Chapter 2

195 6 2
                                    

CHAPTER 2

KUNG KAYO? KAYO!

ALEXA'S POV

Ano ba talagang kailangan niya sa gallery ko? Ghaad sobra na 'tong lalaking 'to

“Ano ba talaga?” tanong ko sa kanya at ngiti lang ang isinagot niya habang kitang kita ko siyang bunubuksan ang gallery ko.

Kaagad ko namang hinablot ang telepono ko kaso hinigpitan niya pala iyon ng pag hawak. At nag aagawan pa kami sa daan hanggat sa natumba siya at napaupo sa kalsada.

Sa halip na tulongan ko siyang tumayo ay tinawanan ko lang siya. Pero hindi niya man lang nagawang magalit sa'kin.

I'm sure pag ako iyong natumba? Magagalit ako.

“Hoy?” kuha ko sa atensyon niya at ng napansin ko ang telepono sa kamay niya ay akmang lalapitan ko siya ulit kaso agad siyang tumayo at tumakbo.

Kaya hinabol ko siya ulit. At agaw eksena na kami sa mga schoolmates namin na papauwi na rin sa isat' isa nilang bahay.

Kainis!

Nahawakan ko naman yung bag niya kaya nahila ko siya palapit sa'kin

“Akin na nga!” inis ko na tugon at parihas kaming napataod sa kinatatayoan namin ng mapansin naming nasa harapan pala kami ni Xyrus na ngayon ay nag aabang ng masasakyan.

Kaagad na ibinigay ni Hence ang telepono ko at kagagad akong yumuko at umalis. Lalo na ng maalala ko ang pag uusap namin ni Xyrus sa chat.

Bago kasi dumating ang araw na 'to ay nagka roon kami ng away ni Xyrus.
Kahit sa chat lang 'yon alam ko at ramdam ko iyong galit niya.

NAG FACEBOOK ako nong araw na iyon at kakaconfirm ko langvsa friend request ni Xyrus.

Mga limang minuto lumipas may isang chat akong na tanggap kaya agad kong binuksan ang messenger ko at kaagad na bumungad sa'kin ang pangalan ni Xyrus.

Xyrus?

(ON CHAT)

Xyrus: hi (with smile emoji )
Me: hello
Xyrus : thank you pala sa pag confirm hehhe
Me: Ahh okay welcome
Xyrus: Hhm pwede mag tanong?
Me: Sige ano 'yon?
Xyrus: Hmm may boyfriend kana?

Mga lalaki nga naman!

Me: wala naman
Xyrus: mabuti may chance papala ako

Ano daw? Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

Me: Huh?
Xyrus: Wala masaya akong nakachat kita ngayon
Me: Ohws really?
Xyrus : Oum

HUMABA pa ang chat namin ni Xyrus sa mga oras na iyon. Nag start kami mga eight pm hanggat sa umabot kami ng ten pm.

Nalaman ko na rin kung sino siya.  kwenento niya sa'kin lahat kahit 'di ko naman siya tinanong at dahil nag kwento siya nag kwenento din ako sa kanya ng mga karanasan ko sa buhay at hanggat sa bigla siyang nag send sakin ng love quote.

Love is like a rosary full of mystery

Nong na basa ko iyong quote parang may kung anong nararamdaman ako. Parang 'di ko maintindihan. 'Yong parang may bumabagabag sa isipan ko pero kahit anong pilit kung intindihin iyon 'di ko talaga mailabas at maintindihan.

Nag reply na lang ako sa kanya ng emoji na tuwang-tuwa wala na akong maisip na ireply sa kanya kaya emoji na lang.

Magaan ang loob ko kay Xyrus masaya siya ka chat pero mas iba talaga ang pakiramdam pag si Hence.

KUNG KAYO? KAYO!Where stories live. Discover now