Gusto kong magsumbong pero natatakot ako sa mga susunod pa nilang gagawin oras na magsumbong ako. Iniiyak ko na lang ang mga ginagawa nila sa akin.

Paglagay ng kung ano ano sa locker at bag ko. Pagpatid sa akin sa hallway. Pagbuhos ng pintura sa ulo. Pagpapapasok ng mga lalaki sa loob ng cr habang umiihi ako. Pagkulong nila sa akin ng ilang oras sa stockroom, paglalagay ng kodigo sa ilalim ng upuan ko para mapunta sa dean's office, paggawa ng mga assignments at projects nila.

Lahat yun tiniis ko. Minsan iniisip ko na wag na lang pumasok pero gusto kong maging proud sakin ang mga magulang ko.

Minsan gusto ko nang sumuko pero naiisip ko sina lolo at lola. Magugustuhan kaya nila kapag kinitil ko ang buhay ko? Malamang kurot sa singit ang aabutin ko kay lola.

At ito na, after kong madischarge sa ospital dahil inatake ako sa puso, papasok na ulit ako sa school. Hindi alam nina mama at papa ang lagay ko. Ayaw kong ipasabi kahit na nuong buhay pa sina lolo at lola. Ayaw kong malaman ng parents ko ang sakit ko.

Akala nga nila nilagnat lang ako ehh. Nagalit pa nga sila sa akin. Napaka arte ko daw. Simpleng lagnat magpapa ospital agad. Well, nakiusap kasi ako sa doktor na huwag sabihin ang sakit ko. Ayokong magsayang sila ng oras sa akin. Para saan pa ba? Alam ko naman nang wala silang pake.

Matagal na akong namulat sa katotohanang wala silang pake. Ako lang tong si gagang pinapaniwala ang sarili na may pake sila.

Sa hindi nila pagtustos sa mga gastusin ko sa bahay, alam ko na agad. Sa hindi nila pagsagot sa mga text at tawag ko sa oras na kailangang kailangan ko sila, alam ko na agad. Sa hindi nila pag attend sa tuwing may award ako, alam ko na agad.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko, bakit pa ako binuhay ni mama kung ganto rin lang pala ang ipapadanas nila sa akin. Bakit wala silang pake?

Hindi naman ako barumbado ehh. Ginagawa ko ang best ko para mapansin nila ako. Pero wala pa rin. Mahirap ba akong mahalin? Mahirap ba akong pakisamahan?

Kasi kung oo ang sagot, bakit nila ako binuhay sa umpisa pa lang?

Sobrang sakit na ehh. Parang sila na mismo ang nagtutulak sa akin para sumuko. Nilalabanan ko itong sakit ko para sa kanila. Dahil kahit isang segundo lang, gusto ko silang makasama. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa ehh.

At yung leader ng nambubully sa akin, walang iba kundi ang kapatid ko sa ina. Si Victoria. Hindi ko sya masisisi, mayaman sya, hampas lupa lang ako. Sya ang legal na anak, ako naman anak sa pagkakamali.

Kaya tinitiis ko to. Kasalanan ko naman kung bakit ganto ehh. Yung sana buong pamilya nila, sinira ko dahil sakin.

Ewan ko kung paano nya nalaman na magkapatid kami. Ang totoo pa nyan masaya ako kasi alam nya. At umaasa ako na mag iiba rin ang pakikitungo nya sa akin dahil kahit papaano ay magkadugo kami.

At nagbago rin ang mundo ko nang kaibiganin ako ni Zen. Isa rin sya sa mga nambully sa akin pero nagsisi na sya. Kung ang dyos nga kayang magpatawad sa kahit na anong salang nagawa natin, tayo pa kaya na tao lang? Kaya in the end, pinatawad ko sya. Sya na rin ang nagtatanggol sa akin sa mga bully.

Hindi nagtagal at umamin syang may gusto sa akin. Syempre nung una nag doubt ako kasi dakilang playboy sya sa campus. Natatakot kasi akong masaktan. Kaya nung sinabi ko na hindi pa ako handa, naku! Isang linggong hindi nagparamdam. Wala tuloy akong tagapagtanggol.

Kaya pinuntahan ko sya sa bahay nila. At eto ako ngayon, papunta sa bahay nila para humingi ng sorry at mag confess na mahal ko rin sya.

Hinga ng malalim. Inhale.. Exhale..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nobody CaresWhere stories live. Discover now