{Chapter 21- Start}

Começar do início
                                    

Gago pala to eh.

"Hoy! Magaan lang ako! Sadyang payatot ka lang!"-binelatan ko siya para mainis.

Mabilis akong yumukod para makapasok na sa ring samantalang, umakyat na din ang hudas.

"Payatot? Excuse me, sa dami ng muscle ko sa katawan."-yabang pa niya at yumukod na para makapasok sa ring.

"Ang hilig mo talagang magbuhat ng sariling bangko ano."-ngiwi kong tugon pero tumawa lang ito at saka tinaas pa ang braso para ipakita sakin ang muscle niya.

Meron nga, psh.

"Tignan mo to? Baka mauntog ka diyan ma amnesia ka bigla."-at saka siya humalaklak. Yung tipong hindi ko na makita ang mata niya.

Kaasar talaga ang hudas na to. Palagi na lang niya akong pinagti-tripan.

"Yabang mong payatot ka."-ismid ko at saka umayos ng tayo. "Sige na, laban tayo. Kung sinong matalo manlilibre."-napangisi ako bigla.

Pwede na rin. Ako ata ang rank 1 dito, hahaha.

Napaisip siya saglit at saka ngumisi.

"Call."-mayabang niya pang sabi at saka ako sinenyasan na lumapit.

Aba't ang angas talaga eh!

Mabilis akong sumugod sa kaniya at inambahan ng sapak kaso nakaiwas to pakanan. Akmang huhulihin niya ang kamay ko ng mabilis din akong nakaiwas. Umikot ako patungo sa likod niya para sana sipain ko likod niya ng mabilis siyang nakaiwas.

Tangna, magaling din pala ang kumag na to.

Napailing ako at mabilis na umiwas ng ambahan niya ako ng suntok. Sisikuhin ko sana siya ng mabilis niya yun nasalag kaya naman tinuhod ko ang sikmura niya. Di niya yun nakita kaya natamaan ko siya.

"Fvk!"-mura niya at napaatras.

Napangisi ako. "Tangna, yan pala ang may muscle ha?"-at saka ako natawa.

Kumibot ang labi niya at saka napabuga ng hangin. Tumayo ito at saka pinasadahan ang buhok niyang medyo magulo.

Mabilis itong sumugod sakin at wala akong magawa kundi ang salagin at umiwas sa mga suntok niya. Tangna, hindi ako makasabay sa bilis niya. Di ko na din napansin na nahawakan na niya ang braso ko at pinilipit yun patungo sa likod ko.

"Ah, a-aray, aray h-hoy! Bitawan mo ko, puta aray!"-inis akong napadaing habang nagpupumiglas ngunit narinig ko lang itong gumawa sa gabi ng tenga ko.

Nyeta, bigla atang nagsitayuan ang mga balahibo ko!

"Yan pala ang rank 1 ha?"-asar niya bago ako bitawan at BATUKAN!

Aba'y tarantado pala to ah! Muntik na akong napasubsob sa sahig!

Pakinig ko pa ang halakhak ng hinayupak! Grrr!

Sininghalan ko siya ng tingin at napahawak sa batok ko. Walangya, siya pa ang may lakas na batukan ako. Humanda sakin ang hudas na to.

Mabilis akong sumugod at wala talaga akong pinalampas kahit nasasalag niya ako. Malakas kong sinipa ang paa niya dahilan para mapaluhod ito at mabilis kong hinila ang isa din niyang kamay para pilipitin din sa likod niya.

"Fvk!"-mura niya kaya napangisi ako.

Nasa likod niya kase ako habang hawak ko ang kamay niya pinilipit ko sa likod niya samantalang nakaluhod siya kaya mahihirapan ang ugok.

Hahaha! Nasa akin pa din ang huling halakhak.

"Tap mo na kase, pinapahirapan mo lang sarili mo eh."-natatawang suhestiyon ko pero hindi ito umimik.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora