Makalipas ang sampung minuto, nakarating na si Kuya na tagaktak ang pawis na namumuo sa kanyang noo at hingal na hingal sa kakatakbo.

"Sorry, medyo mahirap ang exam sa major eh," maikling paliwanag niya niya kung bakit siya natagalan habang patuloy na hinihingal sa pagmamdali. "Tara na, nandoon na si mahal ko sa bus station," paanyaya niya.

Hindi na kami nag-dalawang isip at nag-tricycle na kami papunta sa istasyon ng bus.  Napapansin ko na naa-aligaga na si Kuya dahil naghihintay na ang kanyang "mahal"  -- iyon ang  tawagan nila ng girlfriend niya.  Napag-isipan kasing bumisita ni Violet ng kahit dalawang araw man lang, para makita niya uli si Kuya ng personal. Damang-dama ko rin si Kuya minsan na nangungulila sa kanya, dahil magkekwento 'yan na namimiss na nila ang isa't isa. Wish granted for both of them, dahil gumawa ang girlfriend ng effort para lang makita si Kuya uli.

Hanga ako sa dalawang 'to, dahil pinili nilang sumugal for long distance relationship o LDR kahit mahirap panatilihin ang ganoong klase ng relasyon. 'Sabi nga ni Kuya sa 'kin, kung mahal niyo ang isa't isa, gagawin niyo ang lahat para mapanatili ang relasyon niyo.

Pagkarating namin sa terminal, nilabas ko ang pera ko sa bulsa at ako na ang nagbayad ng pamasahe namin sa trike para dumeretso na si Kuya sa waiting area para sunduin si Violet doon. Gusto niya kasing sopresahin ito na mag-isa, kaya'y nag-stay na lang kami  ni Igo sa harap para hintayin sila.

Habang naghihintay kami sa kanila, iginala ko muna ang aking mata sa buong lugar at hanggang sa masipat  ko ng fishball cart na malapit sa  terminal. Matagal na rin akong hindi nakakakain nito simula noong lumipat kami rito.

Hinawakan ko ang braso ni Igo at hinila ko siya patungo sa fishbolan. "Tara Igo, kain tayong fishball. Libre ko na," paayaya ko.

"O sige," maikling tugon niya.

Kumakalam ang sikmura ko sa gutom dahil no'ng first break lang ako kumain. Tuna sandwich at iced tea lang ang kinain sa buong mag-araw. Pa'no  ba naman, nag-last minute review lang kami buong break sa canteen sa mga subjects namin para sigurado kaming papasa. Nasa goal namin na makapasok sa dean's list this sem kaya ang ang taas ng drive naming makakuha ng mataas na grado ngayong first sem.

Tusok lang ako nang tusok sa mga makikita kong malutong na fishball at kikiam sa kumukulong mantika sa kawali; pag nakakuha na ako ng sakto sa stick, isasawsaw ko sa sukang puno ng sili at sa matamis na sarsa. Naalala ko no'ng kami pa ni Kah, ako lang ang kumakain dahil hindi niya ito gusto at natatakot siyang umatake ang kanyang amoebiasis niya.

Napa-tingin ako kay Igo at napansin ko na ang squid ball at fishball ang kanyang tinitira, tapos sinasawsaw niya ito sa ma-anghang na sarsa nang maraming beses. Habang ngumunguya siya sa kanyang kinakain, agaw ang pansin ang sarsa sa kumakalat sa kanyang bibig. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa't pinunasan ko ito.

Napansin ni manong na naglalako ng fishball ang ginawa ko kay Igo at bigla niya 'kong tinanong kung may relasyon daw kaming dalawa.  Siguro mga nasa bandang trenta'y anyos na ito dahil medyo bata-bata pa sa mga madalas kong ma-encounter kapag bibili ako sa mga ganitong tusok-tusok.

Nagulat ako bigla sa tanong na 'yon. "Manong, wala kaming relasyon nito," todong pagtatanggi ko sa tanong niya. "Medyo naba-bothered lang ako dahil may sarsa 'yong bibig niya," paliwanag ko.

Sumabat bigla si Igo habang patuloy itong kumakain. "Nako po, nililigawan ko po kasi siya." Bigla niya kong inakbayan sa lagay na 'yon. "Hinihintay ko nga 'yong sagot eh," patuloy na sabi niya kay manong na naglalako ng fishball.  Pagkatapos no'n, tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa 'kin at kumuha pa ito ng squidballs.

Tawang-tawa si kuya sa amin. "Kala ko, kayo na," medyong nang-hinayang tonong sinabi niya. "Bagay pa naman kayo, kahit pareho kayong lalaki," dagdag niya.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now