Habang nagbibihis ako, napansin ni Kuya na na-aaligaga na 'ko sa kakaayos. "O, parang masyado ka namang madaling-madali diyan?" tanong niya habang patayo na siya sa kanyang kama.

"Kuya, may lakad kasi kami ni Igo," sagot ko habang nagsusuot ng t-shirt.

Umiling na lang siya't nag-ayos ng kama. "Ingat kayo mamaya," pahabol na sabi ni Kuya Kaz habang papalabas ako ng pinto.

Nang matapos akong makapag-ayos sa sarili, lumabas ako agad ng kwarto at tumungo sa sala kung saan nandoon si Igo. Hiyang-hiya talaga ako kapag may naghihintay sa 'kin at ayoko pa naman na may naiinip sa paghihintay sa 'kin. Buti na lang, nakapili ako nang basic na damit para hindi na hassle mag-isip kung ano ang bagay i-terno sa ganito't ganyan.

Napansin ko na parang naging estatwa siya no'ng nasa harap ko na siya. Halos hindi mawala ang kanyang focus sa kakatitig sa akin, kulang na lang ata at lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang na hindi ko alam kung ano ang meron sa 'kin. Inusisa ko ang sarili ko kung mayron bang problema sa suot ko o kaya sa katawan ko para titigan niya ako ng ganoon katagal.

I snapped my fingers sa harap niya para bumalik ang kanyang diwa. "Uy! Tama na kakatitig diyan," panawag pansin ko. "Tara na kaya?" paanyaya ko sa kanya.

Bumalik ang kanyang diwa sa ginawa kong 'yon. Buti na lang, tumalab ang ginawa ko, at kung hindi, baka ilang taon pa kaming nakanatiling ganoon. Ewan ko ba't ano ang nakain niya't natameme na lang siya ng ganoon-ganoon lang.

Tumungo ako sa kwarto nila Mommy at Papa na nasa kwarto't nanonood lang ng isang pelikula sa TV, at pumayag naman sila, basta't i-text ko lang sila pag nandoon na kami sa pupuntahan naming ni Igo.

Nang pagkalabas naming ng bahay, inihagis ni Igo ang isang helmet dahil nakaparada lang ang kanyang motor na nakuha niya bilang moving up gift sa kanyang mga magulang.'Sabi niya, minsanan niya lang ito gamitin kapag may mga importante siyang pupuntahan. Ayaw niya kasi niya na dalhin ito sa school, dahil mahirap mag-hanap ng parking sa loob; sobrang blockbuster sa takilya ang mga motor na nakaparada sa parking area kapag nagagawi kami doon.

Nang maihanda na niya ang motor, isinuot ko na ang pulang helmet at saka umangkas sa kanya. No'ng mapansin niya na humahawak ako sa likod ng motor, sinabihan niya 'ko na umakap na lang ako sa kanya, para hindi mangawit ang kamay ko. Medyo alangan pa 'kong gawin 'yon dahil baka pagtinginan na naman kami at akalain na naman ng iba na magkasintahan kaming dalawa.

"O ano? Umakap ka na lang para mas safe ka," patuloy na pangungulit niya. "Sige ka, once in a life time mong mararamdaman 'yong abs kong matigas," dagdag niya.

Hinampas ko siya sa likod. "Abs? As in a big stomach?" pasarkastikong hirit ko.

Tumugon siya nang mahinang tawa sa tanong kong 'yon. "Baliw ka talaga! Kapit ka na kasi sa 'kin, magiging safe ka naman sa 'kin," pamimilit nito. "Sige ka, hindi tayo makaka-alis kapag hindi ka kumapit sa 'kin," pagbabanta niya.

Napa-buntong hininga ako sa pamimilit niyang iyon. Wala na akong nagawa't ikinulong ko ang kanyang tiyan sa aking mga braso para kumapit sa kanya. Inapakan niya ang pidal at unti-unting pinaandar na niya motor na naghuhudyat na aalis na kami. Habang nagsisimula na ang biyahe, nanginginig ako sa kaba dahil unang beses ko pa lang sumakay sa motor. Naiisip ko na baka mamaya'y baka ma-aksidente kaming dalawa dahil marami akong nakikita sa balita na maraming namamatay sa pagmamaneho nito.

Pahigpit nang pahigpit ang pagkapit ko sa kanya habang patuloy siyang nagmamaneho. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe, unti-unting nawala ang kaba ko at nag-enjoy sa sobrang swabe niyang magmaneho. Hindi siya kaskaserong magpatakbo at sinisigurado niya na pagbabalanse sa pagmamaneho. Damang-dama ko ang hangin sa aking mga balat na nagbibigay ng ginhawa sa 'kin habang nasa biyahe na isa pang dahilan na ikinasaya ko sa biyaheng ito.

Nang makarating kami sa puntod ng ex niya, napagtantiyahan ko na mga higit sa isa't kalahati ang oras ang biyahe mula sa amin hanggang dito. Buti na lang, walang traffic at agad kaming nakarating dito. Namayani ang katahimikan sa kanya nang magtungo kami sa puntod ng kanyang namayapang kasintahan. Hinayaan ko muna siyang ganoon, dahil alam kong kailangan niya iyon. Mararamdaman mo ang pagiging payapa ng lugar sa damo't puno na nakapaligid sa libingan at hindi mo maiisipan talagang mag-ingay. Kung ako siguro ang namatayan, kahit lang oras akong maglulupasay sa kakaiyak ay malaya kong gawin nang walang kahihiyan.

Habang patuloy niyang pinagmamasdan ang puntod, inakbayan at tinapik-tapik ang likod ni Igo bilang suporta kung sakaling iiyak ito. Ang tanging napansin ko lang sa kanya'y ngumiti lang siya at hindi na umiyak. Siguro, mukhang nailabas na niya rin ang dapat niyang ilabas noong namatay na ito. Nakikita ko sa kanyang mga mata na nangungulila pa rin siya kay Blue at gusto niya pa rin ito makita. Sinimulan niyang ikwento kung paano sila nagkakilala ni Blue hanggang sa huling sandal na magkasama sila.

Nakilala niya si Blue sa dalampasigan kung saan niya ako unang nakilala noong sampung taong gulang pa sila. Nakwento niya na ayaw niya pa noon lumipat sa tinitirahan nila ngayon, dahil hindi niya kayang mawalay sa mga dati niyang kaklase at sa mga dati niyang kapitbahay na naging kalaro niya. Feeling niya kasi, mahihirapan siya dahil wala man lang siyang kilala ni-isa roon. Nagbago ang lahat noong nakilala niya si Blue na ang tanging tumulong sa kanya para makapag-adjust. Simula noong Grade 4 siya ay palaging siyang naka-suporta kay Igo hanggang sa mahulog ang loob niya kay Blue dahil sa angking kabaitan at iba pang katangian na nagpahulog ng loob niya. Sinubukan niyang ligawan si Blue noong Grade 7 pa sila, ginawa niya ang lahat para mapasagot niya ito hanggang sa nakuha ang matamis niyang oo noong nag-acquaintance party sila. Nagulat nga siya noong umamin siya no'ng feeling niya noong may pinagselosan siyang lalaki na ka-groupmate niya sa report no'ng mga oras na 'yon. Hindi niya inimik ito hanggang sa napansin na lamang ni Blue at doon sila nagka-aminan ng feelings nila sa isa't isa.

Pinakita niya ang unang picture nila noong maging silang dalawa noong acquaintance party nila sa kanyang cellphone at habang pinagmamasdan ko 'yon ay nakaramdam ako ng konting kilig sa kanila. Pagkatapos niyang i-share ang nakaraan nila, ipinakilala niya ko sa puntod ni Blue at medyo natatawa ako sa ginawa niyang iyon. Paano pa ba naman kasi, sino ba kasing tao ang magpapakilala sa kaibigan mo sa puntod ng namayapa mong mimahal? Pero, nakakatuwa ang ginawa niya dahil kahit naka-moved on na siya kay Blue ay nagagawa niya pa rin itong bisitahin. Kinausap ko rin si Blue sa kanyang puntod at sinabi ko sa kanya na kung buhay pa siya, siguro ay matutuwa ito dahil ginawa niya ang lahat para rin makapag-adjust ako sa buhay ko rito at nakayanan ko ang mga bagay na matupad ang gusto kong gawin na hindi ko magawa.

Halos pakagat na ang dilim nang napag-isipan na naming umuwi dahil mahirap na raw umuwi pagsapit ng dilim, dahil wala namang mga poste ng ilaw na nakapaligid sa mga dinaanan namin. No'ng nakauwi kami agad, inihatid ako ni Igo sa harap ng bahay at nag-usap muna saglit bago ako pumasok sa loob.

"Thank you sa pag-sama kanina," pagpapasalamat niya.

"Ayos lang naman 'yon," tugon at sabay ningitian siya. "Naging masaya naman ang araw ko, kaya wala naman akong problema."

"O siya, pahinga ka na," aniya. "Mukhang pagod ka na rin 'eh," pagaalala niya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at bago ako pumasok sa loob, napagtanto ko na habang tumatagal na nakikilala ko si Igo ay nakakaramdam ako nang saya. Everything's at ease, sa tuwing lagi ko siyang kausap mapa-text man o kaya personal. Sa tuwing lagi kong kasama siya ay sobrang spontaneous at walang dead air moments akong nararanasan sa kanya.

Nag-vibrate ang aking cellphone na naghuhudyat na may nagtext sa akin, at pagkakita ko'y nag-text pala si Igo sa akin.

Salamat uli kanina. More adventures to come, text niya na may kindat na emoji.

Tinugunan ko ang kanyang text na may nakangiting emoji

Ang alam ko lang ngayon, unti-unting nagiging masigla ang araw ko sa tuwing kasama siya at lagi na 'kong naglu-look forward na makita siyang muli at makausap. 

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now