"Alam mo Enr, simula pa lang kasi 'yan. Iisipin pa lang niya na baka show off mo lang 'yon para bumalik siya sa'yo. Ang dapat gawin natin ngayon is maging consistent tayo sa kunwaring panliligaw ko sa'yo hanggang sa mag-reach out na siya ng tuluyan at pagsisisihan ang ginawa niya. Kung ngayon pa lang ay atat ka na, mabibigo ka sa plano mo. Trust me, lagi akong ginagamit ng mga tropa kong babae pagdating sa ganitong bagay," mahabang litanya niya habang may kinukuhang bagay sa kanyang drawer.

"Oo nga'no, it makes sense now,"pagsang-ayon ko.

"Sabi ko sa 'yo eh, kailangan nating pagmukahin na totoo ang lahat para mas kapani-paniwala," untag niya.

May ini-abot si Igo na isang letter at nagtaka ako kung ano'yon. Ang sabi naman niya ay gamitin ko raw 'yon para sa pag-post ko tungkol sa plano. "Gamitin mo 'yan ah? Love letter 'yan. Basahin mo na lang sa bahay niyo then ipost mo 'yan sa my stories mo. Check ko IG mo mamaya."

Pagkatapos ng usapang 'yon, umuwi ako ka-agad para tapusin ang mga assigments ko at i-post na rin sa IG ang binigay niyang letter na may nakalagay na Mon Amour sa harap -- Mon Amour means mahal ko sa lengwaheng Pranses.

Ang swerte naman ng ex niyang namatay dahil meron siyang sweet na boyfriend, samantalang ako naman ay ako pa ang nage-effort para bigyan ng regalo si Kah at kailangan mo pang sabihan para bigyan ka. Walang kusang loob kung baga.

Nang makarating ako sa bahay, tumungo agad ako sa kwarto. Nang marinig niyang ang pagbukas ng pinto, tumigil ito sa pagda-drawing at tinignan ako Kuya Kaz nang masama, mukhang napansin niya ata ang hawak kong liham na nasa kamay ko.

"Ano yan? Love letter ba 'yan galing kay Igo?" pang-iinterogang tanong niya.

"Hindi ah!" Pagtatangging diin ko. "Letter lang to para bumalik si Kah sa'kin at ginawa lang ni Igo dahil tinutulungan niya 'ko sa plano ko," maikling pagpapaliwanag ko.

Napa-buntong hininga si Kuya at napa-hawak ito sa noo. "Kailan ka ba matututo na hindi 'yong duwag na Orange ang para sa 'yo? Bibigyan talaga ng ulirang martir award sa ginagawa mong 'yan eh. "

"Ay sus Kazeen Verde, pag mahal mo, gagawin ang lahat para bumalik ang taong mahal mo kahit magmumukha ka nang tanga," pakli ko.

Napa-face palm si Kuya. "Pag nahulog 'yan si Igo sa 'yo, mas lalala lang talaga ang sitwasyon. Huwag mo 'kong sisihin pag nahulog talaga siya nang tuluyan sa ginagawa mo. Pero kung mangyari 'yon, boto ako kay Igo para sa'yo. Ang akin lang kasi Enrico Rojo, ayaw ko na nahihirapan at nasasaktan ka dahil kapatid kita. Gusto ko lang na mapunta sa taong mas kaya kang panindigan kaya hindi ako sang-ayon na bumalik ka kay Kah, " mahabang litanya nito.

"K dot Kuya," usal ko.

Tumumungo ako sa kama at sinimulan basahin ang love letter na ginawa ni Igo.   Gumuhit ng ngiti sa labi ko nang mabasa ko ang parte ng isang linya ng first verse ng isa sa paboritong kanta ni Keiko Necesario -- ang Dito Ka Lang. 'Yong linyang Lagi kang nasa isipan ipangba kaya'y walang pag lagyan. Putik naman! Talagang naka-custom ang liham na 'to para sa 'kin! Pero plano lang 'to at hindi totoo.  Agad kong kinuhanan ng litrato ang liham at nilagay sa my stories ko sa IG at kinaption  ko ito -- Mahilig din pala siya kay Keiko. Plus points 'to sa akin, nilagyan ko ng thumps up emoji at sabay inupload.

Nag-message bigla si Igo sa IG at agad ko 'tong binasa.

Ayos, good job bebe ko!, Pambungad na mensahe nito.

Agad ko siyang nireplyan. Napaka-baduy talaga ng bebe na 'yan. Swerte ng ex mo sa 'yo, srsly.

Ganoon talaga. Baka mamaya, kinikilig ka na sa akin ah?, pangangasar na tugon niya na may tumatawang emoji.

Asa ka!, usal ko na may maraming cactus emoji.

Tinugunan lang ako niya ng maraming tumatawang emoji.  Hindi ko na siya nireplyan at agad kong ipinatong ang cellphone ko sa bedside table. Hindi ko namalayan na hinablot ni Kuya ang binabasa na lang ito.

"Hi Mon Amour, I know that you're bro-" paunang basa niya nang malakas at sabay kong hinablot ang letter sa kamay.  

"Kuya naman eh! Masyado kang pakialameron," angil ko.

Humahalakhak sa tawa si Kuya. "Ang sweet naman pala ng manok ko,e," pangangasar niya at sabay itong ngumisi. "Kung ako sa 'yo, kay Igo ka na dahil mas deserving siya kaysa sa makasarili na orange na' yon," patuloy na panunulsol ni Kuya Kaz.

Agad kong nilagay ang liham sa bag ko para hindi na mabasa pa ni Kuya. Baliw talaga siya dahil kahit kailan, napaka-alaskador talaga niya. Ewan ko kung bakit mas gusto niya si Igo kesa kay Kah. Pero sa bagay, may point naman si Kuya. Ngunit ang puso ko, mas tumitibok pa rin kay ex kaya wala rin. Basta ako, magiging pursigido talaga sa planong 'to para magsisi siya na iniwan niya 'ko at naghanap pa ng iba.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon