Chapter 15 ~~ Yabang alert!

61 3 0
                                        

WAYNONA's POV

Hindi ko maalis sa isipan ko yung sinabi kahapon ni Tristan nung pinapaalis na sya ni Frances.

   "........Pag si Dominic, pinapapasok... Pag ako, tinataboy pa..."

Nagf-flash back talaga yan sa isip ko. Pati yung mukha nya, so disappointed.Para syang nagseselos na ewan kay Dominic. Hindi kaya.........no! It's impossible! Wala namang gusto si Tristan kay Frances diba?

*knock* *knock*

Nagulat ako sa biglang kumatok. "Pasok" sabi ko tapos nagbukas yung pinto at pumasok si Nat.

"Bakit ka naman ganyan? Hindi ka parin nakakarecover nung sa mall?" tanung nya sabay upo sa gilid ng kama ko.

Yung sa malll... Nung nakita namin si Tristan at Frances na magkasama, sobrang nagukat ako nun kaya,sinabi ko kay Nat na uuna na ako pauwi. "Ayos na'ko dun. Isa pa, pinaliwanag na ni Frances samin yun."

"Eh bakit ka ganyan? Tristan again?" Alam na alam nya talaga tuwing may problema ako. *sigh*

"I don't know"

"Ano nga kasing nangyari?" Imbis na sagutin ko yung tanong nya, nagtanong nalang ako. "Nat,tell me the truth. May gusto ba si Tristan kay Frances?" Halatang nagulat sya sa tanong ko. Ano bang nakakagulat dun?

"Hindi ko alam. Pero if you'll ask me,sa tingin there is a chance. Pero si Tan-tan kasi, wala yang ideal girl. Ayaw daw nya ng ganun ganun kasi wala parin naman syang planong magmahal. Kaya kung may gusto yan sa isang tao, mahahalata naman yun" sagot nya. Wow ha! Imbis na pagaanin yung loob ko, bakit parang mas bumigat pa ata?

"Dami mo pa sinabi. di mo naman pala talaga alam"

"Sorry naman, pero wag kang mag-alala. Kung iiyak ka man sooner or later dahil sa kanya, andito naman ako. Mas cute pa kaya ako sakanya!" Pagyayabang nya. Napangiti naman ako, ang kapal naman kasi! "Syaka Way, kung hindi sya ang para sayo, marami pa dyan sa paligid" dagdag pa nya

"Para namang sinasabi mong wala na akong pag-asa. Tsaka,Way?"naguguluhang tanong ko

"oo Way. as in, WAYNONA! Way! Tsaka, wala ka naman talagang pag-asa..Blehh *tongues out*" pang-aasar nya. Kinuha ko nga yung unan sa tabi ko.

Sigaw ko sakanya sabay bato ng unan. Napatayo naman sya "Kala ko ico-comfort mo ko! Sira!" sabi ko sabay bato ulit ng unan. Ilag lang naman sya ng ilag.

"peace.. Joke lang yun... Tama na" sabi nya habang nailag parin sa pagbabato ko ng unan.. Bwahahahha....yung mukha nya! nakakatawa!

"Labas na nga!"

"opo, Mam! Lalabas na po. Lumabas ka na din. Kung hindi mo po alam, 1:06 pm na" sabi nya sabay madaling lumabas ng kwarto. 1:06 na? Di pa ako nagl-lunch!

*****

"Diet ka?"

"Porket Pancit Canton kinakain, Diet na agad?" pambabara ko sakanya.

"yan ka nanaman Way ha. Nambabara ka nanaman. Bakit ba ngayon ka lang kumain?" Para syang ewan. WAY?

"hindi ko namalayan oras e"

"nasaan ba kasama mo sa bahay? Si Mikki at Antonnette?"

"Ewan ko, may pupuntahan daw e. Andaya nga hindi ako sinama!" sabi ko ng may patampong effect pa. Kainis yung dalwang yun! Loner tuloy ako

"Buti nga"- Nat. Sinamaan ko sya ng tingin. "Di joke lang. Teka, diba kasali kayo sa Rade Academy M.B.Y? Nakapag-submitt na kayo ng form?" tanong nya.

teka, pano nya nalaman? "Kung nagtataka ka, Dominic told me" sabi nya. Inayos ko na yung pinagkainan ko. Busog na ako!

"Pano nya nalaman?"

"ewan ko. Marami naman syang connection sa school kaya impossible na di nya malaman" he said. Sabagay...

"Kailan ba ang performance?"

"sa wednesday na" sabi nya. Matagal pa pala naman....teka...

.

.

.

"ANO?! WEDNESDAY NA?! WALA PA KAMI NAPA-PRACTISE!!!"

"buti nga! hahah....Wala pa din naman kami. Pero madali na samin yun kasi, sanay na kami :P" sabi nya sabay dila. Yabang nya ngayon a! Edi sila na nga!

_____________________________________________________________________________

AN:

VERY VERY VERY SHORT UD PO.

Mianhae...

Busy lang po ako. heheh ^_^

Vomment po ^.^

THE BATTLE OF BOYFRIEND AND GIRLFRIENDOnde histórias criam vida. Descubra agora