Bakit nya inatas sa amin ang pagprotekta sa kanila?

Tila kahit lumipas ang ilang libong taon ay hindi ko ito masasagot. Tanging si Ama lang ang nakakaalam ng mga sagot sa tanong ko.

***

"Uwaah! Nag-update na sa ROL! Grabe ang iyak ko dun! Kawawa naman si Lucci, ang mahal ko!" sabi ni Janice, ang kaklase ko. 

Isa akong estudyante. Isang kolehiyala. Kung bata akong mag-uumpisa sa isang lugar, mas matagal akong maaaring manatili dito. Limang taon ang inilalagi ko sa isang lugar. Palagi kong sinasabi na kailangan kong mag-migrate sa ibang bansa para hindi na nila ako kulitin na makipagkita sa kanila. Katulad nalang ng sa mga reunion.

"Oo nga eh. Pero malay mo naman, may next chapter pa diba? Kasi reincarnation nga eh tapos walang reincarnation si Lucifer dun? Di naman pwede 'yun!" sabi ng isa ko pang kaklase na si Meridith. 

"Kawawa naman si Aura no? Ano na kayang nangyari sa kanya? Naging anghel kaya sya?" tanong ni Karen.

"Malay nyo! Pero baka na-reincarnate ulit sya pati si Lucci tapos happy ending na sila!" sabi ni Luisa.

"Haay grabe naman kasi si miss author nun, bakit bitin? Magpo-post ako sa wall nun mamaya!"

"Bruha ka! Hwag mong awayin! Ang warfreak mo pa naman sa mga online writers dun! Lagi mo silang inaaway kapag may di ka gusto! Kakahiya ka!" 

"Di ko naman sya aawayin, kukulitin ko lang na mag-update!"

"Sus! Yan din sinabi mo nung nakaraan pero inaway mo nung di ka bigyan ng soft copy!"

"Ang sarap nilang pag-tripan eh. Di naman nila ako kilala kaya okay lang. Hahaha!"

Napailing nalang ako. Hindi ko nalang siguro bubuksan ang account ko sa site na 'yon. Tapos na rin naman ang novel ko kaya wala na akong gagawin pa don. Gusto ko lang talagang may mapag-sabihan ng nakaraan ko. Naisip ko na masyadong limitado ang pag-iisip ng mga mortal. May mga bagay silang hindi pinaniniwalaan.

Kahit si Ama ay hindi pinaniniwalaan ng iba. Kahit na napakadami nang milagro sa mundo, hindi parin sila naniniwala sa Dyos.

Ngayon kinukwestyon ko ang sarili ko.

Tama ba na isinakripisyo ko ang buhay ng mahal ko para sa ikabubuti nila? Sa paglipas ng dalawang daang taon nang pag-iisip at pakikisalamuha sa mga tao, tila naiiba na ang tingin ko sa kanila. Nahahawa na rin ba ako sa kanila at nakakalimutan ko ang parte ng pagiging anghel ko?

Nahahawa na ba ako sa pagiging sakim nila?

Pinili ko sila kaysa kay Lucifer. Dapat ba na pinabayaan ko nalang sila noon?

Tumingin ako sa katabi kong bintana. Bakit ko ba itinatanong ang mga 'yon sa sarili ko. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi ko na maibabalik ang buhay na nawala.

"----Lucifer Rising,"

Napalingon ako sa mga kaklase ko. Ano'ng sinabi nila?

"Ah! Yung boy band? Oo may ticket na ako para sa concert nila! Pupunta ako!"

"Grabe! After one million years pupunta na rin sila dito sa Pilipinas!"

"Ang alam ko nga hindi kasama ang bansa natin sa world tour nila pero bigla silang naglabas ng statement last week na pupunta sila dito!"

"Yiiieeehh! Sobrang hot nila!"

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon