Can you be my girlfriend?
-YOO
No
-Grace
Sulat ko sa piraso ng papel at nilapag ulit iyon sa upuan ko.
Girlfriend?Seriously?
Sino bang Yoo 'to?Bakit siya nagpapadala ng bulaklak at letter sa upuan ko?Bakit hindi siya magpakita sa'kin?
Ahhhhhhhhh simula ng tumuntong ako sa paaralang ito.Laging may bulaklak ang upuan ko sa tuwing papasok sa room.
Nakakainis ang Yoo na 'yun hindi manlang magpakita!Malay niya magustuhan ko siya at makalimutan ko na si Cleo.Charrr.
Speaking of Cleo my loves.
"Besprennnnnn si Cleoooooo"Sigaw ng bespren kong Si Reeze habang natakbo.
"Kailangan pa bang sumigaw?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit siya.
"Si Cleo!Bespren si Cleo!Gosh si Cleo!"paulit-ulit siya sa Cleo.Hays
"Cleo ka ng Cleo...ano si Cleo?Liligawan niya na ba ko?"asa kong tanong.
"Asa ka naman diyan!Si Cleo at Jade!"sigaw niya.Grabe naman makasigaw bespren.
"Kanina si Cleo ngayon pati si Jade..Ano ba kasi 'yun?Diretsuhin mo na 'ko."
"Ang hirap sabihin e" malumanay na niyang sabi.
"Kailan ka pa nahirapang magsalita aber?Sa pagkakaalam ko,sumisigaw ka pa nga..."
"Si Cleo at Jade na...Official as in mag-boyfriend at mag-girlfriend na sila."Para akong binagsakan ng isang-daang hollowblocks sa narinig ko.
Sila na?Si Jade na kaibigan ko.Si Cleo na mahal ko?
"Oh tutunganga ka lang diyan?Sugurin na natin.Lanyang Jade na yan Kaibigan natin siya tapos jojowain niya ang taong mahal mo?!Ano 'yun talo-talo lang ang peg?!" Sigaw niya sa akin.
"Hindi na"
"Anong hindi ka diyan?Halika ka dito sumama ka sa akin" sabi niya at inumpisahan na niya akong hilahin.
"Huwag na kasi...bitawan mo ko Reeze..please hayaan na natin sila...Reeze..please..."pag-mamakaawa ko.Kahit na wala na kong kawala sa kaniya.
