Napansin ko na may kinukuha siyang sa kanyang bulsa. "Heto Enr, para naman may punasan mo 'yang luha mo." Alok nito habang ini-aabot ang panyo sa kanya.

Kinuha ko ito at agad pinunasan ang luhang tumutulo sa mata. "Gusto ko na atang sumuko, Igo. Pagod na pagod na 'kong umasa na bumalik siya."

"Kung pagod ka na rin maman umasa, pwede mo naman itigil na," tugon niya. Hinagod-hagod niya ang likod ko. "

"Pero..." napatigil ako saglit nang napasinghap ako sa kakahagulgol. "Ang hirap bumitaw kapag nakasanayan mo nang nandyan siya palagi," pakli ko habang naghahabol ng hininga.

Nang masabi ko 'yon, humagulgol ako  at napayakap kay Igo nang mahigpit. Wala akong mapagsandalan sa iniindang kirot sa puso ko kung wala siya. Buti na lang, may taong mapaglalabasan ako ng sentimyento ko sa buhay.

"Kung hindi mo susubukang bumitaw, hindi mo makikita ang mga iba pang mga bagay na posibleng magpapasaya sa 'yo," seryosong payo niya habang hinahagod niya ang likod ko.

"Natatakot ako at baka hindi na 'ko makakita ng katulad niya," ani ko habang humahagulgol pa rin sa kanyang bisig.

"Naiintindihan kita, Enr. Pero, wala namang mawawala kung hindi mo susubukan," tugon niya.

Unti-unti kong prinoproseso sa utak ko ang payo niyang iyon. Parang ang hirap kasing bitawan ang mga alaala ng nakaraan namin ni Kah. Tumunog ang sentido ko sa sinabi niyang 'yon, it makes sense now.

Nang nakatahan na 'ko, kumalas ako sa pagkakayakap kay Igo. Lumibot kami sa dalampasigan para mahimasmasan

"I will try. Pero can you help me again with this?" pakiusap ko sa kanya.

"Oo naman. Basta, tulungan mo rin ang sarili mo na maka-move on na sa kanya simula ngayon,"

"P-pero.." naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Walang pero-pero. Kung gusto mo siya talagang maka-move on, gagawin mo talaga kahit ano'ng mangyari," diin na sabat ni Igo.

Napa-buntong hininga ako. "Sige na nga, I'll try." maikling tugon ko.

Nang matapos ang usapan tungkol kay Kah, napag-isipan naming maglakad-lakad dahil wala naman kaming pasok kinabukasan. Nabanggit ni Igo ang tungkol kay Blue -- ang ex bf at kababata niyang namayapa na mga dalawang taon na rin ang nakalilipas, dahil nahulog ang kanilang sinasakyan sa bangin. 

Na-kwento niya ang lahat tungkol sa kanila hanggang sa mamatay ito. Nahirapan siyang tanggapin sa una, pero unti-unti niya na rin niyang tinanggap at nakapag-move on dahil napagtanto niya na hindi naman magiging masaya ang taong mahal niya kung makikita siyang malungkot, at natutunan niyang i-enjoy ang buhay ng hindi kasama si Blue.  Hindi naman daw ibig sabihin ng naka-move on na siya'y kinalimutan na ito, parte na lang siya ng alaala ng nakaraan.

"Kung nakaya kong maka-move on, makakaya mo rin," payo niya. "Malalaman mo na lang na naka-move on ka na kapag nagising ka na na-ibsan na ang sugat na dinulot ng pag-iwan niya sa 'yo, at pag natanggap mo na talaga nang tuluyan na hindi talaga kayo sa isa' t isa," patuloy pa nito.

"Sa bagay..." usal ko.  Inakbayan ko siya't tinapik ang kanyang balikat. "Hanga ako sa 'yo at naka-get over ka kay Blue," dagdag ko.

Ngumiti siya. "Gano'n talaga, kailangan mag-move forward para malaman ko kung ano pa ang posibleng mangyari kung wala siya," aniya.

"Ang deep mo diyan!" Sabay palakpak. sa kanya. "Sa totoo lang, nakaka-proud ka, " papuri ko kay Igo.

"Ano'ng nakaka-proud doon?" tanong niya.

"Na kinaya mong ang lahat para maka-move forward ka sa buhay despite of heartbreaking moment na nangyari sa 'yo," sinseradong sagot ko sa  kanya.

Ginulo niya ang buhok ko. "Sus! Tara na nga, uwi na nga tayo at baka mag-iyakan na naman tayo dito," paanyaya nito.

Pagkatapos ng usapan naming 'yon sa dalampasigan, umuwi na kami agad aming mga bahay, dahil nakakapagod din palang iiyak ang mga saloobing mahirap ilabas na tinatago-tago ko na hindi ko kayang pag-usapan.

Pagkauwi ko, tinignan ko ang aking cellphone at may natanggap akong mensahe mula kay Kah sa IG.

Huwag mo na akong pansinin pa, tapos na tayo at hindi na natin kailangang mag-usap pa, at masaya na 'ko sa bago ko , sabi ni Kah sa mensahe niya.

Nakaka-kirot sa puso nang mabasa ko 'yon. Tama nga si Igo, kailangan ko na talagang bumitaw sa pag-asang babalik pa siya, at ako lang din ang mahihirapan kung aasa pa rin akong maibabalik pa ang dati naming pagmamahalan. Siya naman rin ang unang bumitaw kaya'y uunti-untiin ko ang pagkalas ko sa alaalang binuo naming dalawa na nagkukulong sa 'kin at baka kainin lang ako ng kalungkutan kung ipagpapatuloy ko pang mahalin siya.  Kakayanin ko kahit mahirap at mabigat sa kalooban ko, at papatunayan ko na hindi lang siya ang taong kayang magparamdam ng pagmamahal na pinaramdam niya sa akin ng dalawang taon.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now