga highschool. Maiingay halos lahat ng mga kasabayan na estudyante papuntang highschool building. Naramdaman ko na may mga tumitingin sa direksyon naming tatlo pero binalewala ko nalang. Umakyat kami sa 3rd floor kung saan mga classroom ng 3rd year.

"Eto na ba yun?"

Huminto kami sa tapat ng isang pinto.

"Yeah. May 3-C sa taas eh." -Blood

"Well, Let's Go!" -Dark

Kumatok si Dark at di nagtagal ay may bumukas ng pintuan na sa tingin ko ay teacher.

Pagkapasok namin sa loob ay pinagmasdan kami lahat ng mga tao sa loob.

"Class, the new students are here!" nakangiting sabi nung teacher at lumapit saamin. "Come!"

Nagtungo naman kami sa tapat ng white board.

"Introduce yourself to the class."

Tsk. Introduction pa.

"I'm Dark Ace Felton. Nice meeting you all."

"Vladimir Craig." maiksing introduction ni Blood.

"And You?" tanong nung teacher.

Humarap ako sa magiging classmates namin. "I'm Hero Alexis Sychua."

Lahat kaming tatlo ay nag bow.

Pinaupo na kami ng teacher dun sa magkakatabi na vacant seats sa likod at pinagpatuloy na ang kanyang discussion.

"Something's weird." bulong ni blood

"Yeah." Dark agreed while placing his right cheek on his right palm while his right elbow is on the table.

Nanahimik ako pero sumasang-ayon sa sinabi nila. Habang nag le-lesson kasi yung teacher, panay ang mga titig saamin ng mga students dito.

Tumingin ako sa paligid ng classroom habang nagsasalita ang teacher at muli, tumigil ang tingin ko sa isang student na malapit sa bintana at nasa pinakadulo ng linya namin sa likod. Nakadapa yung ulo niya sa table niya.

She has white and wavy hair. Same as the girl's hair i saw in the assembly. I guess it's the same person?

It's kinda weird dahil wala lang pakialam yung teacher kahit na may natutulog sa klase niya. Siguro di pinapansin dahil nasa likod naman?

Natapos din ang discussion at ang sunod na alam ko ay break na.

Sabay-sabay kaming tatlo lumabas ng classroom.

"Bakit parang..may iba sa classroom na yun?" tanong ni Blood.

"I know right. Madaming chiks. But it's kinda creepy dahil panay ang tingin saatin..tinago naman natin yung kagwapuhan natin diba?" Sagot ni Dark.

Sa sherlock academy ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil sa aming mga itsura. Pero dito, we made an effort para magmukhang normal at boring na students tapos yun pala pagtitinginan din kami?

Nagtungo kami sa C.R. Buti nalang nahanap namin kaagad to. Nakatingin kami salamin.

"We look normal and boring right?"

Tumango yung dalawa.

Sa sobrang boring ng itsura namin, we almost look nerds pero bakit panay ang mga tingin saamin ng ibang students? Diba kapag nerd eh hindi pinapansin? Well, that's what we do in sherlock academy. We ignore nerds and the boring ones.

Tiningnan ko yung mga kanang pulso namin. We used thick bracelets to cover our tattoos.

"Tara kumain na nga lang tayo! Nakakagutom." imbita ni Blood.

Lumabas na kami ng C.R. at hinanap yung canteen sa ground floor. Panay pa rin ang tingin saamin ng ibang students habang naglalakad.

"What the fuck. They're creepy. Can we just knock them out?" halatang naiinis na si Dark.

"Sige pre. Ikaw mauna. Susunod ako."

Pipigilan ko na sana silang dalawa na gumawa ng eksena nang biglang may humarang saamin na babae.

"Remove your eyeglasses."

Devin High [REVISING]Where stories live. Discover now