Chapter 2

23 1 0
                                        

Rumehistro ang disbelief sa mukha ni Brix nang binigyan ko siya ng towel, kumot at unan. "Dito ka na matulog. Madaling araw na. Malakas ang ulan, baka maaksidente ka pa sa daan."

"Concerned ka sa akin"

"Ayoko lang mangatwiran kay papa tungkol sa hazard pay kapag naaksidente ka"

"Hay, naku, hindi na lang kasi aminin na lumalambot na ang puso mo sa ka-cute-tan ko," pambubuska niya sa akin. Lalo siyang natawa nang umasim ang mukha ko. Hinagip niya ako sa braso at ngumiti." Thanks, nicole".

Alanganing ngiti ang itinugun nito." You're welcome."

"Antok ka na ba?"

Nagkibit-balikat ako."Hindi pa naman. Papasok lang ako sa banyo. Kung gusto mo, mauna kang gumamit para makadiretso na ako pagkatapos mo."

Makalipas ang ilang sandali "Done?"

Tumango siya. At napako ang mga mata niya sa mga hita ko."Thanks"

"Staring at my legs again?" ani ko sa kanya

Napatingin sya sa mukha ko. Nagulat ako nang makitang nakangito sa kanya. He grinned sheepishly. "Sorry. Napapatunganga ako eh."

Umiling na lang ako. "Nagiging habit mo nga yata yan."

Nang humarap ako sa kanya pababa sa kama ay napalunok siya. Mataas ang kama kaya sa layo niyang iyon at sa iksi ng palda ko, isang sulyap lang ay makikita niya ang panties ko.Wala!, gusto ko lang syang akitin.

"Sinusubukan kong ibreak. Masama ang naninilip------este, ang napapatunganga...kahit ba may rason naman para mapatunganga."

BRIX POV

"Sinusubukan kong ibreak. Masama ang naninilip------este, ang napapatunganga...kahit ba may rason naman para mapatunganga." sabi ko sa kanya..ano ba namang babaeng ito..

Tumayo ito at nilapitan ako. Nang huminto ito sa harap ko, ganoon na lang ang pagpipigil niyang umurong sapagkat nangangati ang mga kamay niyang dakmain ito.

"Kung uutusan ulit kitang halikan ako, gagawin mo ba?"

Napanganga ako bago dahan-dahang umatras. "Kuya, huwag po, huwag po," OA na sabi ko. Umiiling- iling pa ako habang horrified na ekspresyon sa mukha.

Nabiringot ang mukha nito. "Oh, nevermind!" galit na sabi nito, sabay talikod sa kanya

Maagap na hinuli ko ang mga kamay nito at iniharap sa kanya. "Teka, Kuya ! Walk out ka naman agad, eh"

"Kuyahin ko kaya'ng nguso mo, makita mo," nakairap na sabi nito

"Teka, bakit gusto mong halikan ulit kita?"

"Dahil gusto ko. Bakit?"

He made a buzzing sound. "Wrong answer."

Sinimangutan niya ako. Alam niyang niluluto na namang kagagahan ito at siguradong ako ang mapapahamak.

"Ano naman ang gusto mong sabihin ko aber.? Kailangan pa bang magmakaawa ako sa'yo para lang halikan mo ako? O gusto mo talagang galitin pa kita para lang halikan mo ako? Ano ba talaga'ng ---------"

Para matapos ang lantiya nito, tinapalan ko ng mga labi ko ang bibig nito..

Kiss meWhere stories live. Discover now