Modern Myths 3 ⚛

3 0 0
                                    


APHRODITE'S POV.

Pagkatapos ng limang oras na biyahe ay nakarating na kami sa wakas ni wendy, sumakay kami sa isang pedicab upang marating ang simbahan na nasa gitna ng bayan.

"Ay frenny napakalayo pala dito sainyo,nakakapagod magbiyahe" pagrereklamo ni wendy.

"Haha sira, ngayon ka pa ngareklamo, pero alam mo masaya dito, ipapakilala kita kina father at sisters" pampalubag loob na tugon ko.

"Haaay.. I'm home" nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si wendy, at bahagya pa itong napangiti sa sinabi ko.

"Hindi ka talaga sanay na umalis dito sainyo ano?"

"Hmm.. Oo frenny, namiss ko ang hangin sa probinsya namin"

"Masaya akong nakikita kang masaya aphrodite, let's go?"

"Tara na!"

~~~~

Apat na araw na kami ni wendy dito at may 3 araw pa bago bumalik sa maynila, naipakilala ko na din sya sa pamilya ko, as expected sobrang saya nila saakin, natawa pa ako nung icongratulate nila ako isa isa dahil sa wakas nakapagpakilala na daw ako ng kaibigan ko, sa susunod daw dapat boyfriend na ang ipakilala ko. Sobrang sarap pakinggan na suportadong suportado nila ako sa lahat ng bagay, nakakatuwang napakalaki ng tiwala nila saakin. Pero wala pa akong balak magboyfriend sa ngayon, sabi nga nila "Book before boys, because boys bring babies" tutuparin ko muna ang pangarap ko bago ko isipin ang mga ganyang bagay.

Araw ng miyerkules, bored.. Naisip kong maglinis muna sa budega ng mga libro sa kumbento dahil wala naman akong ginagawa, pagpasok ko palang ay nalanghap ko na ang alikabok. Madaming nagkalat na iba't ibang libro, may mga magazines, newspaper, storybooks pero karamihan bible. Naagaw ang atensyon ko sa isang librong nakakalat lang sa sahig, dinampot ko ito saka bahagya kong pinagpag ang cover dahil puno ito ng alikabok.

"Reincarnation? Ito ang lumabas sa bibig ko.

Anong ginagawa ng ganitong klaseng libro dito? Naniniwala ba ang simbahang katoliko sa reincarnation?
Hmm.. Nakaka curious.

Tinago ko ang libro sa bulsa ko saka sinimulan nang maglinis.

~~~~~~
"Ha? Totoo ba yan frenny? Nako sino kaya ako sa past life ko?"

Kanina pa salita ng salita si wendy pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya, nakoconfuse kasi ako sa nabasa ko. Ang sabi dito, Hindi lang daw tao, kundi pwede ding bagay, hayop, o lugar ka sa past life mo, karamihan daw sa mga taong nabubuhay ngayon hindi gaanong mahalaga ang past life nila pero may iilan daw na importante, dahil meron pa silang hindi natatapos na misyon. Mararamdaman mo naman daw kung isa ka sa mga ito.
"Precognition isa itong mental ability na maaaring makita ang hinaharap. Hindi ito sapilitan na hakbang. Kusa nalang itong lumalabas sa imahinasyon mo. Retrocognition gaya din ng precognition, nakikita mo din ang mga pangyayari sa alaala mo ngunit sa nakaraan naman, kadalasan ang taong nakakaranas nito ay isang reincarnate. O masasabing ang kaluluwa na nasa katawan nya ay dati nang nabuhay sa nakaraan"

This past few weeks madalas akong nakakakita sa imahinasyon ko ng isang pangyayari, everytime na hindi ko makuha ang antok ko at ipipikit ang mata ko, paulit ulit na pangyayari ang pumapasok sa utak ko, same place, same scene and same casts at ang nakakapanghilakbot lang ay nandoon din ako na nakikipaglaban, I am wearing a white see through with gold beeds long back dress, ang mga kasama din pati ako ay may mga powers, gaya ng tubig , apoy, nature,sword, lightning at kung anu ano pa. Ang tangang isipin pero baka nga reincarnate lang tong katawan ko .

"Ano Aphrodite, tingin mo sino ka kaya sa past?"

"I don't know" and then i shrugged my shoulder to end up her questions.

"Superstitious beliefs lang yan, masyado kang nagpapadala sa mga fantasy books na binabasa mo"

"Hmm.. As you said"

~~~~~~

"Paalam na po father, sisters mamimiss ko po kayo"
Nakakalungkot man pero 1week sembreak is done, no choice kailangan na namin umuwi sa maynila dahil bukas ay papasok na kami. Hays back to reality.

"O sya sige mga anak, mag iingat kayo. Kaawaan kayo ng diyos" malunhkot na sabi ni father robert.

"Anak aalagaan mo sana ang sarili mo ha? Tatawag ka palagi saamin, mag aral ng mabuti" naiiyak man pero pinipilit parin ni sister rebecca na paalalahanan ako.

"Opo sister, wag ho kayong mag alala kaya ko na po ang sarili ko, ako kaya si aphrodite para san pa na ipinangalan ako sa isang goddess, matapang na babae diba po?"

Nagkatinginan sina father at iba pang sisters sa sinabi ko. Natawa ba sila sa joke ko?. Napansin ko namang parang nasamid si sister rebecca at biglang tumingin sa malayo.

"O sige na iha, baka gabihin pa kayo" pag sisingit uli ni father saka ako niyakap, sumunod naman ang mga sisters, niyakap din nila ako isa isa.

"Oww touchyy"

Sinamaan ko ng tingin si wendy. Naku hindi nya talaga mailugar ang pagbibiro nya.

Hinatid kami ni father sa terminal ng bus papuntang maynila at tuluyan na kaming nagpaalam.











~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thankyy 🧡🧡🧡

GOD'S AND GODDESSES (In Modern World)Where stories live. Discover now