Chapter 19

20.4K 458 7
                                    

HINDI man aminin ni Ella ay nalula siya sa karangyaan sa mansiyon. Sa kanyang palagay ay mas bagay ang bahay sa naglalakihan at eksklusibong subdivision sa Maynila at karatig-pook. Nasisiyahang binigyan siya ng short tour ni Doña Carmen sa buong mansiyon. Ayon dito ay pag-aari pa ng lolo nito ang bahay at dalawang renovation na ang dinaanan.

Sa ikatlong palapag ay may dalawang silid na may common toilet and bath. Isa roon ang ipinagamit ng donya sa kanya. Lumipas ang maghapon na hindi nakita ni Ella si Duke. Hanggang sa makakain ng hapunan ay hindi pa rin ito dumarating.

Pagkatapos ng hapunan ay sinamahan niya ang doña sa video room na manood ng telenovela na kinatha niya. Ang telenovela na malapit nang magtapos at kailangang tapusin na rin niya ang kasunod na istorya.

"Kung ikaw rin ang sumulat ng novela na sinundan ng kuwentong ito ay binabati kita, hija," wika nito. "Mahusay ang pagkakakatha mo. Mayroon kang napakalawak na imahinasyon."

"Mahuhusay po ang mga artista, Doña Carmen. Malaking bagay sila sa pagbibigay-buhay sa alinmang kuwento."

"Totoo naman. Pero hindi ko gusto ang mga telenovela na masyadong pinahahaba at nagiging smorgasbord na ang mga artistang gumaganap. Bukod pa sa kung saan-saan na napupunta ang kuwento."

Ella smiled at the old woman. Hindi lang ito ang unang kinaringgan niya ng ganoong reklamo. Nagpapasalamat siya at mahusay ang producer at direktor ng mga kuwento niyang naging hit sa television.

Nang matapos ang palabas ay binigyan niya ng bahagyang detalye ang matanda sa mangyayari sa susunod na mga kabanata at pumanhik na siya sa silid niya. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan at makapagbihis ay lumabas siya sa veranda. Wala nang ambon subalit napakalamig ng hangin na tila yelo ang dumadapyo sa balat niya.

Buong maghapon ay hindi na umulan nang malakas. At nang gumabi ay tuluyang huminto ang ulan. Kung magpapatuloy ang pagbuti ng panahon ay malamang na matatawiran na ang tulay.

She sighed. Pinuno ng sariwang hangin ang dibdib at tinanaw ang dako pa roon. Marahil ay ang bayan ng San Fabian ang natatanaw niyang may mga ilaw sa gitna ng kadiliman. Mula sa kinatatayuan niya ay napakalapit lamang niyon.

"It's cold out here, Ella," said a familiar voice that in a way affected her heartbeat.

Nang lingunin niya ito ay nakasandal ito sa entrada ng veranda, nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng pantalong maong. Ang malamlam na liwanag mula sa ilaw sa pasilyo ay gasino nang umabot sa veranda. His face was shadowed.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa kadiliman sa labas, conscious of the erratic beating of her heart.

"Hindi mo dapat sinang-ayunan ang lola mo sa pag-imbita sa akin dito, Duke..."

"You made her happy. She really is a fan. She loved and admired the writer behind the telenovelas that she'd been watching everyday. I guess my grandmother is a frustrated writer herself, considering the many romance books she has in her possession."

"Hindi ako makapaniwalang ang isang tulad niyang may mataas na katayuan sa buhay ay—"

"Mga simpleng tao lang ang mga grandparents ko, Ella," wika nito at sa tinig nito ay alam niyang humakbang ito palapit sa kanya. "Ang lolo ko, hanggang sa kasalukuyan ay nakikiani pa rin sa maisan."

Ella held her breath when she felt his arms went around her. Na para bang natural dito na gawin iyon; na para bang narito ang lahat ng karapatan. Nang maramdaman niya ang init mula sa katawan ni Duke ay saka lang niya natanto na kung wala ang mga bisig nito ay totoong napakalamig sa veranda.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon