{Chapter 23- Pernos Gate Gang}

Start from the beginning
                                    

"Talaga namang pang aasar ang palagi nilang ginagawa eh noh."-pakinig kong singhal ni thara.

Naranasan na rin namin yan noong sila ang kalaban namin. Mahilig silang mang asar kaya napipikon minsan ang mga kalaban nila. Yang na ata ang gawain nil eh.

Pagkalipas ng ilang minuto, ang grupo nila hanzer ang nag umpisa sa laban. Dahil nga sila ang attacker. Pansin mo talaga ang galing sa pakikipaglaban ang grupo niya. Sa tagal ng panahon naming nandito, kakaiba ang klase ng pakikipaglaban nila kaysa sa mga ordinaryong gang lang. Hindi ko alam kung na training o ano. Wala na rin kasi akong narinig simula nang umalis na ang grupo nila.

Naningkit lalo ang mga mata ko ng may mapansin akong isang lalake na kagrupo nila hanzer. Parang nakita ko na ito. Ang hubog ng kanyang katawan, ang tindig at ang mga galaw niya parang nakita ko na siya. Saan nga ba? Napaisip ako bigla.

Hindi kaya siya yung lalakeng nagbebenta ng droga sa isang kwarto noon? Pero, hindi ako sigurado, nakatalikod yun kung saan hindi ko kita ang mukha niya. May nararamdaman akong kakaiba sa lalakeng yun.

Hindi talaga ako kampante.

"Tignan niyo yun oh!"-turo ni alexander sa gilid kung saan naglalaban ang isang lalake laban sa dalawa. Hindi ko nga sigurado kung aling grupo sila kasali. Tsk.

Kita ko ang paggulong gulong nilang tatlo sa lupa. Yung isang lalake ay sinuntok niya ang ang kalaban na mestizo (siya yung tinutukoy kong namumukhaan ko sa bar) Pero umiwas ito at patalong sinipa ang mukha. Yung isa naman ay hinila niya ang braso pero ang nahawakan niya ay ang manggas nito kaya ang nangyari napunit ang manggas niya.

"Bwahahaha! Tangina!"-tawanan nila jeigh.

Pero halos magitla ako sa nakita ko. Kumurap ako ng dalawang beses upang masigurong hindi ako namamalikmata. May tattoo ang meztisong lalake sa braso. Nakaguhit dito ang isang bungo na may nakatarak sa kanyang ulo na kutsilyo at patagilid ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Yang tattoo'ng yan ay nakita ko na sa lalakeng nagbebenta ng droga kung saan nakaguhit rin sa kanyang braso. Hindi nagkataon na magkapareho silang tattoo dahil talagang walang pinagkaiba ng pagkaguhit nito.

Fvk! May hindi talaga ako nalalaman.

Tama nga si el jete. Kabilang ang grupong yun dito. Pero sino sa dalawang grupong ito? Imposibleng ang grupo ni hanzer, dahil sarili niyang mga magulang inaalala tungkol sa pagbibintang ng pagbenta ng droga dito sa EUA. At isa pa, siya na ang nagsabi na hindi kailanman nakakahawak ng droga ang pamilya niya kaya ibig sabihin, hindi siya nagbebenta ng droga. Hindi kaya, ang kabilang grupo ang sinasabi nila el jete?

Pero yung lalakeng nagngangalang lorenz.....namumukhaan kong siya yun. Kagrupo ni hanzer. Hindi ko maintindihan ang nangyayari! Kapag nalaman kong si lorenz nga yun, ibig sabihin sina hanzer nga ang hinahanap namin.

"Hoy jami! Okay ka lang?"-tanong ni sam dahilan para matigilan ako sa pag iisip.

"Nakita mo ba ang lalakeng yun?"-turo ko sa lalakeng nakikipaglaban ulit na napunit ang manggas.

"Yung may tattoo sa braso?"-pabalik niyang tanong na agad kong tinanguhan.

"Oo. May nakita akong kapareha niyang tattoo na nagbebenta ng droga noon sa la costalhine. "-paliwanag ko dahilan para manlaki ang mga mata niya.

Noon kaseng nalaman namin ni skyler na may nagbebenta ng droga sa bar na yun, agad naming sinabi kina sam at kay el jete.

"Sigurado ka ba?"-paninigurong bulong niya dahil baka marinig nila jeigh.

"Oo."-bulong ko at napasulyap sa dalawang grupong naglalaban ulit. "At may napansin din ako. Yung lorenz na nagbebenta ng droga sa isang studyante ay mukhang nandito. Pansin ko ang kagrupo ni hanzer na isang lalake. Kapag nalaman kong lorenz ang pangalan nun, sigurado na akong sila hanzer ang hinahanap natin."

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now