Simula

121 2 0
                                    

Inayos ko koala ng aking saya hinayaan ko na lamang ng ipusod ng aking ina ang aking napakahabang buhok. Sapagkat paborito niya itong gawain kapag kami ay dadalo sa isang okasyon. Inimbitahan kami ni Don Amorsolo sa kanyang tahanan dahil isang malaking paghahanda ang mangyayari.

"Ana,napakaganda mo talaga, oh aking anak" Nakangiting saad ni Ina

"Saan pa ba ako magmamana kung hindi sayo,Ina" Ani ko at ngumuso humalakhak si Ina

Nang makaayos na si Ama at Marcelo ay lumabas na kami ng aming tahanan hinanda ang karwahe. Nauna ako sumakay kasunod ko si Ina habang sina Ama at Marcelo nasa ibang karwahe.

Namulat ang aking mata sa pagiging Espanyol ang ama ko ay may lahing Espanyol na nakuha sa ama niyang puro habang si Ina purong Pilipino. kung kaya't lumilingkod kami sa pamahalaan ng Kastila dahil dala ko ang apelyido ng aking ama.

Bawal labagin ang patakaran ng Kastila kung hindi mapapataw sila ng parusa. Naging sunud sunuran kami. Hindi mapanakit sa amin. Ang tinatawag nilang Indiyo ang sinasaktan o pinapatay nila dahil panlalaban ng mga ito sa kanila. Pagkaawa at galit ang aking nadama wala akong magawa kung hindi pagmasdan ang kanilang paghihirap.

Ilang dekada na ang pamumuno nila dito ngunit walang sinuman kayang ipaglaban ang kalayaan na matagal ng tinatamasa. Sana pagdating ng araw may kusang sanang lalaban sa bayan na ito.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Nang makarating na kami sa tahanan ni Don Amorsolo. Madaming dumalo ng panauhin sa okasyon sa isang sulok nakaupo ang kababaihan habang tahimik na kumakain. Sa isang sulok naman ang mga naghahalakhakan na mga lalaki.

"Nakarating din kayo!" Humalakhak si Don Amorsolo habang nakipagkamayan sa ama ako.

"Hindi ko palalampasin 'tong okasyon na 'to aking kaibigan" sabi ni Ama

"Maganda yan Kaibigan doon ka na maupo sa kabisera"

Napatingin ako sa sobrang habang hapagkainan ang dami nakahanda. Nag-siupuan kami umupo si Ama sa Kabisera habang si Don Amorsolo umupo din sa Kabisera katabi ang kanyang asawa na si Donya Barbara.

Umupo ako tabi ni Ina habang kaharap naman ni Ina si Marcelo na seryoso pa din ang mukha.

"Don Mercado mabuti pinaunlakan niyo ang aking imbitasyon" Panimula ni Don Amorsolo. "Ang daming nagbago sayo,Ana!"

"Nag-dadalaga na nga ang aking anak" ani ni Ama.

"Gustuhin man natin ibalik ang batang napakagandang palangiti na si Ana" Malungkot na sabi ni Don Amorsolo

Nakaramdam ako ng pagkailang. Dahan dahan akong ngumiti.

Humalakhak ang mga matatanda sa hapagkainan.

Madami pinag-usapan sila Ama tungkol sa pangangalakal nila sa Buong Europa at Asya. Pinag-usapan din nila si Maria na nag-aaral sa Europa kasama kanyang pinsan na si Leandro. Kapag bumabaling sila sa akin sinasagot ko sila. Nang matapos ang tanghali handaan. Nag-uusap pa sina Ama at Don Amorsolo habang sina Ina at Donya Barbara tahimik nag-uusap. Binaling ko ang mata ko sa kapatid ko.

Kita ko ang paninitig ni Marcelo sa grupo ng kababaihan. Mabilis siyang umiwas tumikhim siya at mabilis siyang naglakad palayo. Isang babaeng napakaamo ang mukha,morena at nakasuot ng simpleng saya ang sinusunduan ng tingin ang aking kapatid. Kumunot ang noo ko.

Magkakilala ba sila ni Marcelo? Iba ang tingin nila sa isa't isa. Sumunod na ako kay Marcelo. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng karwahe namin. Nakatingin sa malayo mukhang malalim ang iniisip.

"Marcelo?" Tawag ko sa kanya napalingon siya sa akin at kumunot ang noo niya. "A-ah meron sana akong tatanungin?" Tanong ko sa kanya.

Mas lalong dumilim ang mukha niya at sumeryoso. Napabuntong hininga ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now