Modern Myths 8 ⚛

Start from the beginning
                                    

"Oo nga pala aphrodite, mag uumpisa na ang pag eensayo mo ngayong araw, kay athena ka muna, tuturuan ka nyang makipaglaban at gumamit ng pana" sabi ni zeus.

Wow ha! Ako makikipaglaban? Kinidnap ako para makipaglaban?

"Ang ibig kong sabihin, makipaglaban para protektahan ang sarili mo" sabi uli ng zeus.

Binabasa nanaman nitong lalaking to ang isip ko kainis.

Tumango tango lang ako.

"Ah guys gusto ko lang malaman, ano pala yung mga special ability nyo, kakayahan nyo ganun" paglilinaw ko sa word na special ability baka hindi nanaman nila maintindihan.

"Ahm ako muna, kaya kong pahabain ang buhok ko kahit gano kahaba at kaya kong kontrolin, ginagamit ko ito sa pakikipaglaban." Panimula ni artemis.

"Ako  naman meron akong nakakalason na titig, kaya kong pumatay gamit lang ang mga titig ko, pero kaya ko naman itong diktahan kung kanino ko ito gagamitin at kung kanino ko ito hindi dapat gamitin" sabi ni demeter.

Astig nun ah, parang yung kasabihan lang makuha ka sa tingin.. Pero yung kanya, mamatay ka sa tingin Hahaha

"Kaya kong alisin ang grabidad ng anumang bagay, hayop o tao, kaya kitang palutangin kung gugustuhin ko" sabi din ni hermes.

Gravity! Diko kinakaya ang mga powers nila.

"Kaya kong magbuhat ng anu bang bagay, kasali na din ang mga planeta" sabi ni Zephyrus.

Wow! Di na ako nagtaka, galing kasi sya sa angkan ni hercules.

"Naririnig kita kahit gano ka pa kalayo, pero nakokontrol ko naman ito kung ayaw kong gamitin" sabi Naman ni hera.

Kung nasa barangay siguro namin tong babaeng to, magaling sa chismisan.

"Dahil galing ako sa angkan ng diyos na hypnos, kaya kong kontrolin at diktahan ka sa iyong panaginip" bulalas din ni dionysus.

Ahh. Hypnotize. At isa syang deceiver.

"Nakakapagpagaling ako" matipid na sambit ni apollo.

Hm.. So healer sya.

"May kakahayahan akong kontrolin ang mga sensasyon ko, kapag nasugatan ako ay kaya kong gawing manhid ang katawan ko" sambit din ni Hephaestus.

Parang hindi maganda yun. Pano kung ni low mode mo yung senses mo tapos nasaksak ka pala, e di naubusan ka na ng dugo ng di mo nalalaman?

"Nakikita kita, pero hindi mo ako nakikita" malabugtong namang sabi ni iris.

Oohh. Invisibility naman tong isang to.

"Gaya naman ng ginawa ko sayo aphrodite, kaya kong makipag usap gamit lamang ang isip" natatawang sabi ni athena.

I know right.

"At ako naman kaya kong basahin ang nasa isip ng isang tao" huling sabi ni zeus.

"ahm, iris diba sabi mo kanina may kambal ka? Ano naman yung kanya?" Hehe curious lang.

"Mabilis syang gumalaw, para syang kidlat at halos hindi mo na sya makita"

Tumango tango naman ako. Parang gaya lang din ng kanya, ang pinagkaiba lang, hindi makita si arke sa bilis ng galaw samantalang si iris sadyang ability nya talaga ang pag iinvisible.

"E ikaw zeus? Diba may kambal ka? Ano din yung sakanya?"

3seconds.. 5seconds.. 10seconds.. 15.. 30..

"Ayos lang naman kung ayaw mong sagutin" okay, mukhang ayaw nya namang sagutin e.

"Hindi, ayos lang saakin.. Ang kambal kong si ares ay diyos ng digmaan may kakayahan syang gumaya ng katauhan. Kaya kung ako sayo, kilalanin mong mabuti ang bawat isa saamin dito, para kung sakaling magkaharap kayo, handa ka"

Kinilabutan naman ako sa sinabi nya. Iniba ko nalang ang usapan para hindi awkward, parang natahimik kasi nung inopen ko yung topic kay ares.

"So iba ang kakayahan nyo at iba din yung kapangyarihan nyo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Hmm oo. Bawat isa saamin dito sa lugar namin, alipin, kawal, o maharlika man ay may kanya kanyang kakayahan, ngunit tayong mga pinili, bukod sa kakayahan, mayroon din tayong kapangyarihan dahil nakuha natin ang pneùma ng mga sinaunang diyos at diyosa" sagot ni Zephyrus.

Ganun pala ang dahilan kung bat special treatment kami dito sa olympus.


A/N
(Pneùma_Kaluluwa)
So mga bebe, kung mapapansin nyo, kaya po God's And Goddessess in Modern World ang titolo ng aking kwento dahil sila ang reincarnate ng mga orihinal na diyos o diyosa ng sinaunang panahon. So ngayong modern world napunta sakanila ang kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Ang mga  pangyayari na naganap sa sinaunang diyos at diyosa ay hindi kagaya ng mangyayari sa kanila nhayon, nasa kanila lang ang kaluluwa pero may sarili parin silang desisyon.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Guys comment naman kayo. Pampalakas lang ng loob 😂
Seeyah sa next chapter.

GOD'S AND GODDESSES (In Modern World)Where stories live. Discover now