Better Than Revenge (ONE-SHOT)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige, ita-try ko."

"Good luck best friend, kahit malayo pa." Tapos tumawa siya, at napatawa din ako. Dumiretso na kami sa classroom namin.

Hindi ko alam kung ano yung susundin ko, puso ba o isip? Yung puso ko nasa campus namin, kasi madami akong bagay na ayaw kong maiwan dito. Yung isip ko naman ay para sa kinabukasan at kaligayahan ko kasama ang best friend ko. Pero, wala na eh. Tapos na. Hindi ako naka-pasa. Wala na, nakapasa siya. Doon na talaga siya lilipat, samantalang ako, naiwan nang mag-isa.

Uwian na namin. Kami lang ni Paige ang magkasama kasi sina Scarlet at Irene may practice sa dance contest para sa School Festival na magsisimula sa Wednesday.

Sa tingin ko, ang boring kong kausap. Siguro hindi siya interesado. Naimpluwensiyahan siya ng mga nakakainis na babaeng yun. Parang kinaibigan nila si Paige dahil lang mayaman to at medyo loko din. Puro "Alam mo ba..", "Si ano..", "Uy," Ahh okay!", "Ganon ba..", yun lang siguro yung mga nasasabi namin. Pero kapag napansin niyo na SILA LANG ang magkakasama iba na ang pinaguusapan. Hindi na ako magtataka kung ako na yung pinaguusapan nila.

***

School Festival na. May dance number sina Scarlet, Irene, at Claire mamaya sa stage. Nung gumala kami ni Paige sa campus matapos namin bumili ng pagkain, nakita namin silang tatlo. As usual, si Paige lagi niyang pinupuri si Scarlet. Naka-make up at costume sila. Aaminin ko, maganda sila, pero i-observe niyo yung ugali nila. Sa tingin niyo matatawag natin yun na 'tunay na ganda'? 

"Picture tayo!" Sabi ni Paige kay Scarlet. May dala siyang camera.

"Sige," Sabi ni Scarlet tapos nag-smile siya kahit wala pang camera.

"Oy sali ako!" Pa-singit ni Claire. Sipsip. Tapos hinila niya si Irene sa tabi niya. Nakakainis si Claire, buti hindi niya alam.

"Ako din," Sabi ko. Kahit malakas, hindi nila pinansin. Kahit nakatingin sila sakin. Alam mo ba yung feeling na tinatalikuran ka nila?!

"Mavis picturan mo nga kami!" Binigay sakin ni Paige yung camera niya kahit meron naman din ako na mas malaki.

"S-Sige." Ako photographer, at sila yung model. Wow lang ha, hiyang-hiya ako sa inyo. Ako yung dahilan kung bakit kayo naging kaibigan tapos ako yung wala? Anong klaseng tao kayo?

Nararamdaman ko na yung nakakainis na feeling na lagi nating tinatawag na selos. Tinapat ko na sa kanila yung camera at inayos ko yung zoom. Then I took a shot. "Isa pa," Sabi ni Irene. Lahat sila kita yung ngipin habang ngumingiti, kinuhanan ko sila. "Wacky!" Sabi ni Scarlet. Lahat sila nag-peace hand sign. Kinuhanan ko sila. Tapos tumingin ako sa paligid, siguro walang kukuha dito para sa amin na kasama ako. Ang selfish. "Okay na," Sabi ko, tapos binigay ko na kay Paige yung camera niya.

"OMG ang ganda natin dito girls!" Sabi ni Scarlet. Ganyan talaga yan magsalita, rich kid kasi eh.

"Pang-DP natin!" Sigaw ni Paige. May nalalaman pang ganon ah. WTF.

Sorry not sorry. Napapamura na talaga ako kapag naiinis na talaga ako ng sobra. Totoo pala yung sinabi ng teacher namin dati. Envy is the root of all evil. Nagagalit ka, nagiging selfish ka, nagiging mayabang ka minsan at minsan tinatamad ka na nang sobra. Alam mo yung feeling na sila yung gusto mong mga kasama pero simula nung may sumama sa inyo inagaw niya na lang ng biglaan? Nakakainis diba?

Better Than Revenge (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon