Kabanata 9

2 0 0
                                    


"A-ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Kung makahila ka parang close tayo ah. Bitaw! Bitaw!" Sigaw ko pero parang wala itong naririnig dahil patuloy lang ito sa paghila sa akin papuntang tambayan nila.

Binuksan nito ang pinto at nagulat ako kahit ang mga kaibigan niya dahil hitsura naming, piglas ako ng piglas.

^O^

O_o

Y(^_^)Y......ako yan...

Bakit kasi eh nakahubad baro sila at lantad na lantad ang mga abs.

May apat at limang abs lang namang nakahantad sa aking harapan.. Lang naman...

Yummy! *^▁^*

Ay talandi na naman ako.

"Tss, dress up morons!! Before I'll kick you out!" Masama ang tingin nito sa mga kaibigan niyang mabilis na nagtayuan at nagsisuot ng kani-kanilang damit.

Nanghinayang naman ako dahil hindi ko nakita ng matagalan ang katawan nila.

Pagbaling ko sa kanan ko nakita kong halos mag-apoy ang mga mata ng katabi ko habang nakatingin sa akin.

"Ba-bakit?" Utal na tanong ko. Nanlalaki pa ang mata.

"Tsk! My body is way better than them" singhal nito bago tumalikod at pumasok sa kwarto ata nito.

Napa-huh? Na lang ako. Wala akong masabi. Nakabusangot ang mukha.

Napatingin ako sa mga kaibigan niyang nanunukso ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Ba-bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?" Takang tanong ko habang nagtataka.

Nakangiti pa rin sila ng nakakaloko at nanunukso ang mga mata nila.

"Anong ginawa mo kay Riego, ha ms. Hobbes?"

Nagulat naman ako sa tanong nila kaya mabilis akong humarap sa kanila at nagsalita kaagad.

"Wala! Wala akong ginawa, kung makabintang kayo ah, Siya! siya nga ang nanghila sa akin at dinala rito. Wala akong kaalam-alam kung ano ang plano ng hudyong yun sa aki----"

"Hindi iyan ang gusto kong sagot Lainne aist!"sabi ni
Zeek habang kakamot-kamot ng ulo. Parang ubos na agad ang pasensiya nito.

"Ano ba kasi?" Nagtatakang tanong ko.

"Slow ka ngang talaga" naiiling na wika nito.

"Oi! Below the belt yun ah, wala nga kasi akong ginawa, bigla na lang niya ako--"

"Oo alam namin yan. Ang gusto kong sagot ay kung bakit ganoon na lang ang inasal niya nang makita ka nilang nakatitig sa masarap at kaakit-akit KONG katawan" ngisi nito.

Talagang diniinan ang kong ah. Iba rin ang dala nitong ipo-ipo eh.

"Baka nakakalimutan mong mas malaki ang muscles ko kaysa sayo, monggoloid ka!" Sigaw ni Luke rito.

"Pakialam ko naman kung mas malaki ang muscles mo. Mas masarap pa rin ako"

"Tsk, manahimik na lang kayo dahil wala kayong panama sa mga matitigas at malinamnam kong mga muscles" angal din ni Zion.

"Yuck! , nagsalita ang retard, e wala ka nga sa kalingkingan ng kapogihan ko? sa muscles pa kaya?!"sabi nito habang iniangat ang dalawang braso at pinalabas ang mga muscles nito
" Gising na uy" pang-aasar ulit ni Zeek. Ngumisi lang si Zion.

"Baka naman, Zeek..baka naman... Baka naman alam mong mas marami akong admirer sayo." Nakakaloko ang naging pagngiti nito.

"Oo naman alam kong pati bakla Idol ka nila at hinahabol"

Stupidity of LoveWhere stories live. Discover now