"Heartbreak City"
By: WhenYouPlayFire
January na ba? Or March? Sorry, hindi naman kasi ako pala-tingin sa kalendaryo. O baka naman December palang. Shit! Hindi ko pa pala nabibigyan si Rex ng regalo. Plano ko pa naman sanang bigyan siya ng chocolate na Hersey ang tatak. Ayaw pa naman no'n ng toblerone kasi pangit daw ng lasa. Masakit na nga ngipin ng batang iyon pero adik pa rin sa candy at Hersey.
Napailing ako. Sa totoo lang, alam ko naman talaga ang month ngayon. Hobby ko lang makalimutan minsan ang date kapag sumasapit ang month na ito. Hindi ko nga alam, baka nakasanayan ko lang. Or baka may tililing lang ako sa utak.
February.
This month was a disaster last year. Tinanggal kasi kami ng best friend ko sa trabaho bigla-bigla kaya nga nga kami ng dalawang buwan. Damn, hindi iyon ang inaasahan namin. Buti na lang at nabawi namin yo'n nang tinanggap kami sa kabilang company bilang part ng marketing dep't nila.
Kung tutuusin, dapat masaya na ko ngayon, pero hindi.
"Valentino." Pagtawag sa'kin ng aking bestfriend. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa railings ng rooftop. Tinabi ko muna ang root beer ko sa may small rounded table sabay harap sa kanya.
"Oh, Dan Greed! Akala ko naman hindi pa kayo tapos maglampungan nung kalandian mo. Aalis na sana ako, jusko! Rinig na rinig hanggang dito ang ungolan ninyong dalawa. Seriously? Wala na bang ilalakas?" Sarkastikong banat ko sa kanya. Tumawa lang ang malibog sa sinabi ko.
Inakbayan niya ako, "Naku, h'wag na na'ting pagusapan 'yon. Hindi magaling humalik e." Nabatukan ko siya bigla.
"Gago! Malamang virgin pa yun! Hindi mo ba narinig sinabi niya? O sadyang humaling ka no'n sa kakatingin ng boobs ni ateng habang nagsasalita 'yon? Hay, naku malamang first kiss ka pa n'ya hindi mo lang alam. Aba, hindi na kita kilala kapag pumunta yung magulang niya dito. Malamang, may iba na kong bestfriend pag nagkataon." Pananakot ko sa kanya kaya napangiwi siya.
"Valentino, seriously? Maniniwala ka pinagsasabi ng babaeng iyon?" Tumango ako.
"She so innocent kaya. Hindi mo ba yun nakikita sa mukha niya?" Tanong ko. Tumango naman siya. I raised my eyebrow. "And why? You guys perfect for each other!"
"Because she lied! She's not virgin – actually, I'd check her flower and looks like she had sex with one hundred guys! It means, LASPAG! Nakakadiri!" He grimaced as if nakakain siya ng hindi kanais-nais.
"Hayaan mo na. Sanay ka naman kumain ng tahong na sunog, e." Pangungutya ko sa kanya. Napangising aso naman siya.
"At ikaw? Sanay ka naman kumain ng sunog na hotdog with matching two toasted eggs!" Balik niya sa'kin na may patawa-tawa pa kaya nasapak ko siya sa tiyan. "Ouch!" Daing niya.
Ako naman ang may time para pagtawanan siya. "Ke laking tao, dumadaing sa suntok ng maliit sa kanya."
Napakamot siya ng ulo. "E, sa malakas kang sumuntok!" Hinawakan niya kamay ko. "Tignan mo nga yang kamay mo, puro buto kaya ang tulis!" Pangungutya naman niya kaya binawi ko kamay ko.
"Tse!" Lumayo ako sa kanya at lumapit ulit sa railings. "Bakit pa kasi tayo rito napadpad. Pwede namang sa ibang lugar na lang." Tumingin ako sa kalangitan kung saan ay napakaningning ng mga bituin. Minsan nga pinaglalaruan ko iyon gamit ang aking kamay. Kunwari may kapangyarihan akong pagkonektahin ang lahat ng bituin gamit ang imaginary line na iginuguhit ko. "Kung umalis na lang ako dito? Or pwede kang sumama sa'kin?" Tuloy kong sambit ng hindi siya tinitignan.
Ramdam kong tumabi siya kaya umisod akong konte. "Kung pupwede nga lang dapat matagal ko ng ginawa. Pero hindi. Kailangan ako rito ng isang taong nakakaintindi sa'kin." He paused for a second. "Syempre bukod sa'yo." Kumindat pa siya.
YOU ARE READING
Heartbreak City
Short StoryWhat it feels like to live in a Heartbreak City? Written by: WhenYouPlayFire
