Chapter 2

6.3K 236 25
                                    

Margaux

"I don't like this fucking coffee! Sinong gumawa nito?!"

Hinagis ko ang hawak na mug at nabasag ito.

"Letse! Pumunta nga kayong lahat dito! Now dumbheads!" Sigaw ko at agad namang pumila ang mga ito. Padabog akong tumayo at ala modelong namaywang sa harapan ng mga ito.

Dinuro ko ang nagkalat na kape sa tiles. "Sinong gumawa ng kape?!" Nakataas kilay na tanong ko. "Eyes fucking up!"

Agad namang tumalima ang mga ito at takot na takot ang mga itong tumingin sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa mga ito.

"Nagtatanong ako!" Pucha.

"A-Ako po M-Miss Hetri." Wika ng isang di katandaan na babae.

"Ulitin mo! Wala bang nagsabi sa iyo na hindi ko gusto ang kapeng may asukal! I drink black coffee!"

"S-Sorry po kasi-"

"Shut up!" Padabog ulit akong naupo. "I don't like to see anyone of you kung ayaw niyong mawalan ng trabaho ngayon din! Layas!"

Agad namang umalis ang mga ito sa harapan ko. I took my phone from the table and scanned my emails.

"Hi Sweetheart!"

Agad akong napalingon dito at napangiti ng makita si daddy.

"Dad!" I stood up and walked up to him. Niyakap ako nito. "Daddy na-miss po kita."

Natawa ito bago kumalas. "Mas namiss ko ang prinsesa ko. Kumusta ka dito habang wala ako?"

Nagkibit balikat ako. "Fine dad."

Kakauwi lang kasi nito galing sa states dahil may binisita itong kumpare nito at umattend ng importanteng meeting. Naglagi ito doon ng halos dalawang linggo.

"Well." Ngumiti ito. "I just hope na hindi mo sinigawan ang mga kasambahay natin dahil sawang sawa na ako sa kakakuha ng mga bagong maid."

I rolled my eyes. "They are all imbeciles dad. Look!" I motioned the mug and the spilled coffee on the floor. "Kape lang hindi pa magawa ng tama."

Hinalikan ako nito sa noo. "Manang mana ka talaga sa mommy mo at miss na miss ko na siya."

Yumakap ako rito. "Of course and I look a lot like her kaya dapat ako lang ang mahal mo dad. Huwag kang mag-aasawa dahil ayokong mapalitan si mommy sa puso mo. Nandito naman ako para alagaan ka kapag tumanda ka na."

Natawa ako. "Baka tatanda ka ring mag-isa dahil sa katarayan mo. Lahat yata ng manliligaw mo e natatakot sa iyo."

"Dad!" Tumawa ulit ito. "Ayokong mag-asawa ng lalaking sakit sa ulo lalo na't bobo! Gusto mo bang magkaroon ng son in-law na ignoramus?!"

Napapailing ito.

"Elaine." Tawag ni daddy.

Sino naman kaya iyon? Biglang sumulpot ang isang kasambahay. Wala akong kilala sa mga ito dahil wala akong pakialam.

"Sir?"

"Clean my daughters mess at ihanda niyo na ang umagahan ko."

Alam kasi nitong hindi ako kumakain ng umagahan. Humalik ako sa pisngi nito.

"I have to go dad. May lakad pa ako ngayon."

Tumango ito. "Ingat ka sweetheart."





*****




I had enough today. Pumunta ako sa mall para mag-shopping. It's frustrating dahil hindi ko na masyadong nakakasama si Ava ngayon hindi katulad noon. Abala na kasi ito sa kompanya nito at sa asawa nito.

Napangiwi ako ng maalala ang asawa nito. Intersex?! Seryoso ba si Ava doon at talagang pinatulan nito not to mention na nagpabuntis pa talaga. I snorted. Kung ako, huwag na lang at tatanda na lang akong dalaga.

Hindi ako makakapayag kung sinong talipandas lang ang makakaangkin sa katawan ko lalo na't umaapaw pa naman ako sa sex appeal. I'm not being conceited pero ilang beses kaming hinabol ni Ava para maging modelo but that's not my forte. Nungka kung ibabalandra ko ang katawan ko at kung sino sino lang ang lintik na makakakita. I love my body to die for at alagang alaga ko ito kaya hindi basta basta na lang ako maghuhubad sa harapan ng kahit sino.

Parang uminit ang ulo ko ng maalala ang engkantong palaging nangmamanyak sa akin sa gabi. May araw din iyon and I'll make sure that birdbrain will pay.

Nakarating ako sa mansyon at humalik lang ako kay daddy. It's late already dahil nawili ako sa pagpili ng mga damit na bibilhin. Binuhat ng mga kasambahay ang mga pinamili ko. Alam na ng mga itong gusto ko munang malabhan at maplantsa ang mga ito bago ilagay sa aking closet.

Pumasok ako sa aking kwarto at nilocked ito. I throw my shoulder bag in the couch and went straight to the bathroom bago ako naghubad. I had a warm shower. Talagang inaantok na ako kaya ayaw ko nang magbabad pa sa bathtub. I can do that tomorrow.

Ng matapos ako ay pinulupot ko ang bathrobe sa katawan ko bago kinuskos ang aking buhok ng tuwalya at saka ito ibinalot. Lumabas ako at dumiretso sa aking closet. Kumuha ako ng red lace underwear at bra saka ito isinuot. Lumabas ako at basta na lang ibinato ang bathrobe ko sa kung saan. Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa ulo ko at saka pinatuyo ang buhok ko.

I turn on the lampshade and turn off the lights bago ako nahiga. Nilagay ko ang temperatura ng aircon sa labing walong antas sentigrado dahil ayaw na ayaw ko ang mainit. I pulled my duvét to cover my body hanggang sa may dibdib.

Pinatay ko ang lampshade bago ipikit ang mga mata ko.

Nagising akong may humahaplos sa braso ko. Pinakiramdaman ko ito dahil gusto kong buksan ang ilaw malapit sa akin. I grab the hand that's touching me at agad na naman itong nawala. I turn on the lampshade at medyo nasilaw pa ako.

Iginala ko ang paningin sa loob ng silid ko pero wala akong makitang ibang tao o engkanto. Kumulo ang dugo ko sa galit.

"Show your fucking self! Sino ka ba ha?! Ang manyak mo!"

Biglang lumitaw ang isang napakagandang babae sa harapan ko. Nakangisi ito. Heto ba ang letseng nangmamanyak sa akin?! This fucking numskull goof dunderhead!

Dinuro ko ito. "You-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng kuminang ng kulay pula ang mga mata nito.

Umawang ang mga labi ko. "What the fuck?"

What is she?!

"Are you sure you want to know about me? Because I know you." Pinasadahan nito ng tingin ang katawan ko ng may pagnanasa. Nakabalandra kasi dito ngayon dahil nalihis na ang letseng duvét.

"I know everything about you, sweetheart." Hinapit ko ang kumot hanggang leeg. Palagay ko'y umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

"Get the fuck out you-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla itong nawala at lumitaw ulit para lang takpan ng hintuturo nito ang bibig ko.

Ngumiti ito at hindi ako makapaniwala ng makitang kuminang ulit ng kulay pula ang mga mata nito lalo na't magkalapit lang ang mga mukha namin.

"Say something and I'll fucking punish you, Margaux." I saw her fangs came out.

My eyes widened. This.. this..

She is.. She's














A fucking vampire!

Taming the Ruthless Dragon _Series 4 (Completed)Where stories live. Discover now