15. The Great Wall of Arianna.

Start from the beginning
                                    

Her mom was mad at her. Si Brianna rin. Her dad wanted to talk her, but she chose to stay silent and asked them all to give her space.

Si Angelo lang talaga ang pinaka-inaalala niya ngayon.

Angelo wouldn't talk to her, he wouldn't even look at her direction.

Hindi niya alam kung paano kakausapin si Angelo. Ni hindi niya nga alam kung ano ang gusto niyang sabihin.

Sinabi ni Brianna sa kanya na sinabihan 'to ni Angelo na 'wag sasabihin kahit kanino na alam na ni Angelo ang relasyon nila ni TJ. Kaya hindi niya alam kung paano kakausapin si Angelo.

Ni hindi niya nga alam kung alam ba ni Angelo na alam na niyang alam na nito.

Paglabas ni Angelo sa shower, hindi pa rin siya nito pinansin at nagbihis lang nang parang hindi siya nakikita.

"Ge, I cooked dinner. I'd reheat it if you want and maybe we could eat toge—"

She couldn't even finish her sentence. Angelo lay on his side of the bed, slid under the sheets, his back to her, effectively dismissing her.

Napapikit na lang siya sa pagpipigil na maiyak at matagal na tinitigan ang nakatalikod na si

Angelo. Hinihintay kung lilingunin man lang ba siya nito, kahit saglit lang. Kahit isang beses lang.

Pero wala.

Hindi siya sanay na hindi siya pinapansin ni Angelo. Hindi siya sanay na tuwing umaga, paggising niya, paalis na si Angelo at walang paalam na aalis na lang bigla. Hindi siya sanay na walang matatanggap na text at tawag kay Angelo sa maghapong nagdadaan. Hindi siya sanay na umuuwi ng late si Angelo. Hindi siya sanay na pag-uwi ni Angelo, tatalikuran lang siya at babalewalain na.

Naaapektuhan siya nang sobra. She'd been trying to get Angelo's attention and she'd been rejecting TJ's for the past few days.

She didn't know what to do. Ang alam niya lang, hindi niya kayang ganito ang pakikitungo ni Angelo sa kanya.

Pinaalam niya kay TJ na alam na ni Angelo ang relasyon nila. Sinabi niya na magpalamig muna sila at magpalipas muna at gusto niyang ayusin ang relasyon nila ni Angelo kahit hindi niya alam kung paano.

Ni hindi niya nirereplyan si TJ.

Sa totoo lang, minsan, gusto niya na lang mawala. Hindi niya na kasi alam kung pa'no niya maitatama ang lahat.

Pa'no niya nga ba itatama ang lahat kung siya mismo ang mali?

— — —





THE next night, it was still the same.

She sat on the couch and listened to TJ's voice messages as she waited for Angelo to come home.

[Hey. Call me when you get this.]

My God, his voice.

Napapikit na lang siya ng mariin. She missed TJ's voice so much.

[Bakit 'di mo sinasagot ang mga tawag ko?]

[Busy ka ba? Kailangan nating pag usapan 'to. Tawagan mo 'ko pag natanggap mo 'to.]

[Helen? Ba't hindi ka sumasagot? May problema ba? Alam kong meron pero... mag usap tayo...] there was a long pause and then, [I miss you.]

Her heart was breaking even more by the mention of her name.

She listened to the next messages.

[BME 3] : BE MY ESCAPEWhere stories live. Discover now