"IBIGAY MO SA AMIN SI AURA! ALAM MONG HINDI SYA DAPAT NA NARIRITO!" sigaw ni Gabriel.

"Mamamatay muna ako bago nyo sya makuha mula sa akin!" nagngingitngit sa galit na sagot ni Lucifer. "SA AKIN LANG SYA!"

"KUNG GANON SA NGALAN NI AMA, MAMAMATAY KA!" sabi ni Miguel habang nasa itaas parin.

"HWAG KAYONG PAKASIGURO!! NASA KAHARIAN KO KAYO!!" sagot ni Lucifer.

May mga matataas na uri ng demonyo ang lumitaw, may suot silang baluti at hawak na espada. Sumugod sila kina Uriel, Gabriel at Miguel. Tatlong arkanghel laban sa isang batalyon ng mga demonyo. Wala akong magawa kundi ang panoorin ang labanan. Mas maraming demonyo ang namamatay ngunit hindi sila nauubos. Sa tuwing may mamamatay, may agad na papalit sa kanila. 

May humawak sa akin at inangat ako.

"Mahal ko, hwag kang mag-alala. Hindi ko sila hahayaan na paghiwalayin tayong muli," sambit sa akin ni Lucifer habang buhat nya ako sa mga braso nya "Papatayin ko sila. Papatayin ko lahat nang magtangka na paghiwalayin tayong dalawa."

"Lucifer.." umiiyak na tawag ko sa kanya "Itigil mo na ito.."

"Hwag kang umiyak mahal ko.. AH!"

May dumaplis sa pisngi nya, umagos ang itim nyang dugo mula roon. Napalingon ako sa lumipad na bagay. Nakita ko ang gintong punyal na tumama sa isang malaking bloke ng bato.

"LUCIFER!!!!!!!" 

Nabitawan ako ni Lucci nang dambahin sya ni Miguel. Bumangon ako at nakita na naglalaban silang dalawa. Espada sa espada. 

Napaatras ako nang dumami at mas naging mahigpit ang laban ng mga demonyo at ng tatlong anghel. Kinuha ko ang gintong punyal mula sa pagkakatarak nito sa bato. Mahigpit ko itong hinawakan sa mga kamay ko.

Makaraan ang napakatagal na oras, nakikita ko na ang resulta ng laban. Gaano man kalakas ang tatlong arkanghel, wala silang laban sa isang batalyon ng mga matataas na antas na mga demonyo.  Tama si Lucifer, nasa kaharian nya ang tatlo. Wala silang laban.

"AAAAHH!!"

Agad akong napalingon sa direksyon nila Miguel at Lucifer. Nakahiga at sugatan si Miguel, nakatayo naman si Lucifer at nakadagan ang isang paa nito sa dibdib ng anghel. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako dahil ligtas ang mahal ko o matatakot para sa buhay ng kaibigan ko?

"Ano ang pakiramdam anghel?" tanong ni Lucifer kay Miguel "Ano ang pakiramdam na pabayaan ka ng itinuturing mo'ng Ama?"

"Hindi ko alam Lucifer," nakangiting sagot ni Miguel sa kabila ng sakit na nararamdaman nya "Bakit hindi ikaw ang sumagot dyan? Alam mo ang pakiramdam hindi ba? AAAH!!" daing ni Miguel ng diinan ni Lucifer ang tapak nito sa dibdib nya.

"Hangal na anghel. Ito ang nakukuha ng mga hangal na katulad mo, kamatayan!"

"Mas hangal ka Lucifer.. dahil tinalikuran mo si Ama.." may dugong lumabas sa bibig ni Miguel.

"Bakit hindi ka nalang mamatay?" madilim ang mukha na sambit ni Lucifer bago iangat ang kanyang espada.

"Naaawa ako para sa'yo Lucifer.." umubo ng dugo si Miguel "Hindi mo alam kung ano ang idinulot mong sakit sa pinakamamahal mo.."

Tumingin sa akin si Miguel, nakangiti sya habang naghihintay ng kamatayan nya. Tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ito dapat nangyari. Kailangan kong mamili. Kailangan ko ng desisyon at alam kong habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko sa gagawin ko.

Reincarnation of LuciferWhere stories live. Discover now