MISSION #01

3K 110 6
                                    

Casts:

Alex Lawther as Miguel Dimaculangan
Ansel Elgort as Matthew Herrera
Cole Sprouse as Dylan Walker

•~•~•~•~•

MISSION #01

mr. bad boy and me

[MIGUEL:]

Halos isang linggo na rin ang lumipas mula nang magsimula ang klase namin. In fairness, kahit papaano ay nakaka-adjust na rin ako sa mga ganap dito. Back in High School kasi, medyo chill pa ang buhay. 'Yong tipong p'wede ka pang mag-slack off. 'Yong wala masyadong pressure. Dito, iba na. Biruin niyo ba naman, first day na first day namin, imbes na mag-introduction muna kami, na laging ginagawa sa mga schools, nag-lesson agad 'yong Professor namin sa Principles of Management. Wala nang intro-intro sa kanya. Cliché na raw kasi 'yon masyado at magkakakilala rin naman daw kami as days pass by. Ugh, katamaran lang niya, 'kamo. By the way, Business Administration ang kinukuha kong kurso. Dito sa university, kapag BA ang kurso mo, sa Second Year pa lang magkakaroon ng Majors ang mga estudyante. Ang dahilan ng admin, halos same lang naman kasi ang mga subjects ng mga estudyante ng BA freshmen. Gusto ko sanang kumuha ng Marketing Management o kaya Economics kaya ako nag-BSBA. So far, hindi ko na nakita pang muli 'yong unggoy na nakaengkwentro ko noong nakaraan. Good for me. At least, hindi ako kakabahan sa kanya.

Dahil mahaba pa ang vacant ko ay nagpasya muna akong dumiretso sa dorm para doon na lang magpalipas ng oras at makakain na rin ng lunch. Ito lang ang pangit kapag college. Sobrang flexible ng mga schedules namin—to the point na inaabot pa kami ng gabi. So far, wala pa naman akong masyadong ka-close sa mga kaklase ko. Wala rin naman talaga akong comon na kaklase sa lahat ng subjects ko kaya hindi ko muna iniintindi ang pakikipagkaibigan. Sa ngayon, si Dylan pa lang talaga ang nakakausap ko ng maayos dito, aside sa siya ang ka-room mate ko. Engineering ang kinukuha niyang kurso at nasa Second Year na pala siya. Ngayong Academic Year lang din siya nagpasyang mag-dorm dahil last year ay nangupahan lang siya ng apartment 'di kalayuan sa campus.

Sa sobrang pagpapahinga ko ay hindi ko na napansin ang oras. Alas-dos na pala at thirty minutes na lang ay magsisimula na ang nex subject ko—Accounting I. Nakakaloka, kaya nga 'di ako kumuha ng Accountancy ay 'di ko masyadong trip ang mga numbers tapos may subject kaming ganito? Nakakaloka!

Bago dumiretso sa room ay nagpasya muna akong dumaan sa canteen para bumili ng maiinom. Nakalimutan ko rin kasing uminom kanina sa dorm kaya nauuhaw ako. Habang nasa pila ay nabigla ako nang biglang may tumapik sa balikat ko—dahilan para lingunin ko ito.

"Sabi ko naman sa'yo, magkikita ulit tayo," nakangisi niyang pahayag sa akin.

Naku, bakit sa dinami-rami pa ng sitwasyon, bakit dito pa sa canteen kami nagkita ng lalaking ito? To think, maraming estudyanteng nakatambay dito ngayon. Ang malas nga namang araw 'to, o!?

"I-Ikaw pala. H-Hehe," halos mautal-utal kong bati rito.

"Oo, ako nga. Natatandaan mo pa naman siguro ang naging usapan natin, 'di ba?" nakangisi niyang pagpapaalala sa akin.

Aba, kahit naman ilang araw na ang lumipas, hindi ko naman iyon nakalimutan, ano. Dahil ako na ang next noon sa pila ay hindi ko muna siya sinagot. Nabigla pa ako nang akbayan ako ng unggoy na 'to.

"Soda in can lang po. Isa," ani ko.

Paalis na sana ang tindera nang magsalita itong ungas na 'to. "Dalawa na, Miss. Siya ang magbabayad."

Taming Mr. Bad Boy [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon