"Wag na may bibilhin lang ako" sabi ko


"Sige balik ka agad ah" sabi niya sakin


"Oo" sabi ko at naglakad na palabas ng room naiinis ako


"Sure ka ayaw mong pasama ? " tanong ulit niya


Nilingon ko lang siya at nginitian habang umiiling



Paglabas ko ang daming naghihintay na babae sa labas at ang sama ng tingin nila sakin
Di ko alam kailan pako hindi nasanay sa masasamang tingin na binibigay sakin ng mga babae , at apektado ako ngayon dati hindi naman eh -.-" wala nga akong paki dati pero ngayon gusto kong tusikin mga mata nila , o kaya tangalin na yung mga mata nila ! Ang init lang ng ulo ko ngayon , ang dali kong mainis .


"Ate isa nga pong order ng hawaiian pizza, tsaka isang sprite pwede pong pakidagdagan yung pineapple nung pizza? " sabi ko sa ateng nagtitinda , sila lang kasi gumagawa ng pizza

"Magkano po?" Tanong ko ulit

"85 po" sabi ni ate

"85? Ang mura ng pizza niyo? Magkano pizza niyo?" Takang tanong ko

"45 po per slice" sagot sakin ni ate

"Naku ate hindi isang slice order ko isang buong pizza" sabi ko sa kanya akala ko mura -.-" mahal pala biruin mo yon 45 per slice ?

"Ah ganon po sorry po ma'am 330 po lahat" sabi sakin ni ate

"Padagdag ako ng pineapple ah" sabi ko ulit sabay abot ng bayad ko

30 minutes ko din hinintay yung pizza ko ah -.-"

After kong makuha yung order ko humanap ako ng lugar na pwede kong tambayan kung saan walang gugulo sakin , lalo na kakain ako .

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa marating ko tong lugar nato , pwede na dito , hindi mainit , tahimik sakto .

Umupo nako at sinimulang kainin yung pizza ko , masarap naman siya lalo na madaming pineapple :) habang kumakain ako pinapanood ko yung mga naglalaban ng soccer sa may field .

"Sayang" sabi ko nahulog ko kasi yung isang slice ng pizza oo na tatanga tanga ako eh -.-"


"Pwedeng makiupo?" Tanong sakin ng kung sino

"Ayoko maghanap ka ng pwesto mo" sagot ko na hindi man nagaabalang lingunin siya

"Sungit mo naman" sagot niya sakin

"Paki mo dun ka nga ang ingay mo" sagot habang kinakain ko yung second to the last slice ng pizza ko ayos din pala yung soccer mukhang masayang laro :)

"Penge" sabi ba naman ng walang hiya at inagaw sakin yung pizzang kinakain ko !

"Abat!!!!!!" Galit kong hinarap yung walang hiya na kumuha ng pizza ko

"Ikaw nanaman ?!" Galit na tanong ko sa kanya

"Galit ka nanaman" sabi niya sabay kain sa pizza ko

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sa kanya

Tumingin lang siya sa Field tapos tinignan niya suot niya

Player siya -.-"

"Umalis ka na nga sa harap ko !" Sabi ko sabay upo sa inuupuan ko at kumuha ulit ng pizza


"Uy masarap pala yung pizza ah ? Penge ulit" sabi niya

Aagawin ata ulit niya yung kinakain ko nilayo ko nga !


Diary ng PangetWhere stories live. Discover now