Chapter 5

4K 112 2
                                    

          

Four years later...

IT WAS Valeen's third Esse stick. Nauubusan na siya ng disenyo sa isip. Ngayon pa na malapit na ang lingerie fashion week. Kasali sa event ang shop niya, ang Fantasy. It was three years ago when she opened her shop.

            Wala nang nagawa ang mga magulang niya sa nais niya. Nakokonsensya siyang hindi niya matulungan ang ama sa kompanya nila ngunit hindi niya kayang pilitin ang sariling gawin ang isang bagay na hindi naman nagdudulot ng saya sa kanya.

            Hindi na rin siya nakatira sa bahay nila, mag-isa siyang nakatira ngayon sa bahay na dapat ay regalo sa kanila ni Landon ng kanyang ama. Ayaw din naman sana niya roong manatili ngunit ang lahat ng pera niya ay dinala niya sa negosyo. She used her trust fund for that. At wala siyang pinagsisisihan dahil maganda ang takbo ng negosyo niya at higit sa lahat, masaya siya.

            "Ate Val, ito na ang kape ninyo," ani Annie, ang kasambahay niya. Ito lang ang kasama niya sa bahay. Halos kaedad niya ito. Inilapag ni Annie ang tasa ng kape sa outdoor table na gawa sa salamin. Sa likod-bahay siya nag-e-sketch dahil naninigarilyo siya.

            "Salamat."      

            "Ano po ang iluluto ko para sa tanghalian?"

            "I'll go to Fantasy later. Hindi ako kakain dito. Bahala ka na kung ano ang gusto mong kainin."

            "Sige po."

            Pag-alis ni Annie ay dinampot niya ang tasa ng kape. Pangalawang tasa niya na iyon. Nae-stress talaga siya. She was staring at her white satin halter slip design when her phone rang. It was Gio.

            "Hey," bati niya sa lalaki sa kabilang linya. He was courting her. LDC ang tawag niya roon. LDC as in long distance courting. Anim na buwan na yata nang muling magtagpo ang landas nila nang may kinailangan itong asikasuhin sa Maynila.

            Sa isang linggong pananatili nito sa Maynila ay halos araw-araw siyang pinuntahan. Inamin nito sa kanyang tinamaan na ito sa kanya noong unang beses silang nagkita at ayaw na niyang alalahanin ang araw na iyon dahil may kalakip iyong ala-ala na nakakasakit sa kanya.

            "Busy ka?" tanong nito.         

            "Yes," pag-amin niya. Ilang beses na niya itong binasted pero ang tigas ng ulo. He was attractive and a good catch but she was not yet ready. Nais niya munang gugulin ang lahat ng oras at atensyon sa negosyo. Isa pa, masarap maging single, iyon ang na-realize niya sa mga nagdaang taon.

            She can party all night with her girl friends. Puwede siyang mag-aksaya ng pera para sa luho. At walang magbabawal sa kanyang manigarilyo kahit ilang stick pa ang gusto niya. She used to love the feeling of being single and free.

            "Sige, tatawag na lang ako 'pag hindi ka na busy," ani Gio.

            "Okay."

            Nang tapusin na niya ang tawag ay ibinalik niya sa sketch pad ang atensyon. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip ng magandang disenyo. "Bridal lingerie collection," aniya habang itinutuktok ang lapis sa papel.

            She has to come up with something sexy but elegant. What does a lady supposed to wear on a honeymoon? Hindi pa siya nakaranas ng honeymoon kahit kailan kaya hindi niya alam ang sagot.

            Malamang nga ay pagtawanan siya ng lahat. She was making seductive night clothes and she was a virgin. Liberated siya, oo, pero marunong pa rin siyang mag-isip.

The Past Series: He Needed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon