Dedicated to
TO:HER
~~~~~~
Mga butil na namula sa mata
Nagpapahiwatig ng aking nadarama
Sa panahon na ikaw ay kasama
At sa panahon na tayo'y nawalay na isat isa
Tatlong taon na pagkakaibigan
Nauwi sa walang pakialaman
Puso't pagkatao nawasak ng tuluyan
Nang sinabi mo na ikaw ay lilisan
Ako ang may kasalanan nito
Lahat ng nangyari sa akin at sayo
Sinayang ko ang mga panahon na ako'y may tinatawag pang tayo
Ngunit ang salitang iyon ang hindi ko na maibibigkas dahil sa ito'y nawala na sa bokabularyo mo
Gusto kitang ipaglaban
Upang mabalik ang nakaraan
Ngunit sa tuwing ako'y maglalakas loob
Sa iba'y napalapit na ang iyong loob
Gusto kong maibalik ang oras
Yakap at halik mo'y muling maranas
Pero mukhang ako'y minamalas
Pagmamahal mo ay sa iba na ipinararanas
Ako ba'y susuko na o lalaban pa
Kung ako'y lalaban, maghihintay kaba
Kung ako'y susuko magiging masaya ka kaya
Kaya kitang ipaglaban ngunit ako'y pagod na
Mga luha na alay sayo
Mga luha na nagpapakita ng pagmamahal ko
Mga luha na nagpapakita ng tunay na ako
Ngunit pasensya ako'y susuko na
YOU ARE READING
Mga Tinta Sa Bawat Pahina
PoetryMga Salitang Ikaw ang naging dahilan upang magkabuhay Pusong sinaktan at Iniwan Mga tintang nagsilbing Luha Mga tintang nagsilbing marka sa sakit na nadama Mga tinta sa bawat pahinang ikaw ang paksa Mga pahinang kung saan noong ako'y nasasaktan pa P...
