Mabilis akong tumakbo at isinaksak sa likod ni Lucifer ang gintong punyal. Naramdaman ko ang sakit ng ginawa ko sa puso ko, para ko naring sinaksak ang sarili ko.

Isang mahabang katahimikan ang sumunod.

"Patawarin mo ako mahal ko," malakas na iyak ko sa kanyang likod.

Narinig ko ang pagbagsak ng kanyang espada. 

"Patawad.. Patawarin mo ako!" sigaw ko sa gitna ng pag-iyak ko.

Hinarap ko sya at tinignan sa mukha. Bakas ng pagdurusa ang mukha nya, nandon ang katanungan sa mga mata nya na parang hindi makapaniwala sa nangyari.

Napaluhod sya sa lupa at tumingin sa dibdib nya. May itim na tila ugat ang kumalat sa buo nyang katawan. Mas lumakas ang iyak ko.

"Patawarin mo ako. Patawad mahal ko.."

"Bakit Aura.." bulong nya bago tuluyang napahiga "Bakit?"

Lumuhod ako at umupo sa tabi nya. hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya. Unti-unti nang nawawala ang apoy sa paligid ng katawan nya. Kasabay non ang pagliit ng sungay nya.

"Hindi tama ang ginawa mo mahal ko," hinawakan ko ang pisngi nya "Hindi mo dapat sinuway si Ama. Hindi mo dapat ako binuhay pa. Hindi mo dapat sinira ang balanse ng mundo."

"Mas pina..halagahan mo ang mga mortal.. kaysa sa pagmamahalan natin?" tanong nya.

Umiling ako.

"Hindi ko kayang makita na ang kapalit ng pagmamahalan natin ay ang pagkamatay ng napakaraming inosenteng tao.. Hindi ko kaya.."

Huminga sya nang malalim na tila sumusuko na. Tumingin sya sa akin. Wala akong nakikitang galit sa mga mata nya sa ginawa ko sa kanya.

"Mahal.. na mahal kita.." sambit nya at nakita ko na lumuha sya ng dugo "Mas nanaisin ko ang mamatay kaysa mawala ka sa'kin.."

Mas lumakas ang iyak ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya habang nakatingin sa mukha nya. Hinalikan ko ang kamay nya.

"Mahal kita Lucifer.. Kung maibabalik lang ang panahon.. Kung naging normal lang sana tayo.." niyakap ko sya nang mahigpit "Kung may magagawa lang sana ako para sa ating dalawa mahal ko.."

Hinaplos nya ang buhok ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa dibdib nya.

"Mahal ko.." bulong nya. "Siguro nga.. ito ang nakatakda para sa ating dalawa."

Humiwalay ako sa yakap at muli syang tinignan. Kumalat na rin ang itim na linya sa mukha nya. Inangat nya ang kamay nya. Kinuha ko 'yon at idinikit ang palad nya sa pisngi ko.

"Pata..warin mo ako kung naisama kita.. sa impyerno.." mahinang sabi nya na puno ng pagsisisi ang mga mata "Sana.. hindi ka Nya pabayaan ngayon.. Sana.. tanggapin ka Nyang muli... bilang anghel sa.. kaharian nya."

"Hwang mo akong alalahanin mahal ko.." umiling ako at paulit-ulit na hinahalikan ang kamay nya.

"Aura.." habol ang hiningang tawag nya sa pangalan ko "Mahal.. na ma..hal kita.."

Ipinikit na nya ang mga mata nya. Nawala na ang maputla nyang balat, nabalutan na ito ng kulay itim. Ang buong katawan nya ay ay nabalutan ng kulay itim, indikasyon ng kanyang pagkamatay.

"Luci... mahal ko!!" niyugyog ko ang katawan nya pero hindi na sya gumalaw pa "Mahal ko!! LUCIFER!!"

Wala na sya. Wala na sya! Pinatay ko sya! Bakit kailangan pang mangyari sa amin ito?! Bakit kami pa ang kailangan dumaan dito?! Niyakap ko ang katawan nya at umiyak nang umiyak. Sumigaw ako nang sumigaw para mailabas ang sakit sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Sobrang sakit. Paulit ulit kong tinawag ang pangalan nya. Wala na sya. 

Nagdaan ang ilang oras, mukhang naubos ang luha sa mga mata ko. Tulala lang akong nakayakap sa kanya. Hindi ko sya magawan iwan. Hindi ko sya iiwan. Ang sabi nya gusto nyang sa tabi nya lang ako palagi. Dito lang ako sa tabi nya. Sasamahan ko sya sa pagtulog nya.

"Aura," tawag sa akin ni Miguel.

Nilingon ko sya. Nasa likod nya sina Gabriel at Uriel. 

"Kailangan na nating umalis.." malungkot na sabi ni Gabriel.

"Iwan nyo na ako," paos na sagot ko "Dito lang ako sa tabi nya."

"Aura hwag mong gawin ito," nakikiusap ang mga mata ni Miguel.

Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Wala na akong pakialam sa kahit na ano'ng iisipin nila. Hindi ko iiwan ang mahal ko dito. Patay na rin naman ako hindi ba? Dito lang ako. Hindi ko sya iiwan.

"Hindi na kayang suportahan ni Hecate ang lagusan. Kailangan na nating umalis dito," narinig kong sabi ni Uriel.

"Aura," may humawak sa balikat ko, si Gabriel "Kailangan na nating umalis bago pa tayo makulong dito habang buhay."

"Umalis na kayo.." mahinang sagot ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa katawan ni Lucifer.

"Magiging abo na sya mamaya," paalala ni Miguel "Mawawala na rin sya. Gusto mo bang makulong dito nang nag-iisa?"

Umiyak ako. Mawawala na rin pati ang katawan nya. Umiyak ako nang umiyak.

"Aura," niyakap ako Gabriel "Umalis na tayo.."

"Si Lucci.." umupo ako at tinignan muli si Lucifer. 

"Wala na tayong magagawa pa. Hindi na sya babalik pa," sabi sa akin ni Gabriel.

Binuhat nya ako at pilit na kinalas ang hawak ko sa kamay ni Lucci. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Lucci..

"Tayo na.." sabi ni Miguel.

Unti-unti kaming tumaas. Lumipad na sila. Naiwan ang katawan ni Lucifer sa impyerno. Naiwan syang nag-iisa. Pumasok sa portal na nilabasan nila sina Gabriel. Nawala na nang tuluyan sa paningin ko si Lucci. Niyakap ko si Gabriel at umiyak sa dibdib nya. 

Iyon na ang huling beses na makikita ko sya. Ang huling beses na nakita ko ang lalaking minahal ko mula buhay hanggang kamatayan. Paalam Lucifer. Paalam mahal ko.

***~(TT~~TT)~***

Ajujuju. Naiiyak ako. Ajujuju. Kasi lagpas ng 30pages ito, di na sya short story. Ang lungkot. Ajujuju. May Isa pang chapter. Last chapter sa Saturday ng madaling araw. PATAAAAAY NA SYA!!!!!!! AJUJUJU!!!! Umuulan dito sa amin, nakikidalamhati.

WANT A DEDICATION?

Kung marunong kayong mag-drawing, mag-submit na kayo ng entry. I-drawing nyo lang ang paborito nyong scene kung saan magkasama sina Aura at Lucci. I-Post nyo ito sa fan page ko sa facebook. Alesana Marie [request box]. Nasa bio ko ang link. Dapat unique at hindi kopya mula sa anime chuva. Disqualified ang mangopya sa anime. Okay lang  kung si GD basta may Aura.

Ang pinakamaraming LIKES ang winner. Sa kanya dedicated ang last chapter plus fansign mula sa akin. trololo~ DEADLINE nito.. until this FRIDAY 11:59PM. 

Vote.Comment.Fan.Spread.DANKE.

XOXO

Alesana Marie

Reincarnation of LuciferOù les histoires vivent. Découvrez maintenant