So nakita nga niya.

Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"So that means you just befriended me to make it easier for you to look after me?!" tumaas na ang boses ko dahil sa mga nalaman ko. Akala ko totoo lahat ng pinapakita niya, pero niloko niya lang pala ako!

Ang sakit! Bakit ganito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Para pagtaksilan ng ganito!

Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

"No, it's not what you think Josephine. I_I love you, the first time I saw you I already fell in love with you. I followed you not because of the king's order but because I want to be closer to you." hinawakan niya ang mga kamay ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. "I'm sorry for not telling you about this earlier, I'm sorry for betraying you. I just did it because I don't want to lose you. And don't worry, I've cut my connections to them, they didn't know anything about you I promise."

Tinignan ko siya sa mga mata upang malaman kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo at nakita ko ang sinseridad sa mga ito.

"Please don't cry." pinunasan niya ang mga mata ko saka niyakap ako ng mahigpit and I hugged him back pero maya maya lang ay bigla akong hinila ni Tober papunta sa tabi niya.

"That's enough." he said monotonously and wrapped his right arm around my waist.

Napunta ang atensyon namin sa labas ng makarinig kami ng mga sigawan. Pumunta kami sa may bintana at patagong sinilip kung ano ang nangyayari sa labas.

May mga lalaking naka suot ng black cloak at nakatakip ang kalahati sa mukha nila, sila na siguro ang mga crooks. Tinututok nila ang mga espada nila sa mga mundanes at ang iba naman ay hinihila papunta sa grupo ng mga mundanes na nakaluhod.

Pumunta ako sa lamesa kung saan nakapatong ang mga armas ko at kinuha ang shoge knife at ang mga throwing cards. Ibinalot ko sa tela ang shoge knife at itinali ito sa baywang ko, itinago ko naman sa bulsa ng cloak ko ang mga throwing cards ko para madali ko itong makuha kapag may nangyaring masama.

"Grrrrr" Tophin growled, he was in his defensive position right now, I know that he can sense the danger outside.

"Hide! They're coming." pabulong na sabi samin ni Richard. Kinuha namin ang mga bag namin at nagtago sa ilalim ng bintana, pinahiga ko si Tophin at sinenyasan na huwag mag ingay para hindi siya makita ng mga crooks ang problema lang ay ang mahahaba niyang sungay, buti na lang at nakaisip ng paraan si Mardy. Binalutan niya ito ng mga patay na halaman pang disguise upang magmukhang patay na halaman si Tophin.

Rinig na rinig ko ang mga yabag nila sa likod ng pader.

"Silipin mo kung may tao diyan." rinig kong sabi ng isang lalaki.

"Walang tao, baka matagal nang walang nakatatira dito."

Nang mapansin naming wala na sila ay biglang nagsalita si Blake. "Anong plano? Ngayon na ba natin uumpisahan yung misyon?"

"Yes, this is now our chance. But first we need to have a plan on how to attack them." sagot ni Richard.

"So what's the plan?" tanong ko.

Nabaling ang atensyon naming lahat kay Tober ng bigla siyang mag salita. "We must first cover our faces so that they won't know who we are." sumilip siya saglit sa labas bago ituloy ang sinasabi niya. "There are five crooks guarding the mundanes, Richard and Mardy that's your target." tinuro niya sakanila kung saan banda ang target nila at tumango naman ang dalawa bilang tugon. "Blake and Juvia, you two are going to take them away from here." sabi niya sa dalawa.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now