THIRD PERSONS POV
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasabay na pagkulog at kidlat..
"Bat ngayon pa bumuhos ang malakas na ulan kung kelan pauwi na ko sa aming bahay?" Malamyang sambit ni Javier habang binabaybay ang daan papunta sa kanilang tirahan sa sobrang lakas ng ulan ay pinili nya munang huminto sa paglalakad at nakarating naman sya sa may isang lumang parke sa kanilang subdivision ng bigla syang nakarinig ng iyak..
"Huhuhu..whaaaah"
Sinundan nya naman ang tunog ng pagiyak ng isang bata at nakita nya iyon sa may ilalim ng slides nakasalampak iyon sa may damuhan habang humihikbi..
"Bata anong ginagawa mo dito?at hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo?at anong pangalan mo?"sambit nya sa batang babae na nakayuko na di man lang sya tinitignan nito
"*sniff di ko po alam" pagkatapos nyang sabihin iyon ay nawalan na ito ng malay hindi na nagdalawang isip si javier na kunin ang bata at kupkupin na bilang isang tunay na anak..
-----
"Tatay tulungan na po kita dyan"masiglang sigaw ni Heaven sa kanyang ama na nagdidilig sa may hardin.
"Ikaw talagang bata ka..magpahinga ka nalang ako ng bahala dito"nakangiting sagot ni Javier sa kanya
Hindi sya nagsisi na inampon nya ang batang ito simula nung namatay ang kanyang asawa sa panganganak ay nawalan na sya ng ganang mabuhay pa pero nagbago lahat ng dumating si Heaven sa buhay nya.
Namamasukan sila sa pamilyang Kings bilang Butler sya lang naman ang pinagkakatiwalaan ng pamilyang KINGs dahil sa tagal na nyang naninilbihan dito.
"Di ka pa nasanay sa akin tatay..teka po gumawa po ako ng miryenda nyo po."tuwang sabi ni heaven sa kanyang ama na habang kinukuha nya ang sandwich.
"Salamat..tara na pumasok na tayo sa loob"tumango nalang ito at pumasok sa loob.
Maraming nagtataka sa loob ng mansyon kung bakit hindi magkamukha sina javier at kanyang anak na babae.
Dahil habang lumalaki ito ay lalong gumaganda dahil sa puti nitong porselana at may maamong mukha mahaba ang pilikmata,matangos na ilong may natural na mapupulang labi at ang kulay mata nitong abo tsaka ang kanyang natural na buhok na kulay brown.
"Ayan nanaman kayo ..hayaan nyo na ang mag ama magsibalik na kayo sa inyong mga gawain" sabi ni Helga ang mayordoma ng palasyo hindi na bago sa kanya ang pagusapan ang tungkol sa anak ni javier na si Heaven tlaga naman napakaganda nito kung tutuusin ay mapagkakamalan mo itong anak mayaman at alam naman nyang ang tungkol dito.
ESTÁS LEYENDO
Ang Maid Kong Prinsesa
Novela JuvenilAkalain mo yun ang isang maid ni Kamahalan ay totoong prinsesa na nageexist sa buhay nya. Royal life??? Hindi ko talaga inexpect na magiging isa akong tunay na Prinsesa na dati palang ay Hanggang pangarap ko lang. Pero alam mo kontento na ko sa pagi...
