Simula

10 0 0
                                        

Simula

2 years ago

I slowly opened my eyes and I saw some man entering this creepy room with a pack of red thing on his hand. Itinapon niya iyon sa harapan ko. I got curious of the thing he threw to me. Mukha siyang dugo.

Pakiramdam ko ay tumaas lahat ng balahibo ko. Parang gusto kong kuhanin ang bagay na iyon at ubusin ang laman noon. What the hell am I thinking? Why would I do that?

Tiningnan ko nang masama ang lalaking puno ng tattoo sa katawan. Gusto ko itong sakalin dahil sa galit. I don't know why are they doing this to me. I've been locked in this room for years and I really don't know why. I don't remember anything except for the things they did to me. They injected something to me. I got weird and I didn't know what happened.

"Inumin mo iyan," sambit ng lalaki na nakapagtataka sa akin.

Hindi ko sinunod ang kaniyang sinabi. Mukhang nainis siya kaya siya na mismo ang nagbukas nito at sinalpak sa bibig ko. Hindi ko nagawang tanggalin ang bagay sa bibig ko dahil nalasahan ko ang masarap at mabangong inumin. Shit, this is the most delicious thing I've ever tasted.

Pakiramdon ko ay isa akong hayop na ngayon lang nakatikim ng masarap na pagkain. Pagkatapos kong maubos ang inumin ay dumako ang paningin ko sa isang basag na salamin sa sulok. My eyes widened when I saw some red liquid in the corner of my lips. Pero mas nagulat ako nang makita ang kakaibang kulay ng aking mata. Why is it red? What is happening to me?

Napaatras ako dahil sa takot. Pumikit ako at nang buksan ko ang aking mata ay ganoon pa rin ang kulay nito.

Tumingin ako sa lalaking nanatiling nakatayo sa harapan ko at mukhang gulat na gulat sa kaniyang nakita. Napaatras ito at lumabas na ng kwarto. Agad niyang ni-lock ang pinto.

Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin ngunit iyon na lang ang aking pagtataka nang bumalik na ang aking mata sa pagiging itim. Am I just imagining things? I am being so weird, fuck.

Dahan dahan akong tumayo at tiningnan ang maliit na bintana. Napatalon ako nang makaramdam ng sakit sa aking balat. Pakiramdam ko ay nasusunog ang aking balat. Napaupo ako sa sobrang sakit pero maya maya ay nawala rin naman ito. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang pagkagulo.

Muli akong tumayo para salabungin ang araw ngunit agad din naman akong napaupo nang humapdi na naman ang aking balat. Sinubukan kong itaas ang iilang daliri ko ngunit ganoon din ang nangyari. Kapag natatapat ako sa bintanang iyon, ay sumasakit ang aking balat na parang nasusunog ito.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at bumungad sa akin ang dalawang lalaki at isang babae na nakasuot ng mga mask. Hinila ako ng dalawa sa kanila papalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakalabas na ako ng kwartong ito o maiinis dahil ang sakit nila manghila.

Huminto kami sa harap ng malaking pinto. Binuksan nila iyon at tumabi silang tatlo at naiwan ako sa gitna. Nabigla ako nang magsimulang umusok ang aking katawan. Napasigaw ako nang makaramdam ng sobrang sakit. My eyes widened when I saw the fire on my body.

Sumara ang pinto at tinapat sa akin ng isang lalaki ang fire extinguisher. Maya maya lang ay nawala na din ang apoy sa aking katawan.

"Confirmed," wika ng babae habang nakatingin sa dalawang lalaki.

Hindi ko na pinakaelaman pa ang pinaguusapan nila. Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina ng aking katawan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. I drank something that is red liquid. My eyes became red or it is just my hallucinations. And now, nagkaroon ng apoy sa katawan ko. What the fuck is happening to me?!

Naramdaman ko ang paglutang ng aking katawan sa ere. Binuhat pala ako nung isang lalaki na nakamask.

Bumagsak ang mga talukap ng aking mata at hindi ko na napigilang maidlip.

***

I tried to open my eyes. Hindi ko magawa ng maayos dahil bumubungad sa akin ang maliwanag na bagay. Sinubukan kong gumalaw ngunit napagtanto kong nakatali pala ang aking mga kamay pati na rin ang aking mga paa. May nakadikit naman na tape sa aking bibig kaya hindi ko magawang makapagsalita.

Pumasok sa loob ang isang lalaki na nakasuot ng polo at nakaayos ang buhok niya sa malinis na paraan. He seems nice but my mind keeps on telling me na kasabwat ang lalaking ito sa mga tsonggong dumakip sa akin.

"A newborn vampire. It is so nice to finally meet you." wika ng lalaki.

What did he just said? A newborn vampire? A fucking vampire? What does he mean by that?

"Oh, my bad." bulong niya at dahan dahan tinanggal ang tape sa akin bibig.

"Sino ka?! Sino kayo?! Bakit ninyo ako dinakip? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo para gawin ninyo ito sa akin?At anong ginawa ninyo sa akin? Why does my body felt really weird? I want something but I can't tell what is that. At kanina, nabalutan ang katawan ko ng apoy. Bakit?! Anong nangyayari sa akin?!" sigaw ko sa kaniya.

"Easy, masasagot din ang lahat ng katanungan mo. But not now. For now, kakalagan ka na namin at itetrain ka ng mga tauhan ko kung paano maging isang bampira."

"Bampira?!" nakakunot ang noo kong tanong. Ano ba ang pinagsasabi niya?

"Yes, a vampire. You are now a vampire. Ang bagay na in-inject sayo ng mga scientist ay bagay na nakakapagform mula sa isang tao papunta sa isang bampira." nakangiti niyang sagot.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. What the fuck did he just said to me? That i'm a vampire?! No way!

"Yes way," nakangisi niyang sabi.

I frowned. Did he just read my mind or what?

"Yes, I can read your mind. Every vampire can read someone's mind." sambit niyang muli.

By that, I collapse.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TurnedStories to obsess over. Discover now