Pagkapasok niya sa sariling kwarto ay inilapag niya ang nakasukbit na bass sa lalagyan niyon. Umupo siya sa gilid ng kama at ibinagsak ang katawan doon.

May isa pang gumugulo sa isipan niya ng mga oras na iyon.

Kanina, nakita niya si Krizhia sa pinuntahan niyang gig. Tumugtog din ang mga ito doon. Pero ang ipinagtataka niya ay ni hindi man lang siya nito pinansin kahit lumapit siya dito at nag-hi. Akala pa naman niya okay na sila matapos noong tumugtog ang Sinner Saints kasama siya. Pero bakit parang lumalayo ito noong makita niya kanina?

Nagalit na naman ba ito sa ginawa niyang paghalik dito nang nakaraang gabi? But he's not sorry in kissing her again. Sa cheeks lang naman.

At bakit na lang naaapektuhan siya ng husto dahil dito?

Hindi kaya...

Napabangon siyang bigla.

'May gusto ako kay Krizhia?'

He felt the excitement on that thought. Napangiti siya. Hinagilap niya ang cellphone sa bulsa. Itetext niya ito ngayon. As usual, mangungulit na naman siya.

Pero natigilan siya nang makitang may mga new messages siya. Lahat iyon, galing kay Irene. Napalis ang ngiti niya.

Ano nga ba'ng nararamdaman niya para dito?

Aaminin niyang protective siya dito. And he likes her. Inalala niya ang naramdaman niya noong nagtapat ito sa kanya. He was shocked. Kahit may idea na siya kung ano'ng nararamdaman nito sa kanya ay nabigla pa rin siya. Wala siyang nakapang tuwa sa dibdib. Mas may dating pa sa kanya sa tuwing minumura siya ni Krizhia.

But he care for Irene.

Isa-isa niyang binuksan ang mga messages nito. Wala namang gaanong nakalagay doon. Nangangamusta lang. Mas minabuti niyang 'wag na lang itong reply-an. Ayaw na niya itong umasa pa sa kanya.

Gumawa na lang siya ng text message para kay Krizhia.

"Goodnight. Sweetdreams... :)" Gusto niya pa sana iyong dagdagan pero nagbago ang isip niya. Iyon na mismo ang ipinadala niya sa dalagita.

Naghintay siya ng ilang minuto sa reply nito pero walang dumating. Napapailing na tumayo na lang siya at naglinis ng katawan.

-----------------

MUNTIK nang madulas si Krizhia sa hagdan nang makita ang lalaking kausap ng mommy niya sa sala.

Si Aser!

Napakunot noo siya. Ano'ng ginagawa ng lalaki doon?

Saka paano siya tatakas ngayong naroon si Aser? Alam niyang alam ni Aser na may gig sila ngayon. Baka ibuko siya nito sa mommy niya.

Pinalis niya iyon sa isip. Hindi naman ito ganoon, di ba? Noong nakaraan nga, tinulungan pa siya nitong magpalusot sa mommy niya.

Hindi niya alam kung bakit bumilis ng ganito ang tibok ng puso niya. Naalala niya 'yong gabing hinalikan siya nito sa pisngi. Lalo lang lumakas ang kabog ng puso niya.

Habang bumababa ay kinalamay niya ang sarili. Hindi dapat siya magpaapekto dito.

Pero nang dumako ang tingin nito sa kanya at ngumiti ito, nagwala na naman ang puso niya. Nalimutan niyang nasa hagdan nga pala siya kaya nabigla siya nang madulas ang isang paa.

"Krizhia!" dweto ng mommy niya at ni Aser.

Mabuti na lang at nakahawak siya sa barandilya ng hagdan kung hindi ay nagtuloy-tuloy na siya sa ibaba.

Naramdaman niya ang pag-alalay ng mga kamay na iyon sa kanya. Iniupo siya nito sa isang baitang ng hagdan.

"Okay ka lang?"

Ang nag-aalalang mukha ni Aser ang nalingunan niya. Natigilan siya. Bakit yata alalang alala ito sa kanya ngayon? Wala ang mapanudyo at pilyong itsura nito. Pag-aalala lang nakabadha sa mukha nito. Ang mga mata nitong katitigan niya ay ganoon din ang ipinapakita.

"Krizhia?"

Natauhan siya nang marinig ang pagtawag ng ina. Saka niya lang napansin na ilang saglit na silang magkatitigan ni Aser. Napalunok siya nang mapansing napakalapit ng mga mukha nila sa isa't isa.

Napakurap siya at ibinaling agad ang paningin sa ibang direksyon. Ito na naman ang nakakalitong pintig ng puso niya.

"I... ah..." Tumikhim siya. "I'm fine."

"Are you sure?" ani Aser.

Tumango lang siya.

Napabuntong-hininga si Alyana. "Next time, titingin kang mabuti sa dinadaanan mo. Hayan tuloy. Sigurado ka ba'ng walang masakit, anak?"

"Yup. I'm fine, mom." Bilang patunay ay tumayo siya. Inalalayan pa siya ni Aser. "Wala 'to. Hindi naman ako natuluyang nalaglag."

Naglakad na siya pababa. Ramdam niya ang pagkirot ng paa niya. Tiniis niya na lang iyon at hindi ipinakita sa dalawa. Mas mahalagang makaiwas siya sa pagkakahawak ni Aser.

Nang makababa ay hinarap niya pa ang mga ito.

"See? I'm fine."

Nakahinga naman ng maluwag si Alyana. Samantalang si Aser ay hindi pa rin maalis sa mukha ang pag-aalala. Hindi niya na lang ito pinansin.

"By the way, mommy, may pupuntahan--"

"It's okay. Nasabi na sa akin ni Aser na may pupuntahan kayo ng mga kaibigan niyo ngayon."

Gulat na napalingon siya kay Aser. Kumindat lang ito sa kanya.

Hindi na pala niya kailangang gumawa ng alibi.

Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa ginawa ni Aser. Pero deep inside her, thankful siya dito dahil hindi na niya kinakailangang magsinungaling para lang makalabas. Nagi-guilty rin naman siya.

Hindi na lang siya sumagot.

Motorbike ni Aser ang ginamit nila sa pagpunta sa party na tutugtugan nila. Marahil ay tutugtog din doon ang banda nito.

Habang nasa daan ay hindi siya umiimik. Na ikinabahala naman nito.

"You're so quiet, Krizhia. Hindi mo ba ako aawayin?" basag nito sa katahimikan.

"Why should I?"

"Kinakabahan ako kapag ganyang tahimik ka, eh. Hindi mo naman ako pinagbabalakang ihulog sa motor, di ba?"

Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Sabi ko na nga ba! May balak kang masama sa akin," palatak nito ng makita ang ngiti niya.

"Pwede ba, Aser? Wala ako'ng mapapala kung isasalvage kita ngayon," nakairap na sabi niya. 'Kawawa naman ang babaeng naghihintay na pansinin mo.'

"Mabuti naman. Mabait ka rin pala sa akin, Krizhia. So, saan tayo magdedate ngayon?"

"Ihulog na kaya kita?"

"Joke lang! Ito naman, di na mabiro." Binuntutan nito iyon ng tawa.

Pero sa pandinig niya ay tila ba hungkag ang tawang iyon.

Hindi niya maiwasang mapatingala sa mukha nito. Wala silang suot na helmet kaya kita niya ang mukha nito.

Ngayon niya lang napagtanto na hindi ganoon kasigla ang itsura nito.

"Okay ka lang, Aser?" huli na para bawiin niya ang mga salitang ito na kusa na lang lumabas sa mga labi niya.

Natigilan ito. Bahagyang lumingon sa gawi niya. Pagkuwa'y pilit na tumawa.

"What do you mean? Ofcoarse, okay lang ako."

"Para kasing..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Baka kung ano pa ang isipin nito.

"Parang...?"

'... May problema ka...' Napabuntong-hininga siya. "W-wala. Huwag mo akong intindihin. Bilisan mo na lang at baka malate tayo."

Hindi na ito nag-usisa pa. Tumahimik na rin.

Naninibago talaga siya sa mga ikinikilos nito.

Kung normal ito ngayon ay mangungulit pa ito at dadaldalin siya pero hindi, eh. Nanahimik na lang basta ito.

------------------------

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon